Dos

1.5K 65 2
                                    

Pediophobia 2

Ralph, ikaw-

Natigilan si Cez sa pagsasalita at parang lumaki ang ulo niya ng limang beses sa natuklasan. Wala sa tabi niya ang anak niya! Nasaan si Ralph? Mabilis niyang kinabig pabalik sa pinanggalingan ang kanyang sasakyan. Napakabilis ng tibok ng puso niya habang papalapit sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga tao. Bakit anong nangyari? Kinakabahang agad siyang bumaba ng sasakyan at nakisiksik sa mga taong nakikiusyuso. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya. Binilisan niya pa ang pagpunta sa unahan. Wala na siyang pakialam kahit nagagalit na ang mga natutulak niya para lang makalapit. Hanggang tumambad sa kanya ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

"Raaaaalph..." Halos maglupasay siya sa nakita. Ang kaisaisang anak niya ngayon ay malayang nakahiga sa kalsada at naliligo sa sariling dugo. Hit and run daw! Pano nangyari yun? Alam niyang kasama niya ito sa sasakyan kanina. Bakit nagkaganun? Bakit? Tuluyan na siyang nawalan ng ulirat dahil hindi na kinaya ng sistema niya ang natuklasan.

Samantala sa sementeryo...

"Ashley Santillan. Born August 12, 1990. Died Dec. 13 2002." Mahinang basa ni Migz sa nakaukit sa lapida. Parang kelan lang ang saya nilang magkakabarkada until that incident happen na kumitil sa buhay ng pinakaclose niya sa barkada. Si Ashley. Lumapit siya sa nitso at nilinis iyon. Napansin niyang parang wala ng dumadalaw dun kasi medyo masukal na. Patuloy siya sa paglilinis may mahagip ang mata niyang pamilyar na bagay. Nilapitan niya iyon at nakumpirma ang hinala niya. Rugdoll. Isang manikang gawa sa tela. Kinuha niya iyon at parang tubig na biglang rumagasa ang alaala ng nakaraan.

Flashback...

"Guys, alam niyo ba I've discovered something." Balita ni Kimberly sa kanila. Ang pinakakikay sa kanilang magkakaibigan.

"Ano yun?" Parang mga susung nagsilapitan sila dito.

"Si Ashley may pediophobia!"

"Ped...  ano?" Kunot noo namang tanong ni Marnelie. Ang pinakamahinhin sa kanila.

"Pediophobia! Boba!" Sagot nito sabay irap.

"Sabi mo nga. Bakit ano ba yun?"

"It's a kind of phobia. Fear of dolls to be exact. "

"Ah... Yun pala yun. Bayaan mo na total wala naman dito sa ating mahilig maglaro ng doll, eh." Nakangiting sagot niya.

"Yeah pero it doesn't mean na hindi tayo pwedeng makakuha." Anito bago kumurba ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi.

***
"Kim, ayoko sa iniisip mo." Kinakabahang banta naman ni Lea sa kapatid. Kahit pa nga alam niyang di rin naman ito papaawat.

"Migz, hand me that rugdoll." Anito sabay lahad ng kanyang palad sa harap niya.

"Huh? Bakit?"

"Duh. You're so slow! Ano pa nga bang gagawin ko dyan eh di ipantatakot ko kay Ashley." Nakapameywang nitong palatak.

"And speaking Ashley. Ayan na siya." Excited nitong balita sa kanila ng madungawan sa baba sina Ashley at ang iba pa nilang kabarkadang ngayon lang din nagsidatingan. Ang kanila kasing kinaroroonan ay isang luma at abandonado ng bahay. Dalawang palapag iyon at doon lagi sila tumatambay.

"Oh Camille gawin mo!" Anitong inabot ang rugdoll sa dalagita.

"Huh? Why me? Ayoko." Piksi naman nito.

"Susundin mo ko oh ilalagay ko sa loob ng damit mo tong ipis na nahuli ko." Banta nito sabay wagayway ng nagkakakawag pang ipis sa harap nito. Takot ito sa ipis kaya wala itong nagawa kundi kunin ang laruan. Pumwesto na ito sa may hagdan. Sakto naman at huling aakyat si Ashley. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang paakyat ng matigilan ito at parang takot na napaatras. Buti nalang at malamang ay naisip nitong hagdan ang nasa likuran kaya nangangapa at nagmamadali itong dumaan sa gilid para makalampas. Tumakbo ito ngunit hinagis naman ni Camille ang rugdoll dito ayun narin sa utos ni Kimberly. Nagtititili ang dalagita. Ipinikit niya ang mga mata. Ayaw niyang makita ang takot na takot na si Ashley. Napadilat nalang ulit siya ng marinig niya ang paghagulhol ni Camille habang pilit pinapaharap si Ashley na nakatalikod at nakasiksik sa isang sulok.

"Oh my God Bff I'm so sorry. Hindi ko alam. Tsaka it's just a doll wag ka ng matakot. It's just a stuff toy. Please don't do this to me. I'm nervous." Kinabahan siya dahil sa mga sinasabi nito at lalo pa iyong lumakas ng makita niyang napaatras ito ng tuluyan ng makaharap si Ashley. Agad siyang tumakbo pati narin ang iba pa nilang kabarkada palapit sa mga ito. At halos pare pareho lang ang naging reaksyon nila sa nakita.

...You just call out my name and you know wherever I am...

Ang kantang iyon ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Kinikilabutang iginala niya ang paningin sa paligid. Saan galing ang tunog? Hindi parin iyon tumitigil kaya di nagtagal ay nakita narin niya ang pinanggalingan ng tunog. Ang cellphone niya. Nasa tabi ito ng rugdoll. Walang pagdadalawang na hilablot niya iyon at sinagot ang tawag habang hindi parin binibitawan ng tingin ang laruan. Sa isip ay pilit niyang pinapaliwanag sa sarili kung panu napunta doon ang cp niya at kung paano nangyaring naging ganun ang ring tone nito.

"Hello?" Medyo nanginginig ang boses na sagot niya sa tumatawag. Ngunit tanging katahimikan lamang ang sumagot sa kanya. Sino ba ang tumutawag? Nakalimutan niya nga palang tingnan kung sino dahil sa pagmamadaling sagutin iyon. Akmang titingnan niya na sana ng biglang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Malapit na tayong magkita, Bff." Anang nakakapangilabot na boses na kilalang kilala niya. Dahil sa takot ay agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ng kotse niya at pinasibad iyon palayo sa lugar na iyon. Tagaktak ang pawis niya kahit nakaaircon ang kanyang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit labing dalawang taon na ang kakalipas ay hinding hindi niya makakalimutan ang boses ni Ashley.

To be continued...




Maraming salamat po sa pagbabasa. Please vote, leave a comment and share. :)

PediophobiaWhere stories live. Discover now