Kwatro

1.4K 46 2
                                    

Pediophobia 4


Dinig na dinig ni Lea na nasa may punong tenga niya kumakanta ang babae. Pero ni dulo ng daliri niya ay hindi niya maigalaw. Patuloy lang ito sa pagkanta at ramdam niyang naghalo na ang pawis at luha niya sa tindi ng takot na nararamdaman. Hiniling niya na sana ay magising si Camille at gisingin siya nito. Ramdam niyang unti unti ay pinapagapang nito sa mukha niya ang napakalamig nitong kamay. Kung nakakakilos lamang siya ay baka inalis niya na iyon. Pero hindi niya magawa dahil nga hindi siya makakilos.

"Camille?" Tawag niya sa pinsan niya. Kahit pa nga ba alam niyang tanging utak niya lamang ang nagsasabi nun at hindi ang kanyang bibig. Lalo pa siyang kinilabutan ng unti unti ay tila lumilipat ito sa kanyang harapan. Para siyang pusang nagtayuan ang mga balahibo dahil sa takot ng tumambad sa kanya ang nakakapangilabot na itsura ni...

Camille?

"Ahhhhhhhhh..." Kusa ding lumabas ang kanyang boses ng tumambad sa kanya ang pinsan. At dun na siya tuluyang nagising. Hinihingal na pinunasan niya ng kanyang kamay ang pawisan niyang noo. Akala niya talaga ay hindi na siya magigising pa. Kinikilabutang napahimas siya sa mga braso ng maalala ang dahilan kaya siya tuluyang nagising. Ang pinsang si Camille. Tiningnan niya ito. Mukhang himbing na himbing parin ang pinsan niya. Tiningnan niya ang relong pambisig. 12:13 pa lamang ng madaling araw. Malayo pang mag-umaga kaya kailangan niyang bumalik sa pagtulog pero panu? Natatakot siya! Baka pag nangyari ulit yung nangyari kanina ay tuluyan na siyang hindi magising.

Samantala sa ospital naman ay naiwang mag-isa si Aubrey para bantayan si Cez. Napag-usapan kasi nilang magsalitan sa pagbabantay dito. Ulila na kasi ito at tanging ang anak nalang na si Ralph ang kasama nito sa buhay matapos hiwalayan ang ama ng bata. Hindi pwedeng maiwan mag-isa ang babae dahil tuwing nagigising ay naghihisterya ito at gusto na ring sumunod sa anak. Palagi din nitong sinasabi ang manika daw ang may kagagawan ng lahat. Parang gusto niyang isipin na nababaliw na ito dahil sa nangyari. Panu naman kasi mangyayaring manika ang may gawa ng lahat,diba? Tiningnan niya si Cez. Mahimbing itong natutulog at parang walang problemang iniinda. Siguro naman ay hindi ito magigising. Gusto niya muna kasing lumabas para manigarilyo. Naninigarilyo kasi siya at alam niyang bawal iyon sa loob kaya kailangan niyang lumabas. Tiningnan niya muna ang babae bago siya tuluyang lumabas ng silid.

Nang makalabas ay iginala niya ang paningin sa paligid. Napakatahimik na. Siguro kasi hating gabi na kaya ganun. Malamang ang iba ay tulog na. Nag-uumpisa na siyang maglakad palayo sa silid na nilabasan niya. Isang mahabang hallway ang kanyang nilalakaran at sa dulo nun ay kakaliwa ka at doon na ang daan palabas. Malapit na niyang marating ang dulo ng bigla nalang may tila humahagibis na dumaan sa gilid niya pagkatapos ay kumaliwa din iyon. Hindi siya likas na matatakutin pero bahagya siyang kinilabutan sa nakita. Ang bilis kasi ng pangyayari. Parang iglap lang. Ipinilig niya ang ulo. Malamang ay bunga lamang iyon ng kanyang malikot na imahinasyon. Kahit alam niya namang hindi naman talaga siya mahilig mag-isip ng mga nakakatakot na bagay. Dahan dahan ang ginawa niyang paghakbang ng marating niya ang dulo ng hallway. Kinakabahan kasi siya sa pwedeng bumungad sa kanya pagliko niya. Unti unti niyang sinilip ang daan palabas. Ang daan na siya ring dinaanan ng kung sinumang mabilis na dumaan sa gilid niya kanina. Tiningnan niya ngunit wala naman pala. Napabuntong hininga na lamang siya. Siguro nga imahinasyon niya lamang ang lahat.

Nag-umpisa na ulit siyang humakbang para lumabas ng ospital. Habang naglalakad ay iginagala niya ang kanyang paningin sa paligid. Maraming silid siyang nadaanan ngunit isa lang ang umagaw ng pansin niya, ang morgue. Naalala niya kasing baka andun pa ang bangkay ni Ralph, ang anak ni Cez. Unti unti niyang itinulak ang pinto para sumilip sa loob. Napakatahimik at napakalamig ng hanging sumalubong sa kanya. Pero kunsabagay ano naman ang ieexpect niya sa silid na puro patay ang laman, diba? Muli niya sanang kakabigin pasara ang pinto ng tila may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya para tuluyang pumasok. At ginawa nga niya pumasok siya sa loob. Nayakap niya pa ang sarili ng lalong sumigid sa bawat himaymay ng kanyang laman ang lamig. Dahil sa iniinda ay nagulat pa siya ng biglang tila pabalibag na sumara ang pinto. Siguro nga kung ibang tao lang ang nasa sitwasyon ay nanginig na sa takot. Pero iba siya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Maraming bangkay ang andun at lahat ay natatakpan ng puting kumot.

"Saan kaya dito si Ralph?" Tanong niya sa sarili. Muli niyang iginala ang paningin at napako ang mga mata niya sa bandang dulo. Medyo maliit ang bangkay na iyon kaya malaki ang posibilidad na iyon na nga ang bata. Dahan dahan siyang lumapit papunta doon. Nang nasa tapat na siya ay nakita niya ang nangingitim nitong mga kuko sa paa. Naaawang napatingin siya dito. Napakabata pa nito para mamatay. Naglakad siya papunta sa ulunan nito para tingnan ang bangkay. Inaangat niya na ang kumot ng bigla nalang mamatay ang ilaw at bumaha ang nakakabulag na kadiliman sa buong paligid. Tila siya naistatwa sa kinatatayuan. Hindi siya matatakutin totoo yun. Pero ngayon ay parang gustong magtayuan ng balahibo niya sa isiping kunting galaw niya lang ay posibleng sumubsob siya sa isa sa mga bangkay na naroon. Kinapa niya ang kanyang bulsa sa pagbabakasakaling andun ang kanyang cp ngunit wala. Maaring naiwan niya iyon sa bag niyang nasa kwarto ni Cez. Napahalukipkip na lamang siya. Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang maghintay na bumalik ang kuryente. Ramdam niya ang pangangalay ng mga paa niya sa tagal niyang nakatayo doon. Hanggang bumaha ang nakakasilaw na liwanag sa buong paligid. Dali dali niyang inayos ang kanyang sarili at lumakad palayo ng maalala niyang kailangan niya nga palang ayusin ang takip ng bangkay. Ngunit napaatrad siya ng makitang  walang bangkay na nakahiga doon. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim. Hindi siya pwdeng lamunin ng kanyang takot. Sigurado siya may paliwanag ang lahat ng ito. Kaya bago pa gumana ang malikot niyang imahinasyon ay kailangan niya ng makalabas sa silid na iyon. Halos takbuhin niya ang pinto. Pipihitin niya na sana ang door knob ng mamatay ulit ang ilaw.

"Shit!" Napamura siya ng biglang magtaasan ang balahibo niya sa batok. Parang tinatablan na siya ngayon ng takot.

Muli niya sanang pipihitin ang door knob ngunit nanlaki ang mga mata niya ng may mauna ng kamay doon. Bahagya siyang napalunok at umatras.

"Diyos ko tulungan niyo po ako." Tuluyan na siyang nilukob ng takot. Tila naman agad dininig ng Diyos ang dasal niya dahil bumaha ulit ang nakakasilaw na liwanag sa paligid. Napalapit ulit siya sa pinto. Nang pihitin niya ay bumukas iyon kaya bahagyang humupa ang kaba niya. Lalabas na sana siya ng may maalala. Tumingin siya sa bandang dulo ng morgue at napangiti siya ng hindi naman pala nawawala ang bangkay doon. Siguro imahinasyon niya lang talaga ang lahat. Bunga lamang ng kanyang pagod. Pumihit siya para tuluyan ng makalabas ng bigla nalang malaglag sa harap niya ang isang babaeng nakatiwarik at dilat na dilat ang nanlilisik at mapupulang mga mata. Agad niyang naibalibag pasara ang pinto dahil sa takot. Tumakbo siya sa sulok malayo sa mga bangkay at doon sumiksik. Nanginginig siya sa takot at hiniling na sana may taong dumating at makita siya nito.

"Hehehehe..." Isang mahinang hagikhik ang tuluyang nagpalaki ng ulo niya sa takot. At ayaw man niya ay tila may sariling isip ang kanyang ulo at kusang lumingon iyon. At doon na siya tuluyang nawala sa sarili dahil sa nakita.

To be continued...

PediophobiaWhere stories live. Discover now