Tres

1.6K 60 3
                                    

Happy 100 reads... Inantay ko talagang umabot ng ganito karami ang reads bago ako mag. UD. Enjoy reading...

























Pediophobia 3

Labing dalawang taon. Labing dalawang taon na ang nakakalipas pero sigurado si Migz na si Ashley ang narinig niyang nagsalita sa cp kanina. Di niya namalayang tumulo na pala ang luha niya. Ni hindi nga niya alam kung ano ba ang iniiyakan niya. Umiiyak ba siya sa takot o dahil namiss niya ng husto ang kaibigan. Hilam na hilam na sa luha ang mga mata niya at patuloy parin sa pagragasa ang alaala ng nakaraan. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang masilaw siya sa napakalakas na ilaw. Kinabig niya paiwas ang kanyang kotse ngunit huli na. Nagpaikot ikot ang kanyang sasakyan sa kalye ng mahagip ng rumaragasang ten wheeler truck ang gilid ng bumper nito.

"Maligayang pagdating sa aking mundo, bff." Yun ang mga katagang huli niyang narinig bago nagdilim ang lahat.

Samantala. Ang pagtunog ng kanyang cp ang nagpagising sa nagpapahinga na sanang si Lea. May tumatawag. Si Reyna, isa rin sa kanyang mga kabarkada.

"Hello, Reyn bakit?" Humihikab pa siya ng sagutin ang tawag.

"Lea, buksan mo ang tv. Sina Migz at Cez nasa balita." Tila hinahabol na pahayag nito. Bigla siyang kinabahan dahil sa tono ng pananalita nito kaya agad niyang binuksan ang tv. Tumambad sa kanya ang isang kilalang news anchor. Ayon sa balita ay nahit and run di umano ang anak ni Cez at ang babae naman ay isinugod sa ospital matapos mahimatay ng malaman ang nangyari. Si Migz naman ay nabunggo ng ten wheeler truck ang kotse at kasalukuyan pang pinagtutulungang mailabas sa nayupi nitong sasakyan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Sa loob lamang ng isang araw ang dami ng nangyari. Agad siyang naligo at nagbihis pupuntahan niya ang mga kaibigan.

Una niyang pinuntahan si Migz.

"Yung babae ho sa kotse?" Tanong niya sa mga nagkakagulong tao. Marahil ay pilit paring inilalabas ng mga ito si Migz.

"Nasa morgue na ho. Bajaksmzb nhhs hsjs." Para siyang kakapusin ng hininga dahil sa sinabi ng mamang napagtanungan niya. Ni hindi niya na naintindihan ang iba pang sinabi nito.

"Langya naman, oh!" Naagaw ang atensyon niya ng lalaking bigla ng lamang sinuntok ang yuping bumper ng kotse ni Migz. Parang gigil na gigil ito. Pati ang mga kasama nito ay napamura din. Dala ng kyuryusidad ay napalapit siya sa mga ito. Ngunit agad ding napaatras sa nakita. Ang isa sa mga lalaking nandun ay may hawak na rug doll. Ito pala ang pinagkakaguluhan ng mga ito kanina. Akala ng mga ito ay bata ang nasa likod ng kotse. Huli na ng malaman nilang laruan lang pala iyon. Inabot nito sa kanya ang manika.

"Ano pong gagawin ko dito?" Nanginginig ang boses na tanong niya habang titig na titig sa laruan.

"Kilala mo yung namatay, diba? Ikaw na magtago nyan." Wika ng nag-abot sa kanya na kinumpaskumpas pa ang kamay sa hangin na parang naiirita.

Nasa ganun siyang sitwasyon ng dumating ang iba pa nilang mga kabarkada. Ang tumawag sa kanya kanina na si Reyna, si Maribel, si Aubrey, si Elvie, si Marnelie, si Ania at ang pinsan niyang si Camille. Tanging ang kapatid lamang niyang si Kimberly ang wala. Ganun naman kasi talaga ito. Walang pakialam. Nilapitan siya ng mga ito at niyakap. Sa kanila kasing magkakabarkada ay siya ang pinakamaramdamin at madaling masaktan kaya naiintindihan siya ng mga ito.

"Tahan na, Lea. Halika na uwi na tayo." Kung di pa sinabi ng pinsan niya ay di pa niya malalamang umiiyak na naman pala siya. Para siyang batang sunodsunuran ng igiya siya ng mga ito papunta sa sasakyan.

"Camille, bantayan mo nalang si Lea. Kami nalang ang pupunta kay Cez. Tsaka aasikasuhin narin namin ang bangkay ni Migz." Si Maribel ang narinig niyang nagsalita. Gusto niyang tumutol ngunit wala siyang lakas para gawin iyon. Tila hapong hapo siya sa di malamang kadahilan. Wala sa loob na nayakap niya ang sarili. Ngunit nanlaki ang mata niya ng iba ang mayakap niya. Nang tingnan niya kung ano iyon ay tsaka niya naalala ang manika na binigay nung mama kanina.

"Guys, wala ba kayong naaalala sa rug doll na to?" Wala sa loob na inangat niya ang laruan para ipakita sa mga ito.

"Wala." Si Elvie ang mabilis na sumagot. Bahagya pang umilap ang mga mata nito pagkatapos kaya alam niyang nagsisinungaling ito.

"Guys, please alam ko naaalala niyo. Bumalik siya. Ginagantihan niya na tayo." Naiiyak na namang kumbinsi niya sa mga ito.

"Sino lea?  Si Ashley? 12 years! 12 years na naging maayos tayong lahat tapos ngayong nangyari ang insidenteng to siya agad ang pagbibintangan mo?" Kunot ang noo at di makapaniwalang palatak naman ni Aubrey. Hindi kasi ito mapagpaniwala sa mga paranormal na bagay.

"Eh ano tong rug doll na to? This is the same rug doll na nakita ko nung mamatay si Cherry tapos ngayon nandito ulit to ng mamatay si Migz. How can you explain this. Ms. Skeptic?" Naiiritang wika niya dito.

"It's just a plain coincidence. Alam mo pagod ka lang, eh. Kaya ka nagkakaganyan. Magpahinga ka na. Let's talk about this tomorrow." Deklara nito at di na siya kinausap hanggang makarating siya sa kanila. At tulad nga ng napag-usapan ay hinatid lang silang dalawa ni Camille at umalis nadin ang mga ito. Hindi na lamang siya tumutol ng igiya siya ng pinsan papasok ng bahay. Napansin niyang wala parin ang kapatid niyang si Kimberly. Isa kasi itong modelo kaya baka may pictorials ito out of town. Nasanay narin naman siya. Minsan nga inaabot ng buwan bago ito makauwi. Sinindihan ni Camille ang ilaw ang bumaha ang nakakasilaw na liwanag sa buong bahay.

"Sige na, lea magpahinga ka na. Dito lang ako." Anitong iginiya siya pahiga sa kama at kinumutan.

"Humiga ka na rin dito sa tabi ko." Nakangiting alok niya sa pinsan. Alam niya kasing pagod din ito. Pinaunlakan naman nito iyon at humiga. Ipinikit niya ang mga mata at hiniling na sana ay makapagpahinga na siya ng maayos. Ilang gabi narin kasi siyang dinadalaw sa panaginip ng multo ng nakaraan. Unti unti nga ay iginupo siya ng antok. Malapit na siyang mahimbing ng tuluyan ng makaramdam siya ng kakaibang lamig na tila yumayakap sa kanya. Nanunuot iyon sa kanyang kalamnan kaya di sinasadyang bahagya siyang nanginig. Dahan dahan niyang idinilat ang mga mata. At tama nga ang hinala niya may kung anong malamig na bagay ang nakayakapsa kanya. Si Camille ba iyon? Bakit ganun ito kalamig? Gusto niyang tumingin sa kanyang likuran ngunit katakatakang hindi siya makagalaw. Parang naparalisa ang buo niyang katawan at ang tanging nagagalaw lamang niya ay ang kanyang mga mata. Pinikit niya ang mata niya ng maramdaman niyang may ipinatong sa balikat niya ang kung sino man nakayakap sa kanya. At halos panawan siya ng ulirat ng mapagtanto kung ano iyon.

...You just call out my name and you know wherever I am...

Nakakapangilabot na kanta ng kung sinuman  sa may punong tenga niya.



To be continued...

PediophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon