Nuebe (Katapusan)

1.2K 51 0
                                    

Kinabukasan ay natagpuan sina Reyna at Lea sa may sementong daan. Nakaligtas si Lea dahil dun siya mismo bumagsak sa ibabaw ni Reyna. Bagaman at medyo malala parin ang lagay niya. Nang galugarin naman nila ang loob ng punerarya ay nakita din nila ang walang buhay na katawan nina Elvie, Maribel, at Marnelie. Samantala ay nakaligtas naman si Ania pero halatang wala na sa sarili marahil ay di rin nito kinaya ang mga nangyari. Paulit ulit nitong binabanggit at kinakausap ang kanyang mga kaibigan. Dinala siya sa mental para magamot makalipas naman ang isang linggo ay nakita narin sa wakas ang nakabigting katawan ni Kimberly sa loob mismo ng abandonadong gusali na lage nilang pinapasyalan noon. Ayon sa autopsy ay isang linggo ng patay ng dalaga.

After 1 mo.

"Mukhang magaling ka na,huh. Gusto mo na bang makauwi?" Nakangiting tanong ng doctor kay Ania. Mukhang maayos na naman kasi ang dalaga dahil hindi na ito nagsasalitang mag-isa, hindi narin ito nakikipag-away at normal narin ito sumagot tuwing kinakausap.

"Oo gustong gusto ko ng umuwi. Gustong gusto ko ng makita si Lea." Nakangiting sagot nito na ang tinutukoy ay ang isa sa mga kaibigan nito na katulad nito ay nakaligtas din. Medyo matagal nga lang ang naging recovery nito dahil sa taas ng pinagbagsakan pero maswerte parin ang babae na sa mismong katawan ng kaibigang si Reyna ito bumagsak kaya nakaligtas ito.

"Sige, iha bukas na bukas din ay ipapasundo na kita sa mga kaanak mo." Nakangiti ding sagot ng doctor. Bago umalis ng sumilip muna ang doctor sa bintana ng silid ni Ania para siguraduhing maayos na nga ito at di siya nagkamali ng desisyon. Nakita niya itong nakatanaw sa labas ng bintana sa silid nito habang kipkip ang isang rug doll na simula ng makita nila ang dalaga sa punerarya isang buwan na ang nakakalipas ay lage nitong yakap yakap.

Kinabukasan nga ay sinundo na ng mga magulang niya si Ania. Natuwa naman maging ang ibang doctor na nandun dahil sa wakas ay may napagaling na naman silang pasyente. Alam kasi nila na talagang magaling na ang dalaga dahil ibang iba ito sa Ania na dinala sa kanila.

"Anak, bitawan mo na yang maynika para ka namang bata niyan, eh." Magiliwng hinila ng Ina ni Ania ang rugdoll pero imbes na ibigay ay sinamaan lang nito ng tingin ang matanda at tinalikuran. Halata namang nagtampo ang kanyang Ina sa kanyang inasta kaya saglit munang itinigil ng kanyang Ama ang sasakyan at inamo ito. Sinunggaban niya naman ang pagkakataong iyon para tumalilis at puntahan si Lea na nakatira malapit lang sa kanilang hinintuan.

"Lea? Lea?" Malakas niyang tawag dito na sinabayan ng malalakas na pagkalabog sa pinto. Di naman nagtagal ay sumungaw ang gulat na gulat na si Lea sa pinto.

"Ania nakalabas ka na pala?"

"Oo ba't parang gulat na gulat ka?" Medyo may panunuya ang boses at bahagya pang napataas ang kilay niya sa reaksyon ni Lea. Bakit anong akala nito na habambuhay siya makukulong sa apat na sulok ng silid niya sa mental? Pwes hindi mangyayari yun! Hindi yun mangyayari hangga't may isang Lea na nabubuhay sa mundong ibabaw.

"H-hindi. Hindi ikaw si Ania!" Mabilis na ibinalya ni Lea ang pintuan. Simula ng mangyari ang insidente ay wala na siyang ibang pinagkatiwalaan liban sa sarili. Pakiramdam niya lahat ay gusto siyang patayin! At sa likod ng pintuang kanyang ibinalibag ay alam niyang wala siyang kaibigan at lalong hindi yun si Ania dahil kitang kita ng dalawang mata niya kung paano pinatay ni Cherry si Ania. Kaya alam niyang wala ng Aniang nabubuhay ngayon at kung meron mang Ania iyon ay isang demonyo!

"You just call out my name and you know wherever I am. I come running to see you again. Winter spring summer or fall all you have to do is call. And I'll be there yes I will. You've got a friend."

Pumainlang ang kanyang lage nalang ay nagbibigay kilabot sa kanya.

"Lea, bakit naman di mo ko pinapasok?" Halos manginig ang buong katawan niya ng bigla na lamang may bumulong sa punong tenga niya. Lumingon siya at natigilan ng walang makita pero agad din iyong nahalinhinan ng makapugtol hiningang kaba ng maramdaman niyang may tumutulong kung anong likido sa kanya mula sa kanyang kisame. Gusto niyang tumingala pero di ata niya kayang sikmurain ang kung ano mang maari niyang makita kaya naman kumaripas na lamang siya ng takbo. Takbo Lea takbo utos niya sa sarili kahit pa alam niyang wala ng lakas ang kanyang mga tuhod para makatakbo ng maayos. Buti na lamang at nakalayo na siya ng kunti sa bahay na inuukopa niya. Yun nga lang ay hindi niya na alam kung nasaan siya dahil nagsuot siya sa kasukalan pero maigi narin dahil tiyak mahihirapan itong hanapin siya dahil sa nagtataasang damo sa paligid. Di nga nagtagal ang kanyang pagtakbo ay naging lakad na lamang hanggang sa kailangan niya na talagang ipahinga ang kanyang mga binti. Napangiti siya ng makakita ng isang malaking kahoy na may malalaking ugat na nagmistulang kwebang pwede niyang pagkublihan. Isiniksik niya doon ang sarili sa isiping nailigaw niya na ng tuluyan ang humahabol sa kanya.

Samantala ay napangisi naman si Ania ng makita si Lea. Ngayon ay sigurado na siya magsasamasama na talaga sila tulad ng lage niyang gusto dati na kahit kelan at kahit saan man ay magsasama silang magkakaibigan. Nauna na ang iba at si Lea nalang ang kulang para mabuo silang muli. Tiyak kasi malulungkot si Ashley kapag kulang sila kaya kailangan din niyang maisama si Lea na ngayon ay nakatulog ng dahil sa pagod.

Nangmagising si Lea na nasa isang abandonadong gusali na siya. Nakatali siya sa may hagdan. Tumili siya pero walang lumalabas na boses sa bibig niya dahil nakabusal pala siya.

"Kumusta, Lea?" Lumingon siya para tingnan kung sno ang nagsasalita pero wala siyang nakitang kahit na ano liban sa isang maynika. Tama isang rugdoll na naman! Nagpumiglas siya at pilit na kumawala sa pagkakatali. Masyadong nalulong sa kagustuhang makawala kaya di niya na napansin ng biglang gumalaw ang rugdoll ang maglakad iyon palapit sa kanya.

"Gusto mo bang makawala, bff?" Napaigtad pa siya at agad nagsitayuan ang kanyang mga balahibo ng may bumulong sa punong tenga niya. Pinilit niyang lumingon para makita kung sino yun pero di niya magawa. Naramdaman niya nalang na unti unting lumuluwag ang tali niya. Mukhang may tumutulong sa kanya! Pero sino? Di nagtagal ay tuluyan na ngang natanggal ang tali kaya ngayon ay malaya na niyang malilingon ang tumulong sa kanya. Pumihit siya ngunit bago pa man niya makita ang kanyang tagapagligtas ay bigla nalang may tumulak sa kanya. Nawalan siya ng balanse at dahil nasa pasimano sya ng hagdan ay tuloy tuloy siyang nahulog mula sa kung saan man siya nandun hnggang sa ground floor. Habang gumugulong sya pababa ay kitang kita ng dalawang mata niya si Ania sa may pasimano ng hagdan. Sa likod nito ay andun ang iba pa nilang kaibigan pero siya sa eksenang iyon nanghilakbot kundi sa nakitang anyo ni Ania. Wala na ang yakap nitong rugdoll kya kitang kita niya na ang kbuuan nito lalong lalo na ang wakwak ng tiyan ng kaibigan. Sabi na nga ba niya wala siyang pagkatiwalaan!

Bago pa man siya tuluyang sinalo ng lupa ay nagbalik sa kanya ang mga alaala nung mga pa silang magkakasama, yung mga panahong kompleto pa sila na alam niya pagkatapos ng pangyayari ngayon ay muling mabubuo ang kanilang samahan.

" "You just call out my name and you know wherever I am. I come running to see you again. Winter spring summer or fall all you have to do is call. And I'll be there yes I will. You've got a friend."

Pumainlang na naman ang kantang "You've Got a Friend" pero ngayon ay dinig na dinig niyang hindi lang mag-isa kundi madami silang kumakanta. Di nga nagtagal ay tuluyan ng siya sinalo hindi lang ng lupa kundi pati ni kamatayan. Masakit, madugo at kahindikhindik na kamatayan na mas malala pa sa sinapit ng kanyang iba pang kaibigan.

"Maligayan pagdating, bff." Gumapang sa buong katawan niya ang kilabot bago pa man siya tuluyang nilamon ng walang hanggang karimlan na alam nyang kahit pa magsisi siya sa kanyang mga kasalanan ay hindi niya na matatakasan.


The end....


Marami pong salamat sa pagbabasa...

PediophobiaWhere stories live. Discover now