Chapter Six: Namumuong Pagkakaibigan

2K 29 0
                                    

     Kanina pa nakatitig si Ginny sa kanyang telepono, iniisip kung io-on ba ito o hindi. Natatakot siya sa mga puwedeng tawag o mensahe na matatanggap niya. "Turn it on, I'm sure nagaalala na sa'yo ang lola mo," si Jordan na hanggang sa mga oras na ito ay walang ginawa kung di ang pasayahin siya. Katatapos lang nila kumain sa isang magandang restaurant, nilibre siya nito at hiningan ng kung anu-anong opinyon tungkol sa lakad nila kanina. Kasalukuyan na sila ngayong nasa kwarto at nagpapahinga. Sabi ni Jordan ay malaki daw ang naitutulong sa kanya ni Ginny, minsan daw kasi ang mga manunulat katulad na lang ng isang travel blogger katulad niya ay nauubusan din ng isusulat. 

     "Natatakot kasi ako, panigurado ako pagagalitan ako ni Lola."

     "Sigurado akong miss mo na siya at nag-aalala ka na rin sa kanya. Ano ang pipiliin mo? Isang linggo pa ang buong paglalakbay natin. Kawawa naman ang Lola mo kung hindi mo siya iu-update na okay ka." Tama si Jordan sa lahat ng sinabi nito kaya napagdesisyunan niyang buksan ang kanyang cellphone. Tulad ng inaasahan ay napuno ang kanyang inbox ng maraming mensahe, sampung mensahe mula sa Lola niya at mahigit beinte mula sa kanyang Ina na nasa Singapore. Lumakas naman ang kabog ng dibdib niya nang makita niya na may nag-iisang mensahe mula kay Lorenz. Inuna niya munang basahin ang mga mensahe ng kanyang kapamilya. Masama daw ang loob ng Lola ni Ginny, hindi makapaniwala sa ginawang paglalayas nito. Nagsusumamo ito na bumalik na ito sa kanila. Nagsimula na namang gapangin ng kalungkutan si Ginny, hindi niya dapat iyon ginawa sa kanyang Lola, matanda na ito at hindi na dapat binibigyan ng sakit ng ulo. "Umiiyak ka na naman," puna ni Jordan sabay abot ng tissue. "Tahan na, tawagan mo na siya. Gusto mo bang iwan na muna kita dito sa kwarto?" Umiling si Ginny, ngayon niya ata mas kailangan ng makakasama. 

     "Dito ka lang please."

     Malakas ang kabog ng dibdib ni Ginny habang nagri-ring ang telepono. Napalunok na lamang siya nang marinig niya ang kanyang Lola sa kabilang linya. "Hello apo, Ginny?"

     "Lola, pasensya na po kayo sa ginawa ko." Muling humagulhol si Ginny na para bang wala ng bukas. 

     "Ayos ka lang ba? Nagaalala kami sa'yo, nasaan ka bang bata ka?"

     "Nasa malayong lugar po ako Lola, nasa Quezon dahil magulo ang isipan ko," tugon ni Ginny. "I'm so sorry Lola, babalik din po ako. Bigyan niyo lang ako ng oras para makapag-isip."

     "Ano bang problema apo? Sana ay kinausap mo 'ko kung ano man ang problema na meron ka, hindi yung basta basta ka na lang naglayas. Wala kang masosolusyunan sa ginawa mong pag-alis," usal ng kanyang Lola. "Mahal na mahal kita apo ko, ano pa ang maging problema mo ay problema ko na rin. Sabihin mo sa akin ang problema mo at sabay nating lulutasin kung ano man yan."

     "Lola, ang importante po ay okey lang po ako. Kasama ko po ang isang kaibigan at babalik po kami ngayong Sabado. Pakisabi na lang po kay Mama na okay lang ako at wala kayong dapat ipagalala. Kailangan ko pong makalayo Lola, sana po ay pagbigyan niyo ako na makapag-isip sa kung ano ang susunod kong hakbang," tugon ni Ginny sa kanyang Lola. Nagawa niyang tipunin ang natitirang lakas sa kanya at nagsalita siya nang mas malumanay habang patuloy na nagpupunas ng luha. "Lola, magtiwala lang po kayo sa akin. Uuwi rin po ako."

     "Sige apo, gawin mo ang kailangan mong gawin. At pagbalik mo dito hindi ko maipapangako na hindi kita papaluin sa kapangahasang ginawa mo."

     "Wala pong problema Lola kung ilang palo pa ang igawad mo sa akin. Maraming salamat po sa pagintindi. Mahal na mahal po kita Lola, lagi po kayong mag-iingat diyan."

     Nang gabing iyon matapos makausap ni Ginny ang kanyang Lola ay mahimbing siyang nakatulog. Tama nga ang sinabi ni Jordan, hindi siya matatahimik hangga't hindi niya makakausap ang kanyang Lola. Sumunod na tumawag ang kanyang Ina na umabot ng isang oras sa pagsesermon nito. Hindi pa niya naipagtatapat sa dalawa ang tunay na dahilan pero naintindihan ng kanyang Ina na hindi pa ito makakapagsalita sa ngayon. 

     Sa kabilang kama naman ay pinagmamasdan ni Jordan si Ginny matulog. Tila napakahaba ng araw na iyon para sa kanilang dalawa, sa loob ng isang araw ay naranasan niya ang samu't saring emosyon para kay Ginny. Noong una niya itong nakita sa library ay alam na niyang may dinaramdam ito, at nang nakita niya naman ito kanina sa bus station, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya para yayain itong sumama sa kanya. Bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigan nung nakaraang buwan. "Naniniwala ka ba sa serendipity?" Tanong ng kanyang matalik na kaibigan na si Greg isang gabi habang sila ay nagiinuman sa bahay nito.

     "'Tol naman, ang laki laki mo na pero naniniwala ka pa rin sa mga serendipity at destiny na 'yan! Tumagay ka na lang, happy 20th birthday," anito. Pareho silang magtatapos na sa kursong IT ngayong taon.

    "Kasi naman 'tol tinamaan talaga ako kay Rose." Ang tinutukoy nito ay ang matagal nang matalik na kaibigan. "Imagine, sa katagal tagal ng pagkakaibigan namin, isang araw bigla ko na lang naramdaman na mahal ko ang babaeng iyon. Parang magic, bigla na lang dumating nang hindi ko inaasahan."

     "Sigurado akong nanood ka na naman ng telenobela ano? Ano ba bago mong sinusubaybayan ngayon?" Tiningnan lang siya nang masama ni Greg. "O siya siya sige na balik tayo sa serendipity. Sa totoo lang mahirap maniwala hangga't di mo pa nararanasan."

     "Eh ang dami mong girlfriends, tapos 'di ka naniniwala sa destiny? Ano ba itong lahat sa'yo? Isang malaking laro? Bahay bahayan?"

     "Alam mo naman na sila itong lumalapit s akin, at anong ginagawa 'pag babae na ang lumapit sa iyo? Lalo na kung maganda at sexy na babae?"

     "Hanep ka talaga, baka mamaya di mo mamalayan kinarma ka na lang. Darating din ang katapat mo." Tugon na lang ni Greg sabay inisang lagok ang natitira sa bote ng beer. 

     Napailing na lamang si Jordan sa kanyang higaan, hindi pa rin siya makatulog hanggang sa mga oras na ito. Kahit nasa kabilang kama lang si Ginny ay tila isang palabas na nag-flash back lahat ng ginawa nila kanina. Hindi niya maipagkakaila na dumaloy ang kuryente sa kanyang katawan kanina habang buhat buhat niya si Ginny paakyat sa burol. Unang beses iyon nangyari sa buong buhay niya. Ito na ba ang sinasabi ni Greg?

     Nang sumunod na araw ay maagang nagising si Ginny. Nakaramdam kasi siya ng hilo at tila ba siya ay nasusuka. Dumiretso siya sa may banyo at kahit wala pa siyang nilalagay sa sikmura ay nagsusuka na siya. "God, parusa niyo na ba ito sa akin dahil sa mga kapusukan ko?" Naibulong ni Ginny sa sarili. Tatayo na sana si Ginny mula sa pagkakasalampak nang dinatnan siya ni Jordan sa may banyo. Bagong gising ito at nagkukusot pa ng mata. Sa may bandang shorts ay nakita niya ang isang matigas na umbok nito. "G-gising ka na pala," nauutal at naiilang na puna ni Ginny dito.

     "Good morning babe."

     "Maka-babe ka naman feel na feel mo. Good morning din," natatawang sagot nito. "Sa susunod baka gusto mo kong warning-an na papasok ka ng banyo. Uso po ang katok. At next time rin subukan mo naman itago ang pagka-hard niyang ano mo." Saka lang tuluyang nagising at nahimasmasan si Jordan. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang ari, alam niyang tuwing umaga ay 'di niya mapipigilan ang panggagalaiti nito. Tumawa nang nakakaasar si Ginny bago pa ito tuluyang lumabas ng banyo.

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now