Chapter Twenty Four: Mga Sugat ng Nakaraan

1.3K 47 7
                                    

Kumulo ang dugo ni Felicidad nang malaman na nag-iimpake ang anak, mukhang totoohanin nga nito ang paglisan sa hacienda at sasama sa nobyo nito. Diyos por santo, kaka-graduate lang nito sa Amerika, pero umuwi agad dito sa Pilipinas para lang kitain ang nobyo. Alam ng Diyos ang totoong rason kaya pinadala nilang mag-asawa si Renee sa New York para mag-aral sa kolehiyo, iyon ay para ilayo ito sa matagal na nitong nobyo na si Mario. Anak ito ng kabilang hacienda na nalugi kaya hindi naglaon ay ibenenta ang lupa  at sa kasalukuyan ay naghihirap na ang pamilya nito. Mabait ang pamilyang Dela Cruz pero hindi ito ang lalakeng pinangarap niya para sa kanilang panganay na babae. "Carlito, gumawa ka ng paraan! Hindi maaaring umalis ng bahay na ito si Renee," pangungulit ni Felicidad sa asawa na nasa library ng mansion. 

"Hayaan mo siya, habang pinipigilan mo ay lalong nagiging pasaway at suwail ang batang iyan!"

"Bakit mo naman kasi pinatulan? Sana ay hinabaan mo pa ang pasensya mo sa anak mo. That's what happen when you raise a child in the US, they become so liberated. Your daughter is not listening to whatever it is I'm saying to her anymore." 

Masama ang loob ni Carlito, hindi lang dahil sinagot siya ni Renee habang nasa hapag-kainan sila kanina, kung 'di dahil hindi niya napigilan ang sarili na sampalin ito. Nagsisisi siya, siguradong dahil sa ginawa niya ay lalong mapapalayo ang loob ng anak sa kanila. "We did everything for her to forget that stupid boy. Now, if she choose him over her family, wala na akong magagawa kung 'di tanggalan siya ng mana."

"Pero Carlito, don't you get it?  Hindi importante kay Renee ang marangyang buhay, hindi siya nasisilaw sa pera. The problem with our daughter is that she got a big heart, pinalaki natin siyang pinalilibutan ng mga magsasaka, ng mga manggagawa! I don't know what else to do, pakiramdam ko, sa bawat hakbang na ginagawa natin para malayo siya kay Mario ay lalo niya tayong kinamumuhian. And I can't take that. Why don't we apologize to her? Tanggapin na natin si Mario, para hindi na siya umalis ng bahay na ito. Mas hindi ko kakayanin na maghirap ang anak natin sa piling ni Mario. God knows what his job this time around! Last time I checked, manager daw ng isang fast food chain sa Manila." Lumapit si Felicidad sa asawa at lumuhod sa harap nito. "Let's save our daughter..."

Paminsan minsan ay naaalala pa rin ni Felicidad ang mga nangyari na para bang nangyari lang ito kahapon. 

Hindi nakaalis ng bahay si Renee nang gabing iyon hindi dahil masyadong malakas ang buhos ng ulan, kung di dahil sinunod ni Carlito ang kagustuhan ni Felicidad, ang humingi ng tawad sa anak at tanggapin ng buo ang nobyo nitong si Mario. Matapos ng gabing iyon ay sobrang nagalak si Renee at hindi na muling nagkaroon ng gulo sa loob ng hacienda hanggang sa maikasal ang dalawa sa maliit na kapilya ng bayang iyon. Magalang at masipag si Mario kaya naman ay napagdesisyunan ni Carlito na turuan ito sa kung papaano palakarin ang negosyo ng kanilang pamilya. Ang bunso nilang si Grace ay walang ka-interes interes sa pamamalakad, kaya naman si Renee at Mario lang ang puwede nilang maasahan. 

Minana pa ni Carlito mula sa kanilang kanunu nunuan ang haciendang ito na lalo pa nilang pinalaki sa pamamagitan ng pagbili ng mga karatig na lupa. Sentro ang Nueva Ecija sa pag-supply ng pangunahing pangangailangan na pagkain sa buong Pilipinas at ang pamilyang Dela Fuente ang namamahala ng malaking porsyento na iyon. Hindi madali ang trabaho pero napagtulungan ito nina Carlito, Felicidad, Mario at Renee. 

Hindi nagtagal at nabuntis na si Renee, pinagalanan itong Jordan, hango sa pangalan ng isa sa mga lugar kung saan nag-honeymoon ang dalawa. 


"Naaalala mo na naman siya, ano?" Napatigil si Felicidad sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan habang dahan dahan na hinarap ang asawa. Hindi na sila kasing lakas ng dati, mabagal na silang maglakad, mahina na sila. Iba na ang mga hitsura nila, puro kulubot na ang kanilang mga balat. 

"Nami-miss ko si Renee. Sana nandito siya para matulungan niya tayong magdesisyon sa mga bagay na ganito. Besides, she's the one who got this big heart." Natawa ang dalawa matanda sa sinambit na iyon ni Felicidad. Ilang sandali lang ay sunod sunod na tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "Bakit ba ganito, bumabalik tayong muli sa problemang kinakaharap natin dati kay Mario? Akala ko sa edad nating ito ay tapos na tayo sa mga ganito."

"The problem with us is that we don't easily trust people," tugon ni Carlito. "Wala tayong tiwala lalo na kung sa una pa lang ay mali na. We should not compare the situation that we have now with the past. It's different. Hindi naman tayo niloko nina Mario at Renee." Umupo sa tabi ni Felicidad si Carlito. Naghawak sila ng kamay at ihinilig ni Felicidad ang kanyang ulo sa balikat ng asawa. 

"Matatanda na tayo Carlito. Ano pa bang magagawa natin kung nagmamahalan ang dalawa? Kinuwento sa akin ni Grace ang engkwentro nila Ginny, tinanggihan daw nito ang pera." Napabuntong hininga si Carlito. Mula sa kanilang kinauupuan ay natatanaw niya ang nalalagas na mga puno. "Tinanong ko rin si Martha, tinanong ko kung ano ang masasabi niya kay Ginny."

Malaki ang tiwala ng dalawang matanda kay Martha, nakikinig sila sa kung ano man ang sabihin nito. "Ano ang sabi ni Martha?"

"Ang sabi ni Martha, mabait na bata naman daw si Ginny. Masaya daw palagi si Jordan at kitang kita niya na nagmamahalan ang dalawa. Kilala mo ang batang iyon, bihira mo mapangiti kapag nandito sa hacienda."

"I can't blame him, we made it hard for him while he was still a child."

Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hininga ang matanda. 

"My dear wife, what do you propose that we do?"

"At the moment, it seemed that we only have once choice."


Nang araw na iyon ay lumabas na ng ospital si Ginny. Kinakabahan man sa maaaring mangyari mamaya pagkauwi nila, alam niyang hindi siya papabayaan ni Jordan. Napagdesisyunan na rin ng pamilya ni Ginny na bumalik na ng bahay nila. Sa susunod na araw kasi ay lilipad na rin pabalik ng Singapore si Virginia, aayusin ang mga papeles para sa pagpunta nito ng Amerika. "Mami-miss ko po kayo Mama, Nina at Lola," pagpapaalam ni Ginny. 

"Basta, kapag pinaalis ka sa hacienda na 'yon, ay 'wag kang mag-atubili na bumalik sa atin. Nandoon naman sina Lola mo, tayo tayo lang din ang magtutulungan," ani Virginia. 

"'Wag po kayong mag-alala, ako po ang bahala kay Ginny. Hindi ko po siya papabayaan," sabat ni Jordan. "At kung mami-miss naman po niya kayo ay sasamahan ko naman po siya na umuwi."

"Salamat sa iyo Jordan, alagaan mo itong apo ko ha, kung 'di ay ikaw ang malalagot sa akin. At syempre paminsan minsan ay tulungan mo rin siya sa pag-aaruga kay Martin. 'Wag mo nang pakawalan itong apo ko dahil masuwerte ka diyan."

"Tama po kayo Lola Malyn. Aasahan niyo po na tutulungan ko palagi si Ginny sa lahat ng bagay. Hindi lang kami magiging isang pamilya, best friend na rin po niya ako."

"Aba, ang dami mo nang bola ha!" saway ni Ginny. Napahalakhak ang lahat. Ilang sandali pa ay gumayak na sila sa kanilang patutunguhan. 


Wala ni isa ang umimik sa biyahe, puwera lamang kay Martin na abala sa pagsipsip ng gatas sa suso ni Ginny. Nang matapos ito ay nagkatiningnan si Ginny at Jordan, at saka biglang napangiti. "Grabe, laging gutom ang batang ito ah," komento ni Ginny. 

Balisa man si Jordan ay ginawa niya ang lahat para hindi mapansin ni Ginny. Hindi pupuwedeng iparamdam niya dito na nag-aalala siya sa maaaring mangyari mamaya. Ano man ang mangyari mamaya ay ipinapangako niya sa kanyang sarili na ipagtatanggol niya ang minamahal. Pagpasok sa tarangkahan ng hacienda ay natanaw niya agad ang kanyang lola at lolo na nakatayo sa may pintuan ng mansyon. Napatingin din si Ginny sa may harapan nang makita na kumunot ang noo ni Jordan. Nang tumigil ang sasakyan ay naunang bumaba si Jordan at agad na binuksan ang pintuan na siyang bababaan ni Ginny. Dahan dahan na lumabas ng sasakyan si Ginny, habang si Martha naman ay nakaabang para tulungang buhatin ang sanggol. Medyo nanghihina pa si Ginny kaya naman ay ika ika pa siyang naglalakad. Nagkasalubong ng tingin si Ginny at si Felicidad at Carlito. Napalunok siya nang makita ang mga ito na tila walang emosyon. Lumakad ito patungo sa kanya na tumagal din ng ilang mahahabang segundo. 

Nang makababa ang mga ito sa hagdanan ay yumakap ang dalawa kay Ginny na siyang kinabigla niya. Napaluha siya nang marinig ang mga sinabi nito, "Maligayang pagbabalik sa hacienda. Welcome to the family."


Note from the author: Huwag pong kalimutang pindutin ang vote. Isang chapter na lang! :) 

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now