Chapter Eighteen: Isang Baliktanaw sa Nakaraan

1.1K 16 0
                                    

Lorenz P.O.V.

I first saw her by the window holding a bottle of beer with two hands. Nakasuot siya ng maikli at asul na jumper na tinernuhan ng rubber shoes. Abot hanggang balikat ang kanyang buhok, na tinatakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Maganda siya. Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ko. Madali lang para sa akin ang lumapit sa isang babae, naka ilang girlfriends na ba ako? Pero siya, Ginny raw ang pangalan niya, tila nilagyan ng magic glue ang mga paa ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili ako habang siya ay pinapanood mula sa malayo. Mukhang wala siyang kilala sa party na ito. Lumapit sa akin si Genna na inabutan ako ng isang bote ng beer. "Ano pa bang hinihintay mo? Mabait 'yan si Ginny, magkakasundo kayo," untag niya. Tumango lang ako at humugot ng malalim na hininga. Okay, let's do this. 

Maangas akong lumakad patungo sa direksyon niya at kahit nanlalamig ang kalamnan ko ay alam kong walang nakahalata. Ako si Lorenz, gwapo, mayaman, malakas ang dating. "H-hi!" Hindi ko inaasahan ang piyok na 'yon na lumabas sa aking lalamunan. 

"Hello." aniya pero ni hindi man lang siya tumingin siya sa akin. Hindi ata sapat ang perfume na pinabango ko sa sarili ko.

"Mag-isa ka lang?"

"Halata ba?"

"Kanina mag-isa ka, ngayon hindi na," mabilis kong bawi. Nasaan na ba ang iba kong mga epektibong pick-up lines, ngayon na kailangan ko sila?

"Ahh, okay."

"I'm Lorenz." Sa unang pagkakataon ay nilingon niya ako, saka siya ngumiti na tila ba nakakaloko. Ngayon ko lang ata naramdaman ang pagkahiya sa sarili ko.

"Ginny."

"You don't mind me joining you here right?"

"Sure, wala namang problema. Siguro hindi ko lang type talaga ang mga ganitong klaseng party. Napilit lang ako ni Genna."

"Ako rin." Natawa siya bigla sa sinabi ko. "Gusto ko yung tahimik lang, chill, soft music kind of party."

"So introvert ka?"

"Siguro an extroverted introvert. I would try to rise up to situations, even if half of myself would just want to curl up and hide. I guess it's how I was raised up by my parents, they got high expectations of me. I'm sorry, bigla ata akong napa-open up sa'yo."

"'Wag kang mag-alala, hindi ko naman ipagsasabi na behind your tough personality, there's a softer you hiding." Ngumiti siyang muli saka lumagok ng beer. Lord, God, I love her already. Lorenz, napakaaga para sabihin 'yan sa sarili mo, ano ka ba? Ikaw ang lalake dito, pero bakit pa ata ang unang kinikilig sa inyong dalawa? Sinagot ko rin ang sarili kong katanungan: Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. "Natulala ka na ata?"

"Hindi naman. Bigla lang akong may naisip."

"Pinapaalala ko ba sa'yo ang girlfriend mo?

"Wala akong official girlfriend."

"Yeah, right."

"Teka, maiba tayo. You're still studying?"

"Yup, first semester ko sa nursing, same university with Genna. Ikaw?"

"Kaka-graduate ko pa lang as a Business Management student, pero I'm currently working in our family busienss, nagsisimula sa pinakamababang posisyon bilang isang delivery man," tugon ko. "Balak mo mag-abroad?"

"Oo tulad ni Mama na nasa Singapore ngayon. Gustuhin ko man magtrabaho sa Pilipinas, hindi naman madali kumita ng pera dito. Pero sa totoo lang, kawawa rin ang mga pamilyang nagkakahiwalay dahil kinakailangan magtrabaho sa ibang bansa, maraming batang napapariwara, nawawalan ng landas dahil hindi sila nagagabayan ng tama."

"That's true. Pero may ibang magulang din na kahit kasama mo sa loob ng bahay ay parang wala rin sila dahil masyadong abala sa trabaho."

"Ganoon lang siguro magbiro ang tadhana."

Biglang lumakas ang tugtog na musika sa buong kabahayan ni Genna, at mas naging "wild" ang mga tao sa loob. "Gusto mo bang lumabas?"

"Saan?"

"Kung saan tahimik."

"Tara!"

============

Ginny P.O.V.

Malamig ang simoy ng hangin kahit buwan pa lang ng Hunyo. Sa isang banda ay narinig ko ang isang malakas na kulog na sinabayan ng kidlat. Bigla akong napahawak sa lalakeng nasa tabi ko. Kakakilala ko pa lang sa kanya pero heto at kung anu ano na ang napagkukuwentuhan namin. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng bahay ni Genna. "Mukhang uulan pa ata."

"Ayoko pang umuwi," tugon ni Lorenz. "Gusto pa kitang makasama."

"Akala ko ba introvert ka? Bakit napaka outspoken mo sa akin?"

"I don't know, I feel comfortable with you."

"Bolero."

"I may not be the only person who told you that, but that's the truth. There's no need to hide a fact. Basta huwag muna tayong umuwi, please. I want to spend more time with you. Kulog at kidlat lang 'yan, kung uulan, you don't need to worry, I will protect you." Napabuntong hininga ako, talagang mayabang ang lalakeng ito, kung anu ano ang mga pinapangako sa akin. Pero, ewan ko ba, ang sarap niyang paniwalaan. Kung ganito kaguwapo ang bumobola sa'yo, hindi mo ba gugustuhing maniwala kahit isang sandali?

Hinawakan niya ang kamay ko, ipinasok ang kanyang mga daliri sa pagitan ng mga daliri ko. "Now, it feels right."

"Nababaliw ka na ngang talaga ano?"

"It must be the beer."

"Eh ang baba lang ng alcohol level nu'n eh!"

"I don't really care. Tara, punta tayo doon sa park!" sabay turo niya sa isang munting playground, hindi kalayuan sa tinatayuan namin. Naglalakihang bahay ang nakapalibot sa amin dahil isa ito sa mga kilalang subdivision sa Cavite. Hindi namin nilakad ang park na abot tanaw lang namin, sa halip ay tinakbo namin 'yon na para bang mga bata. Mas mabilis akong tumakbo kaya naunahan ko siya, pero nang maabutan niya ako ay bigla niya akong niyakap mula sa likuran. "Huli ka!" Napatili ako nang wala sa oras dahil nahawakan niya ang kiliti ko sa tagiliran. 

"Ibaba mo na ako please! Nakikiliti ako," pagsusumamo ko, para akong kiti kiti na pinipilit bumaba mula sa pagkakagapos niya. Sa wakas ay ibinaba na niya ako, pagkalapag niya sa akin ay muli akong tumakbo papunta sa swing at muli na naman niya akong hinabol. "Kakakilala mo pa lang sa akin ay naghahabol ka na agad agad!"

"You're worth chasing for!" aniya. "At sa oras na maabutan kita, I swear, I'm going to kiss you."

"Talaga? Saan?" pangaasar ko.

"I won't tell you, but I will DEFINITELY kiss you." Tumakbo ako palibot sa may puno hanggang sa may bandang duyan. 

"Sandali, time out muna." Sa wakas ay napagod din ako at huminto ng humihingal. Pero hindi niya ako pinagbigyan, sa halip ay dali dali niya akong tinumba sa malambot na damuhan. Napahagikhik kami pareho. "'Wag kang madaya, sabi ko time out!" 

"Wala naman 'yon sa usapan." Nakapaibabaw na siya sa akin at ilang sentimetro na lang ang layo ng aming mga mukha sa isa't isa. Tanging ang liwanag na nanggagaling sa poste ang ilaw namin, pero kitang kita ko ang mukha niya. Sinubukan kong takpan ang labi ko, pero nakapako ang dalawa niyang kamay sa mga braso ko, hindi ako makagalaw. 

"Hindi ka ba natatakot na sumigaw ako ng rape?"

"Ginny, I like you." Natahimik ako at tumigil sa pagpupumiglas. Kakakilala ko pa lang sa lalakeng ito pero kaya ko nang aminin sa sarili ko na gusto ko rin siya. "Actually kanina nang makita kita sa party, sabi ko sa sarili ko na mahal na kita. Pero hindi ko muna sasabihin 'yon dahil baka hindi ka maniwala. Kaya, 'I like you' na lang muna. I like you a lot Ginny."

Dahan dahan naglapit ang aming mga mukha, ipinikit ko na rin ang aking mga mata, hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang mga labi na unti unting sinasakop ang mga labi ko. Naramdaman ko rin ang patak ng ulan sa aking mukha.

Umuulan na...


Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now