Chapter Four - Start of Something New

6.1K 78 29
                                    

Hindi makapaniwala si Ginny nang makita kung sino ang lalakeng katabi niya sa bus, magkahalong emosyon ang naramdaman niya, dahil una sa lahat hindi pwede masira ang mga plano niya nang dahil lang sa lalakeng ito. Ano kaya ang ginagawa niya dito, malaking tanong niya sa sarili, hindi naman bakasyon para sumakay siya ng bus patungo sa isang malayong lugar? Nakaramdam siya ng panglalamig ng kamay at lakas ng kabog dibdib, siguro dahil napakalakas ng karisma nito para sa kanya. Naka-puting t-shirt lang ito kung saan nakabakat ang kalamnan o muscles nito, kupas naman ang pantalon na suot nito. "Pa-Lucena ka rin?" tanong ng lalake. Hindi niya namalayan na ilang segundo rin pala siyang nakatitig lang dito. Binawi niya ang tingin at tumingin sa may harapan, nagbalak na tumayo baka makahanap pa siya ng ibang mauupuan, pero kung minamalas ka nga naman, puno ang buong bus kaya ang pagpipilian niya lang ay manatili sa kinauupuan niya o ang tumayo. 

"Oo, pa-Lucena ako. Ikaw? Saan ka ba pupunta? 'Di ba hindi pa naman bakasyon?" Masungit niyang tanong dito, dahil sa lahat ng emosyong naramdaman niya kanina, ang tanging natira lang ay ang pagkainis niya dito. 

"Alam mo miss, magpasalamat ka na lang at kakilala mo ang nakatabi mo sa bus. Mahaba-haba ang biyaheng ito, hindi tayo mabo-bored!" masiglang sabi ng lalake. Nag-unat ito at binuksan ang kurtina ng bus, madilim pa rin ang buong kapaligiran.

"Pwede bang 'wag mo munang buksan ang bintana?" pakiusap ni Ginny.

"Oo ba, sure." agad niya itong sinara. "Ako nga pala si Jordan," iniabot niya ang kamay niya kay Ginny. "Pasensya ka na kung medyo presko ang dating ko sayo nung nagkita tayo sa library ah." Hindi inabot ni Ginny ang kamay niya, kaya kinuha ni Jordan ang kanang kamay niya nang walang paalam at saka nakipagkamay dito ng sapilitan. "Ayan, friends na tayo ah." Umayos ng upo si Ginny at hindi na lamang umimik. Tatlumpung minuto silang nanatiling walang imik hanggang sa makatulog si Jordan sa kinauupuan nito, at ganoon na rin si Ginny.

"Mani, mani, mani, mani kayo dyan! Beinte lang, beinte lang, beinte lang!" Tila naalimpungatan si Ginny at saka idinalat ang mga mata. Hindi niya namalayan na nakasandal na pala ang kanyang ulo sa balikat ni Jordan at hindi niya sinasadyang tumulo ang kanyang laway sa t-shirt na suot nito. Agad niyang pinunasan ang kanyang bibig at ang t-shirt na suot nito, na siyang naging dahilan ng pagkagising ng lalake. 

"Sorry, sorry,..." paulit ulit na saad ni Ginny. "Hindi ko sinasadya na makatulog sa balikat mo." Napangiti si Jordan.

"'Wag kang magalala, ayos lang." anito. "Mukhang napasarap ang tulog nating dalawa." Alas nwebe na pala at ilang oras din pala silang nakatulog. Pansamantalang nakahinto ang bus dahil sa traffic, kung kaya naman nagsipasukan ang mga nagtitinda ng mani, buko pie, tubig, at kung anu-ano pa. Alas nwebe na, malamang ay gising na ang lola ni Ginny. Nakita na kaya nito ang kanyang sulat? Ano kaya ang naging reaksyon nito? Sana ay okay lang ang kanyang lola.... "O, bakit malungkot ka na naman?" tanong ni Jordan. Hanggang sa hindi na napigilan ni Ginny ang nagbabadyang mga luha na kanina pa bumabaha sa kanyang mga mata. Maagap naman siyang inabutan ni Jordan ng panyo. 

Sinenyasan ni Jordan ang isang lalakeng nagbebenta ng tubig sa bus. "Boss, dalawang tubig nga po." At saka iniabot ang isang bote ng tubig kay Ginny na nagpupunas pa rin ng luha.

"N-nakakainis, ayaw tumigil ng mata ko sa pagluha, p-papalitan ko na lang panyo mo," sabi ni Ginny na walang tigil din sa paghikbi. Nagdalawang isip man, ay napagdesisyunan ni Jordan na hawakan ito sa balikat at saka pinisil. 

"Naku, baka isipin ng ibang pasahero dito pinapaiyak kita. Eto ang tubig, uminom ka na muna. 'Wag kang mag-alala sa panyo, marami naman ako niyan."

"Pasensya na, ang bango pa naman ng panyo mo." Hindi napigilang komento ni Ginny. 

"Talaga? Pawis ko lang ang naaamoy mo diyan," pabirong saad nito. "Ang bango ng pawis ko no?" hindi inaasahang matawa ni Ginny sa birong iyon ni Jordan. Kailan ba siya huling tumawa ng ganito? Tila matagal nang panahon na at hindi na niya maalala...

Ilang sandali rin ang lumipas bago tuluyang tumigil sa paghihikbi si Ginny. Nagsimula na ring umandar ang bus na sinasakyan nila na binabagtas ang trapik. "Pasensya ka na kung masungit ako sayo kanina. Buti na lang at nandito ka dahil kung hindi, baka umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makarating ako ng Lucena. Tapos baka akalain ng mga tao dito, nababaliw na ako."

"I agree with you, baka imbis na sa Lucena ka dalhin ay baka sa unang Mental Hospital na madaanan ka dalhin."

Suminga muna si Ginny bago ito sumagot ng, "Sobra ka naman! Teka, ano nga pala ang balak mo sa Lucena?"

"Part time ko kasi ang pagiging travel blogger dito sa Pilipinas, kaya may mga taong babayaran yung mga kagaya ko para bisitahin yung mga hotel nila tapos gagawan ko ng review. Lalo na kapag bago ang mga hotel, kailangan nila ng exposures." paliwanag ni Jordan. "Kapag nagka-WiFi, ipapakita ko sayo yung website ko na meron na ring 1 million subscribers."

"Wow, ang galing naman. Ikaw na talaga!" 

"That's my side of the story, eh ikaw? Bakit ka magpupunta sa Lucena? May dadalawin ka ba doon?"

"Madrama ang buhay ko Jordan at sa totoo lang ay hindi pa ako handa."

"Teka 'di mo pa sinasabi sa akin pangalan mo, ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ginny." 

"Okay, Ginny. I promise that if you tell your story, I won't judge you at all at tayong dalawa lang ang makakaalam."

"Bakit ko naman ipagkakatiwala ang istorya ko sayo agad agad? Ngayon pa lang tayo talagang nagkakilala, at isa pa, isa kang writer, baka isulat mo ang buhay ko sa blog mo."

"I can't blame you, mukhang nagkaroon ka na ng masamang karanasan sa pagtitiwala." 

"Ha! Nakuha mo, mismo!"

"Sige, ganito na lang, pagusapan na lang natin ang ibang bagay, okay ba iyon? It doesn't matter kung saan tayo nanggaling o kung saan tayo papunta, let's just be friends, talk about anything else under the sun." 

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now