Singko

1.2K 44 0
                                    

Pediophobia 6

"Aaaubreeey..." Kulang nalang ay maglupasay ang Ina ni Aubrey ng malaman ang balita ng sumalubong sa kanya paggising niya. Wala na ang anak niya. Nakita itong wala ng buhay sa loob ng morgue. Dilat na dilat ang mga mata at tila takot na takot bago mamatay. Tinawagan siya ng isa sa mga kabarkada ng anak niya, si Ania. Nilapitan niya ito at gamit ang mga nanginginig pang kamay ay ipinikit niya ang mga mata ng anak. Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lang ay nagpaalam pa itong aasikasuhin ang burol ng kaibigan nito. Pati narin ang anak ng isa pa sa mga kaibigan nito. Ngayon ay maging ito ay isa naring malamig na bangkay. Anang nakaduty sa morgue ay umaga na ng makita nito ang bangkay. Kaya malamang ay pumasok doon ang anak niya between 12-4 in the morning kung kelan walang nakaduty at walang nakakita dto.

Humahangos namang dumating ang mga kabarkada ng anak niya. Kilala niya ang mga ito dahil mula bata ay magkakaibigan na ang mga ito.

"Si Lea?" Tanong niya sa mga ito na ang tinutukoy ay ang pinakakinagigiliwan niya sa lahat. Likas kasing mabait at masayahin ang dalaga. At ito rin ang pinakamalapit sa anak niya.

"Oo nga po pala hindi pa alam ni Lea." Si Maribel ang sumagot sa kanya. Dinukot nito sa bulsa ang cp at tinawagan ang babae.

Samantala ay naalimpungatan si Lea sa pagtunog ng kanyang cp. Tiningnan niya ang orasan. Alas sais ng umaga. Ramdam niyang mahapdi ang mga mata niya dahil narin sa puyat. Madaling araw na kasi ng dalawin siyang muli ng antok. Tiningnan niya si Camille. Himbing na himbing parin ito. Nagtaka man kung bakit hindi nagising ng maaga ng pinsang sanay gumising ng maaga ay inisip na lamang niyang baka dahil narin pagod ang dalaga. Tiningnan niya ang cp. Si Maribel ang tumatawag. Kinakabahan siya at parang ayaw niyang sagutin ang tawag. Naalala niya kasi nung isturbuhin siya ng ganun kaaga ni Camille dati ay masamang balita ang dala nito. Di nagtagal ay tahimik na ulit ang cp niya. Malamang ay napagod na sa kakatawag si Maribel dahil hindi naman niya ito sinasagot. Muli siyang humiga at napabuntong hininga. Hindi niya na alam kung paano pa ipapaliwanag ang mga nangyayari sa paligid niya. Baka kasi mabaliw siya ng tuluyan kapag patuloy niyang hinanapan ng kasagutan ang lahat. Sinubukan niyang ipikit muli ang mga mata. Ngunit hindi nagtagal ay muling tumunog ang kanyang cp. Ngayon ay si Elvie naman ang tumatawag. Ano ba talagang nangyayari? Nag-aalalang tanong niya sa sarili. Napipilitang sinagot niya ang kanyang cp.

"Hello?" Pilit niyang pinanatag ang sarili kahit pa nga abot abot na ang kaba niya.

"Lea si Aubrey." Yun lang ang tanging narinig niyang wika ng nasa kabilang linya dahil naibagsak niya ang kanyang cp. Base kasi sa tono ng pananalita nito ay may masama na namang nangyari. Paimpit siyang umiyak dahil ayaw niyang maisturbo ang tulog na tulog pa ding si Camille.

Kinuha niyang muli ang cp at narinig niyang parang nagkakagulo ang mga ito.

"Elvie? Elvie anong nangyayari?" Tarantang tanong niya ngunit tila abala na rin ito sa kung ano mang nangyayari sa ospital. Nagsisi tuloy siya. Kung sana ay kinausap niya ito kanina alam niya sana kung ano ang nangyayari ngayon. Agad na lamang siyang bumaba ang kama at naghanda. Pupunta siya sa ospital hindi pwede ang ganito. Halos di na kasi siya makahinga sa sobrang kaba. Mahigit isang oras din bago handa na siyang umalis dahil naghanda muna siya ng agahan para may makain si Camille pagnagising na ito.

"Camille may pagkain na dyan, huh. Sumunod ka agad sa ospital pag ok ka na." Pasigaw niyang wika na ni hindi na tinapunan ng tingin ang pinsan. Nagmamadali kasi talaga siya. Agad niyang kinabig pabukas ang pinto para lang mapaatras sa nakita. May rugdoll! Panu yun napuntadun? Napaatras siya pabalik sa loob ng makita niyang tila nakangisi ito habang nakaharap sa kanya. Patakbong agad siyang pumasok sa silid at isinara iyon. Napasandal siya sa pinto at abot abot ang kaba niya. Ngunit saglit lamang ay sumampa siya sa kama ng mag-umpisang may pumihit sa door knob. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa pintong pilit binubuksan ng kung sinumang nasa labas. Napatingin siya sa natutulog na si Camille.

"Camille? Camille gising!" Paulit ulit na tawag niya ngunit ni kunting tugon ay wala siyang nakuha dito. Parang gusto niya ng maiyak sa takot ng makitang pumihit pabukas ang door knob. Wala sa loob na napahawak siya sa pinsan. Ngunit parang napapasong muli niya itong binitiwan. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya dito. Napakalamig nito. Mabilis niya itong itinihaya at sinalat ang ulo, leeg at iba pang bahagi ng katawan. Napakalamig talaga nito. Ayaw niyang isipin pero parang alam niya na kung bakit. At tuluyan na siyang namutla at napalupasay na makapang hindi na pumipintig ang pulso nito. Parang hindi niya na nga alintana ang pagbubukas ng pinto dahil sa matinding pagkagulat sa natuklasan. Wala na si Camille! Panu nangyari yun? Andun na naman ang katanungang napakahirap sagutin.

"Lea, anong nangyayari?" Kung hindi pa nagsalita ang dumating na si Marnelie pala ay di siya mahihimasmasan sa pagkatulala. Ito pala ang pumasok.

"Nelie!" Patakbong niyakap niya ang babae.

"Bakit?" Takang tanong nito.

"Please dalhin natin sa ospital si Camille." Umiiyak niyang pakiusap dito.

"Huh?" Agad nitong nilapitan ang pinsan niya at pinulsuhan. Nurse si Marnelie. Tumingin ito sa kanya pagkatapos ay umiling iling.

Napasiksik na lamang siya sa isang sulok at doon impit na umiyak. Si Cherry tas si Migz. At ngayon naman si Camille. Parang sasabog na sa sobrang sakit ang ulo niya. Ang hindi niya alam ay hindi lang pala tatlo kundi lima na sa kanila ang namamatay.

Nang araw ding iyon ay tatlo ang ibinurol ng sabay. Sina Aubrey, Camille at Cez. Nagpakamatay din kasi si Cez. Nagbigti ito. Sinubukan pa itong irevive na doktor ngunit huli na. Patay narin ito. Labis ang pagdadalamhati nila. Ilang araw nalang ay pasko na. Bakit ba nangyayari ang ganito. Sa kanilang labing dalawang makakaibigan ay pito na lamang silang natitira. Ni hindi pa naililibing si Cherry may lamay naman. Pinili nilang gawing isa na lamang ang limang kaibigan sa isang lamay. Sinabay narin nila ang anak ni Cez dahil wala rin namang ibang mag-aasikaso sa bangkay nito.

"Guys, wala ba kayong napapansin sa pagkamatay ng mga kaibigan natin?" Si Reyna ang unang bumasag ng katahimikan kaya napatingin silang lahat dito.

"Oo. Ang manika. Laging may manika sa bawat mamamatay." Agad na sagot ni Lea dito.

"Yeah at tsaka nag-umpisa ang pagkamatay nung death anniversary ni Ashley." Si Ania naman ang nagsalita. At naagaw ng sinabi nito ang pansin nila. Ngayon lang kasi nila naisip ang napansin nito.

"Oo nga,noh. Hindi kaya-

"Hindi kaya ano, Mari?

...Tugsh...

Kapwa sila natigilan ng biglang may kumalabog. At halos sabay nagtaasan ang mga balahibo nila ng pumainlang bigla ang kantang "You've Got A Friend". Ang kantang palagiang kinakanta sa kanila ni Ashley dati. At lalong nanlaki ang mga ulo nila sa takot na mapansin nilang sila na lamang pala ang natitira sa lamay.

To be continued...

PediophobiaWhere stories live. Discover now