Sais

1.1K 43 0
                                    

Pediophobia 6

...Tugsh...

Kapwa natigilan ang anim na magkakabarkada ng biglang may kumalabog. At halos sabay nagtaasan ang mga balahibo nila ng pumainlang bigla ang kantang "You've Got a Friend" ma paboritong kantahin ni Ashley para sa kanila. At lalong nanlaki ang mga ulo nila sa takot na mapansin nilang sila na lamang pala ang natitira sa lamay. Panu nangyari yun? Dba kanina lang ay napakaraming nakikiramay? Nasaan na ang mga ito?

"Bff?"

Napasiksik sila sa isang sulok ng dahil sa takot ng marinig ang mga salitang iyon na tila sumasabay lang sa hangin.

"Guys, tandaan niyo. Responsable tayo ngayon sa isa't isa. Kung sakali mang tama ang hinala nating si Ashley ang responsable sa lahat ng ito. Hindi tayo dapat magpatalo sa kanya. Lalaban tayo." Matapang na pahayag ni Elvie.

"Yeah, tama si Elvie. Dapat wag din tayong maghiwalay para mabantayan natin ang isa't isa." Ayon naman ni Ania sa sinabi nito.

Magkakapit kamay na naglakad silang anim. At parang batang bago palang natutong maglakad na kailangan pang humawak sa pader para lang huwag matumba.

"Eeeeeehhh..." Sabay sabay pa silang napatili na biglang mamatay ang ilaw at halos maihi na sila sa kaba ng sabay sabay na sumindi ang mga kandila sa may kabaong samantalang wala namang nagsisindi nun. Pero sa huli ay naisip nalang din nila na baka tinutulungan sila ng mga kaibigang namatay dahil ayaw ng mga itong sapitin din nila ang sinapit ng mga ito.

Kung kanina ay naglalakad ngayon ay kapwa na lamang sila nakasandal sa pader. Tila isa man sa kanila ay walang balak gumalaw. Para bang kung sila ay gagalaw ay iyon ang magiging mitsa ng kanilang buhay. Nakikiramdam sila sa paligid. Tumigil narin ang kumakanta. Kaya isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong paligid.

"Ano kaya kung lumapit tayo sa may kabaong?" Basag ni Maribel sa katahimikan.

"Nababaliw ka na ba?" Mahina pero madiing wika naman ni Reyna.

"Kung ayaw niyo pwes ako nalang." Humiwalay ito sa kanila. At tila iyong kaganapan na iyon lang ang inaantay ng kung sino mang nakamasid sa kanila. Dahil iyong bitaw palang na yun ni Maribel ay bigla na lamang tila may humila dito. Ni hindi man lamang ito nakasigaw at basta na lamang naglaho sa dilim. Dahil doon ay takot at tarantang nagpulasan ang natitira pang lima. Takbo dito, takbo doon. Kya naman talagang nagkahiwalay silang lima.

Si Elvie ay napunta sa isang silid. Mukhang walang lamay doon dahil napakatahimik. Dahan dahan siyang lumapit sa may bintana. At doon na siya lalong kinabahan ng makitang napakaliwanag sa labas. Kung ganun sa loob lang talaga ng funeral chapel nag black. out. Nagtatagis ang mga bagang na akmang aatras siya ng maramdaman niya ang napakalamig na paghinga sa may batok niya. Parang hindi nga hinga iyon kundi ihip. May umiihip sa batok niya dahilan para magtaasan ang balahibo niya doon.

"Diyos ko tulungan niyo po ako. Ayoko pa pong mamatay." Mahinang usal niya. Nanlaki naman ang mata niya ng biglang may tumawa sa likuran niya. Yung tawang tuwang tuwa. Parang gusto niyang umiyak at magpapadyak sa takot. Kilalang kilala niya kasi ang boses ng batang tumatawa.

"Nakakakilala ka rin pala ng Diyos, Elvie? Diba matapang ka? Diba sabi mo dati walang Diyos!" Mahina ng una ngunit habang tumatagal ay palakas ng palakas ang boses nito.

At dun parang rumaragasang bumalik sa alaala niya ang mga salitang binitiwan noon.

Flashback

"Anong ginawa mo? Bakit mo siya nilaglag? Hindi ka ba nakokonsensya? Hindi ka ba natatakot sa Diyos?" Umiiyak na tanong ni Migz. Kakatapos lang itulak ni Kimberly sa hagdan ang wala ng buhay na si Ashley.

"Anong Diyos ang sinasabi mo? Hindi totoong may Diyos. Hindi totoong may Diyos. Kaya pwede ba tigil tigilan mo ang kahibangan mong yan, Migz." Mahina pero ubod ng diing wika ni Elvie dito.

Present

"Naalala mo na ba, bff?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi totoong walang Diyos. Alam kong meron. At alam ko ring itinakwil ka niya kaya hanggang ngayon ay andito ka parin!" Galit ding sagot niya dito.

Biglang natahimik ang paligid. At nawala din ang malamig na hanging bumabalot sa silid. Lumingalinga siya. Wala. Wala siyang nakitang kakaiba. Makakahinga na sana siya ng maluwag ng bigla nalang may bumalya sa kanya. Sadsad siya sa sahig habang sapo ang kanyang tiyan na siyang tinamaan ng kung sinumang hindi niya nakikita. Oo bumalandra siya sa sulok at dinig niyang parang may hinihingal ngunit wala siyang makita.

"Shit ka Ashley! Ano ba talagang kailangan mo? Papatayin mo ba kaming lahat?" Tungayaw niya sa nilalang na hindi nakikita.

"Nalulungkot ako. Gusto ko ng kalaro." Humagikhik pa ito bago iyon sabihin.

"Ashley please lubayan mo na kami. Labing dalawang taon din naming dinala sa konsensiya namin ang pagkamatay mo."

"Konsensiya? Sige nga patunayan mong may konsensiya ka."

"Anong ibig mong sabihin?" Lalo siyang napasiksik sa sulok dahil di man niya ito nakikita ay kitang kita niya naman ang taling nilalapit nito sa kanya.

"Ashley wag." Ngayon ay umiiyak ng pakiusap niya dito. Ngunit humagikhik lang ito na tila tuwang tuwa na nasa leeg niya na ang tali. Katakatakang hindi niya rin maigalaw ang kanyang katawan.

"Welcome to my world, bff." Humahagikhik na wika nito sabay hila para humigpit ang lubid. Nanlaki naman ang mga mata niya. Gustuhin niya mang sumigaw ay di niya ng magagawa dahil hinaharangan na ng lubid ang paghinga niya. Unti unti siyang kinapos sa paghinga hanggang di nagtagal ay basta na lamang lumaylay ang ulo niya na ang ibig sabihin ay wala rin siyang buhay.


To be continued...

PediophobiaWhere stories live. Discover now