Chapter Twenty Two: Mga Hadlang

1K 13 0
                                    

Kinahapunan ay umuwi si Jordan sa hacienda. Sabi kasi ng kanyang Auntie Grace ay ngayon darating sina Grandma at Grandpa mula sa Europa. Pagdating ng bahay ay masayang binati Jordan ang dalawang matanda, pero nakakapanibagong tila hindi ito umimik. "Is there a problem Grandma, Grandpa? Still feeling tired from the jetlag?"

"Hijo," simula ni Felicidad. "Alam na namin ni Carlito ang totoo, and I can't help but be aghast with what we have heard." Nagkunot ang noo ni Jordan.

"Anong totoo?"

"You know it hijo, and what we can't understand is why you have to lie to us!" galit na tugon ni Carlito. "Hindi ka namin pinalaking sinungaling!"

"Calm down, dear at baka tumaas na naman ang presyon mo. Halika, at maupo ka muna." ani Felicidad. "Martha! Dalhan mo nga kami ng tubig dito, kararating lang namin sa biyahe at pagod na pagod kami." Mabilis na kumilos ang mayor doma at agad na nag-abot ng maligamgam na tubig sa dalawang matanda. "Salamat, iwan mo muna kami." 

Nang umalis na si Martha ay muling nagsalita si Felicidad. Mahinahon man ang boses nito ay halata pa rin ang panggagalaiting nadarama nito. "You know we have to cut this trip short, only to find out that you're not the real father of this child!"

"Don't refer to him like he's any child, Grandma," pagsinghal ni Jordan. "He is my son now."

"Tapos ano? Darating ang panahon na hahanapin ng bata ang tunay niyang ama. Paano mo siya palalakihin? Palalakihin mo siya sa mundong puno ng kasinungalingan. Kahit wala pa siyang muwang ay pag-uusapan na siya ng kung sino sino-"

"Who cares what people think? Who cares what people say? Wala na tayo sa kung pag-uusapan man tayo o sa hindi. Mahal ko si Ginny, at mahal ko ang magiging anak namin."

"Do you even plan to marry this girl?"

"Pakakasalan ko siya at walang makakapigil sa akin." Napaupo si Jordan sa may sofa, pilit na kumakalma, nag-iisip kung paano ipapaliwanag ang kanyang parte sa kuwentong ito. "At isa pa, ako ang nagpumilit na tumayong ama, hindi siya. Hindi ba ang importante lang talaga dito ay kung mahal ko talaga si Ginny?"

"Kami ang naglagay sa iyo sa posisyon kung saan ka naroroon ngayon. Kayang kaya naming tanggalin ang mga mamanahin mo-"

"Really, Grandpa? You really wanna go to that point? I can't believe you!" Galit na galit na nakakuyom ang mga palad ni Jordan. "You two are unbelievable. Si Ginny ang dahilan kung kaya ko napagdesisyunan na bumalik dito sa lugar na ito, na para sa akin simula pa noong bata pa ako ay isang impiyerno. Bakit? Dahil kahit buo ang pamilya namin noon ay lagi mong pinaparamdam kay Daddy that he never belonged in this place. You have to understand na hindi ninyo 'yon puwedeng gawin kay Ginny." Iyon lang at tuluyan nang tumalikod si Jordan at tumungo sa kwarto nito. Kailangan na niyang balikan si Ginny...


Inilapag ni Ginny si baby Martin (ang pangalang pinagkasunduan nilang ibigay sa bata), pagkatapos nitong magpadede. Masama man ang pakiramdam niya at hapong hapo ang pakiramdam, ay iba pa rin ang sayang naidudulot ng pag-aalaga ng baby sa kanya. Para siyang may hawak na anghel sa kanyang mga bisig. Iniwan muna siya sandali ni Jordan para bumalik sa hacienda, habang ang kanyang pamilya naman ay tumungo sa labas para kumain. Nagulat siya nang biglang may pumasok sa loob ng kwarto, at dahil madilim ang bandang sala ng pribadong kwarto na iyon ay lumipas pa ang ilang sandali bago niya naaninag na ang pumasok ay si Grace.

"Auntie Grace! Nagulat naman ako sa inyo."

"Pasensya na, nakalimutan kong kumatok."

"Wala po 'yon. Tuloy po kayo, sandali lang-"

"Hindi mo na kailangang bumangon, humiga ka lang diyan at magpahinga."

"Pasensya na po, hapong hapo pa ako."

"Alam ko ang pakiramdam ng nanganak, I have twin daughters remember?" Hindi man aminin ni Ginny ay may kakaiba sa aura ni Grace nang gabing iyon. May pagka-masungit ito ngayon, ni hindi pa ngumingiti simula kanina. Ni hindi rin nagbigay ng indikasyon na gusto nito makita ang anak niya. Bigla siyang kinabahan...

"M-may problema po ba?"

"You know too well kung kailan may problema, Ginny." 

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Puwede bang huwag na natin itong pahabain? Alam na ng lahat ang sikreto niyo ni Jordan, na hindi siya ang tunay na ama ng dinadala mo." Nanlamig ang buong kalamnan ni Ginny. Napapikit siya. Inaasahan niyang mangyayari ito pero hindi niya akalaing ngayon na pala. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili kahit patuloy pa rin na nagsasalita si Grace. "Naimpluwensyahan mo pa si Jordan sa pangloloko mo. Marami na akong nakilalang katulad mo Ginny, mga mapagpanggap, sakim at sinungaling."

"Oo, alam kong mahirap lang ang pamilya namin, malayo sa tinatamasa niyo ngayon. Alam ko rin na nagkasala ako sa pamilya niyo dahil sa parteng ginanapan kong pagsisinungaling. Mali talaga iyon, pero paano niyo ko tatanggapin kung nagsabi ako ng totoo? Paano ako tatanggapin ng pamilya ko, ng mga taong nakapalibot sa akin? Unang una, hindi ako sakim dahil nagmahal lang naman ako ng maling tao. Mahirap man kami ay hindi ako kailanman naging sakim. Wala akong kinakamkam sa inyo. Minahal ako ni Jordan at minahal ko rin siya at hindi iyon dahil sa kung nasaan siya ngayon, kung di dahil sa mabuti niyang pagkatao. Patawarin niyo ako sa pagsisinungaling ko sa pamilya niyo, iyon lang ang kamaliang nagawa ko sa inyo. I'm so sorry..."

"Hiwalayan mo na si Jordan habang maaga pa, dahil siguradong hindi kayo magiging masaya kung ipagpapatuloy niyo pa ang kahibangang ito."

"Hindi po kayo ang magdidikta sa akin o sa kanya sa mga dapat naming gawin. Nasa tamang edad na kami pareho at alam na namin ang tama sa mali. Maghihiwalay lang kami kung hindi na namin mahal ang isa't isa."

"'Wag mo nang hintayin na magsawa siya sa isang katulad mo, Ginny. Mahihirapan ka lang. Ganito na lang, bibigyan kita ng isang milyon kung lalayuan mo siya at hindi na kailanman magpapakita sa pamangkin ko."

Sarkastikong natawa si Ginny. "Akala ko ba naman ay sa mga palabas ko lang makikita ang karakter na ginaganapan mo. Tita Grace, hindi mo ako mabibili ng pera, kahit magkano pa ang ialok mo. Uulitin ko, minahal ko si Jordan hindi dahil sa pera niya, kung di dahil nagmamahalan kami. 'Wag na po kayong magpaka-pathetic! Bubuo kami ng pamilya, sa ayaw at sa gusto niyo."

"Smart girl," sabi ni Grace. "Masyado bang maliit ang isang milyon?"

"Umalis na po kayo dito kung ayaw niyong mawala na ng tuluyan ang natitira ko pang respeto sa inyo, utang na loob."

"Pag-isipan mong mabuti, you've got my phone number. Just call me once you have decided on the amount." Kinuha ni Grace ang kanyang shoulder bag at saka tumungo palabas ng kwarto. Galit na galit man ay pilit na pinigilan ni Ginny ang mga nagbabadyang mga luha. 


Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now