Chapter Ten: Hacienda Dela Fuente

1.5K 22 4
                                    

     Nang mga sumunod na buwan ay madalas magkasama si Ginny at Jordan. Naging maganda ang kinalabasan ng pakikipagusap ni Jordan sa Ina at Lola ni Ginny. Nakapagpalagayan niya ng loob ang pamilya nito na siyang ikinasaya ng dalaga. Naging kampante si Virginia sa sandaling panahon na nakilala niya si Jordan. Hindi siya natuwa sa nangyaring pagbubuntis ng anak, dahil si Ginny na lang ang inaasahan na tutulong sa pamilya, pagod na rin naman siyang mangibang bansa. Magkaganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin siya dahil nakita nilang mabait at magalang ang Ama ng dinadala ni Ginny. Ilang araw lang namalagi sa Pilipinas si Virginia, at bumalik na rin ito ng Singapore. Pinangako nito sa anak na uuwi siya sa buwan ng kapanganakan nito. Napagkasunduan din na hangga't hindi pa nakakasal ang dalawa ay hindi na muna sila puwedeng magsama. Iyon ang kagustuhan ni Ginny, nalalapit na ang graduation ni Jordan at ayaw niyang mawala ang focus nito sa mas importanteng bagay. 

     Naging mahirap ang pagbubuntis ni Ginny, madalas siyang nahihilo at naduduwal. Sa mga pagkakataong iyon ay lagi naman siyang inaalalayan ni Jordan. Sa loob ng ilang buwan ay araw araw na hinahatid ni Jordan si Ginny mula sa eskuwelahan bilang pangako nito sa Lola niya. Hindi siya pumalya. Bilang ganti ay lulutuan naman ni Lola Malyn ng masasarap na putahe si Jordan at doon na ito maghahapunan. Pagkatapos ay sabay mag-aaral ang dalawa para sa nalalapit na exam. 

     Isang gabi, katatapos lamang maghapunan ay bigla na namang nahilo si Ginny. Nagpaalam ito kay Jordan at sa kanyang Lola na hihiga na muna siya. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik." puna ni Jordan. 

     "Masama ang pakiramdam ko, kanina pa," nanghihinang tugon ni Ginny. Napaupo siya sa gilid ng kama, at dahan dahan na ihiniga ang sarili. Dinampi ni Jordan ang kanyang kamay sa noo ni Ginny.

     "Mainit ka ah! Nilalagnat ka, sweet heart." 

     "Huwag mo 'kong tawaging sweet heart, di ba sinabi ko na sa'yo?"

     "Why not? I like calling you that."

     "Nako-kornihan ako eh." 

     Ngumiti si Jordan. "No one can stop me calling you that, okay?" hinagkan niya ang nobya sa noo. "Sandali lang at kukuha ako ng malamig na tubig. Kailangan bumaba ang lagnat mo."

     "Jordan, may exam ka pa bukas. Huwag mo na akong alalahanin, mag-review ka na lang."

     "Ginny, huwag kang makulit. I'm going to stay for the night hanggang sa bumaba 'yang lagnat mo. Now, go to sleep sweet heart." 

     Nang gabing 'yon ay magdamag na binantayan ni Jordan si Ginny, kasabay ng kanyang pagre-review. Ilang ulit niyang pinalitan ang bimpo sa noo nito. Alas tres na ng umaga nang biglang napabalikwas si Ginny mula sa pagkakahiga. "What's the matter?"

     "Masamang panaginip," Nakakunot ang noo nito, masama ang tingin kay Jordan. 

     "Anong nangyari sa panaginip mo?"

     "I-iniwan mo raw ako," naiiyak na tugon ni Ginny. Ngumiti si Jordan at nilapitan ang kasintahan. 

     "That will never happen, sweet heart. Go back to sleep, hindi ka pa magaling." Inalalayan niya si Ginny na humigang muli. Sa pagkakataong ito ay tumabi na rin siya rito at yumakap. 

     "Parang totoo ang panaginip ko."

     "It's not going to happen, Ginny even if you pray for it." 

     "Kumusta ang pagre-review mo?" matamlay na tanong nito.

     "I'm done, and I think I'm ready for tomorrow's exam."

     "Puwede bang dito ka lang muna sa tabi ko hanggang sa makatulog ako?"

     "I will be here hanggang sa paggising mo bukas." Hinagkan niya ang nobya sa mga labi nito at sabay silang pumikit.

      Natapos ang isang linggo na puro exam ang inasikaso ng dalawa. Iyon na ang huling semester para kay Jordan at gra-graduate na rin siya sa kursong Business Management and Marketing. Hindi pa man nakaka-graduate ay may ilan nang kumpanyang kumokontak sa binata para alukin ng trabaho.    

     Sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang graduation ni Jordan. Dumalo dito sina Ginny at Lola Malyn. Dumating din ang lolo't lola ni Jordan na nanggaling pa ng Nueva Ecija. Masayang ipinakilala ni Jordan si Ginny sa dalawang matanda habang ginaganap ang seremonyas ng pagtatapos. "Grandma, grandpa, girlfriend ko nga po pala, si Ginny at si Lola Malyn." 

     "Hello po," magalang na bati ni Ginny. Kinuha niya ang mga kamay ng matanda at nagmano dito isa isa. 

     "Iho, it's very good to know na meron ka ng girlfriend. I can see that you are serious on this one." mabait na tugon ni Lola Felicidad. 

     "Ikaw lang kasi ang pinakilala niya sa amin iha," sabi naman ni Lolo Carlito. 

     "Meron lang akong isang tanong sa'yo, iha. Buntis ka ba? Kanina ko pa nahahalata iyang umbok sa tiyan mo." 

     Bago pa man makasagot si Ginny ay tumugon na si Jordan. "Pasensya na po kayo kung hindi ko pa po nasasabi sa inyo, pero buntis po si Ginny at ako po ang Ama ng dinadala niya." 

     "That's very good news iha, iho. Congratulations to both of you!" bati ni Lolo Carlito. "You know your grandma and I are not getting any younger, we are very much looking forward for retirement. It will be good to know that our only grandson will not be on his own when he runs the hacienda."

     "What do you mean grandpa, grandma?" litong tanong ni Jordan. Malaking surpresa ang pagdalo ng dalawang matanda sa graduation niya dahil hindi naman niya ito inimbita. Pero mas nasurpresa siya sa mga pinagsasasabi ng mga ito ngayon. Kung mayroon man silang hidwaan dati, ay hindi niya ito nararamdaman ngayon. 

     "You heard it right, iho. Ikaw ang magiging tagapagmana ng Hacienda Dela Fuente. We are seventy years olds, and your grandma and I deserve a vacation outside of the country." Hindi makapaniwala si Jordan sa mga narinig, pero wala na siyang panahon para mag-react dahil siya na ang susunod na tatawagin sa stage. 

     "We would like to call in once again, our Salutatorian from the college of Business Management and Marketing, Jordan Marco Dela Fuente," sabi ng host sa stage. Tinakbo ni Jordan ang stage at doon tinanggap ang kanyang diploma at pilak na medalya mula sa direktor ng unibersidad. Mula sa stage ay nag-flying kiss pa ito sa direksyon ni Ginny, saka bumaba sa stage. 

     Nang makababa na si Jordan mula sa stage ay dumiretso na ito sa kinaroroonan ng kanyang pamilya. Sa mga oras na iyon ay nakikipag-usap ang mag-asawa kay Ginny at sa Lola nito. "At ano ang pinaguusapan ninyo rito?" sabat ni Jordan. Sinalubong naman siya ni Ginny ng halik sa pisngi. 

     "Congratulations!" bati ng lahat.

     "Pinaguusapan namin na baka kung puwede ay sumama muna si Ginny sa iyo sa Hacienda," sagot ni Carlito. "We will be leaving in two months time to Europe at kailangan magkasama kayo roon sa Hacienda. Para saan pa at doon na rin naman kayo patungo? Mag-stay kayo roon at pag-aralan niyo kung paano ito palakarin."

     "But Grandpa, I have not even said yes yet."

     "Iho, you do not have any other choice on this one," tugon ni Felicidad.

     "Bakit hindi na lang ang mga pinsan ko? Doon naman sila sa hacienda lumaki? Mas alam nila kung paano ito palalakarin."

    "Ang ibig mo bang sabihin ay ang kambal mong pinsan na si Bianca at Danica? God, iho! You forgot that they are only fifteen years old. Matagal tagal na rin mula nang huli mo silang dinalaw. It's time for a family reunion, don't you think?" sagot ni Felicidad. "Hay, anyway saka na natin pagusapan ang mga detalye. We have made dinner reservation for the four of us, and we have to go now." Tahimik na sumangayon si Jordan. Mukhang babalik na naman sa dati ang lahat. Isa sa mga rason kaya sila nagkaroon ng hidwaan noon ay dahil sa tutol siya pagpapalakad nito ng kanyang buhay, noon pa man ay inaatang na ang Hacienda Dela Fuente sa kanyang mga balikat sa edad na labing dalawa. Kaya siya umalis sa poder ng mga ito ay dahil gusto niyang mamuhay ng malaya. Hindi niya ginustong manatili sa hacienda dahil pinapaalala lang nito sa kanya ang mga masasamang alaala. 


Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now