Prologo

2.1K 75 1
                                    

Pediophobia or the fear of dolls. May ganun siyang phobia at alam niyo yun but still pinagtripan niyo parin siya. What if that simple prank of your's goes wrong at mangyari ang isang bagay na hindi niyo inaasahan. Anong gagawin niyo?

" Oh my God Bff I'm so sorry. Hindi ko alam. Tsaka it's just a doll wag ka ng matakot. Please don't do this to me. I'm nervous." Pilit niyang pinapaharap sa kanya ang kaibigang kanina'y nanginginig sa sobrang takot. Ngunit napaatras siya at nanlaki ang mata sa nakita. " I don't wanna go to jail!" Nanginginig narin siya habang pinagmamasdan ang kanilang kaibigang bagama't nakadilat ay halatang di na humihinga. Pinalibutan naman sila ng iba pa nilang mga kaibigan.

"Then nobody will." Anang isa sa mga ito sabay hila sa babae na parang sako.

"Anong gagawin mo?" Pigil niya dito.

"I'm getting rid of her." Anito tsaka walang anumang pinagulong ang katawan ng babae sa hagdan.

PediophobiaWhere stories live. Discover now