Chapter Seventeen: Villa La Paz

1.1K 13 2
                                    

Lulan ng puting sasakayan si Lorenz at Ginny na mala pakwan na sa laki ang tiyan, sa susunod na buwan ay manganganak na siya. Nakatingin lamang siya sa bintana habang binabagtas nila ang daan palabas ng Hacienda Dela Fuente. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para sumama kay Lorenz, pero kung ito ang huling pagkakataon na makikita niya ito, ay mabuti pang lubusin na niya ang pagkakataon.

Hindi man niya aminin sa sarili ay meron at merong epekto magpahanggang sa ngayon sa kanya si Lorenz. Nakaputing polo ito na abot hanggang siko, itim na slacks at leather shoes. Amoy nito ang isang pamilyar na pabango, ang pabangong ginagamit sa tuwing sila ay nagkikita. Oo, inaamin niya, kakaibang sensasyon ang nadarama kapag naaamoy niya ito. Ito ang unang beses na nakita niyang ganito ang hitsura ng binata, madalas lang kasi itong naka t-shirt at simpleng pantalon kapag nagkikita sila dati. Hindi man niya ginusto ay tila isang pelikula ang nakalipas nila ni Lorenz na naglaro sa kanyang isipan - ang bakanteng lote, ang pagtatalik sa ilalim ng buwan, ang mga salitang sinasambit nito, ang hininga nito sa kanyang leeg. Ang pag-iwan nito sa kanya sa ere. Naramdaman niyang muli ang sakit ng kahapon pero hindi na ito kasing sakit tulad ng dati.

Tahimik sa buong biyahe si Lorenz at Ginny pero ramdam niya na nakapako sa kanya ang mga mata ng binata, at hindi siya makahinga. Hindi ito ang oras para maging mahina siya, ito ang oras para ipakitang kaya na niya kahit wala siya. Inayos ni Ginny ang pagkakaupo, at ibinalot ang dalawang kamay sa kanyang tiyan. Naramdaman niyang sumipa ang bata, hindi isa kung di tatlong beses. "S-sumisipa si baby." Hindi niya mapigilang magsalita. Agad namang lumapit si Lorenz sa kinauupuan niya.

"Puwede ko ba siyang damhin?" Tumango si Ginny at inilagay na nga ni Lorenz ang kamay nito sa tiyan niya. Sumipa pang muli ito ng ilang beses at kitang kita niya ang pag ngiti ng kasama. "Nakapag-isip na ba kayo ng pangalan?"

"Oo," ang tanging nasagot ni Ginny. Hindi pa siya handang sabihin dito ang napagdesisyunang pangalan - Jordan Dela Fuente Jr.

Napansin ni Ginny ang pagpasok ng sasakyan sa isang puti at malaking tarangkahan na may nakasulat na Villa La Paz. Binuksan ito ng dalawang guard at mula sa tarangkahan ay nakita niya ang isang malaking villa. Mas maliit ito sa mansion ng Dela Fuente, pero kaaya ayang itong tingnan. Binubuo ito ng dalawang palapag at sa harapan nito ay may estatwang anghel na bumubuga ng tubig. "Nasaan tayo? Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Ginny.

"It's a surprise," tugon ni Lorenz na pilyong ngumiti.

Pinagbuksan siya ni Lorenz ng pintuan at inabot ang kamay nito para alalayan siya. Nagdalawang isip pa si Ginny pero sa bandang huli ay inabot niya na rin ang kamay nito. Pagkaabot ng kamay niya ay tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya, sumipa rin bigla si baby. Napangiti si Ginny, mukhang kilala ng bata kung sino ang tunay na ama nito. Hindi sila dumiretso sa loob ng kabahayan, sa halip ay naglakad sila papunta sa may likuran nito kung saan naroroon ang isang magandang lawa na pinalilibutan ng mga puno. Nasurpresa siya sa nakita, hindi niya akalaing may lawa dito sa Nueva Ecija. Sa gitna ng lawa ay may munting kamalig na gawa sa kahoy, puti ang kulay nito at may tulay na nagdudugtong dito sa kung saan sila nakatayo. Hawak pa rin ni Lorenz ang kamay niya habang naglalakad sila patungo sa munting bahay sa gitna ng lawa.

"Ginny, nais ko sanang magpakilala muli sa'yo. Gusto kong ipakita sa'yo ang magandang parte ng pagkatao ko, gusto kong malaman mo kung ano ang kaya kong i-offer sa'yo. Sasabihin ko sa'yo ang buong katotohanan, kung ano ang meron ako, kung anong pagmamahal ang handa kong ibigay sa'yo, para mahalin mo akong muli."

"Lorenz, kahit ano pang sabihin mo ay hindi na magbabago ang desisyon ko-"

"Alam ko 'yon, pero hinaharap nating dalawa, ng pamilya natin ang pinaglalaban ko dito kaya hindi mo rin ako masisisi kung kahit maliit na pagkakataon ay papatulan ko na."

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa hanggang sa makarating sila sa gitna ng lawa. Maaliwalas ang buong kapaligiran at maririnig ang mga huni ng mga munting ibon.

"Pagmamay-ari ang villang ito ni Senator Belinda Morales." Nanlaki ang mata ni Ginny.

"Talaga? Ang sikat na senadora na laging lumalabas sa TV?" Tumango ang binata.

"Oo, ang senadorang maraming naipasang batas at laging sinusundan ng media, ang woman of the year sa isang sikat na international magazine," natatawang tugon ni Lorenz. "She's my wonderful Mom."

"Ha? Bakit ngayon ko lang ito nalaman? At ama mo si Congressman Manny Morales?" 'Di makapaniwala si Ginny. Maraming tao ang may apelyidong Morales kaya naman ay hindi niya ito pinagtaka noong nagkakilala sila ni Lorenz.

"Yup, that's my Dad." Napabuntong hininga siya. "My very controversial Dad." Kilala si Manny Morales bilang isang babaerong congressman, noong nakaraang buwan lang ay sumabog sa buong Pilipinas ang ilang video scandal nito.

"At ikaw ang anak nilang hindi pinapakita sa media?"

"Only son and very well protected. Oo kahit kailan ay hindi ako nahuhuli ng media at syempre kapag may mga tao akong nakikilala ay hindi ko sinasabi na anak ako ng mga opisyal ng gobyerno. Nakita mo naman kung paano ka lapastanganin ng media sa oras na may masilip silang baho sa pagkatao mo."

"Oo alam ko 'yon."

"Isa ito sa naging dahilan kaya hindi ko naisipang panagutan ka noong unang sinabi mo ito sa akin. Noong mga panahong iyon ay napabalita sa buong bansa ang paghihiwalay ng mga magulang ko. And I just couldn't add up sa mga failures ng pamilya ko, only to realize na you are not a failure. You're the only success I can say that's mine."

Sumilong sila sa kamalig, alas onse na pero maulap pa rin ang kalangitan. Masarap ang simoy ng hangin at kahit papaano ay nakapagrelax si Ginny.

"Nakikita mo ba ang madilim na ulap doon? Mukhang uulan mamaya." Sabi ni Lorenz sabay turo sa bandang norte.
"Huwag naman sana, kung 'di ay mahihirapan na akong makauwi."
"Don't worry, ako ang bahala sa iyo. I promised na ibabalik kita kay Jordan by the end of the day and I'll do just that."
"Naaalala mo ba si Genna?"
"Oo naman. Paano ko ba siya makakalimutan eh siya itong nagpakilala sa ating dalawa. Siya ang nagpumilit na sumama sa bahay niya. May papakilala raw siyang pogi," natatawang pag-alala ni Ginny.
"I'm going to thank her forever kasi dahil sa kanya nakilala kita."

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now