Chapter Twenty: Makita Kang Muli

1.1K 31 5
                                    

Tiningnan muli ni Jordan ang kanyang relo, alas kwatro na ng hapon pero wala pa rin si Ginny. Hindi naman ito tumawag o nag-text man lang kung nasaan na ito, at nag-aalala na siya. Malakas ang buhos ng ulan sa labas, at kanina pa siya nakatitig sa may bintana, kung saan tanaw niya ang tarangkahan ng hacienda. Hindi na siya nagpalit ng damit mula pa kanina nang galing siya sa warehouse. Suot niya ang puting polo shirt na gusot gusot na. Hindi na rin niya napansin ang pagpasok ni Martha sa loob ng library na may dala dalang isang tray ng pagkain. Nakaramdam ng habag ang mayor doma sa binata, kilalang kilala niya si Jordan dahil sanggol pa lang ito, ay siya na ang nag-aalaga dito. "Jordan, hijo, kumain ka na muna. Heto at may dala akong sopas para magkalaman naman iyang sikmura mo. Hindi mo naman nagalaw masyado ang tanghalian mo kanina."

"Sige Martha, iwan mo na lang diyan. Kakainin ko 'yan mamaya."

"Alam mo, hindi ka dapat mag-alala kay Ginny. Uuwi rin 'yon." Hinarap ni Jordan si Martha at ngumiti ng bahagya. 

"Hindi ko naman masasabi 'yon talaga."

"Ilang buwan nang naninirahan dito si Ginny at kitang kita ko na mahal ka niya. Kung hindi man totoo ang mga pinapakita niya sa'yo nitong nakaraang buwan, eh kay galing naman niya magsinungaling. Pero kitang kita ko ang sinseridad at katapatan niya sa'yo, Jordan. Huwag ka nang mabahala, sa halip ay kumain ka at maghanda sa pagdating niya." Hindi na muling umimik si Jordan at sa halip ay naupo sa may sofa. Inabot sa kanya ni Martha ang isang mangkok na nakaramdam ng kasiyahan kahit papaano dahil kumain na rin sa wakas si Jordan. 


Sa kabilang banda, mabigat man ang loob ni Lorenz ay pumayag na rin siya sa wakas na ihatid na si Ginny sa kanila. Naglalakad na sila pabalik sa sasakyan nang napahinto siya sa paglalakad. "M-may problema ba?" tanong ni Ginny na kinuha na ang payong sa kamay ni Lorenz. "Halika, sumilong na muna tayo." Akay akay ni Ginny si Lorenz hanggang sa makarating sila sa may pintuan ng bahay. 

"Huwag kang mag-alala, wala 'to," aniya habang sapo ang ulo. "Nahilo lang ako."

"Napasobra ka sa kain ng taba kanina," natatawang tugon ni Ginny. 

"Napanaginipan ko na kasi 'to. Parang nag-flash back lang lahat. Mula sa pagkakakilala natin hanggang sa mga pagkakamali ko. Sa panaginip ko may dalawang senaryo." pagkukuwento ni Lorenz, hinayaan na lang ito ni Ginny dahil humindi na siya kanina. Pagbibigyan na niya si Lorenz kahit ilang minuto lang. 

"Dalawang senaryo?"

"Ang unang senaryo ay napatawad mo na ako, pumayag ka raw na sumama na sa akin dahil mahal mo na ako ulit." Naluluhang sabi ni Lorenz. "Sa sobrang saya ko sa senaryong 'yon ay natulog ako ulit. Pero nagkaroon ng pangalawang senaryo, kung saan ito, yung nangyayari mismo ngayon. Ang senaryo na humindi ka..." Pilit na ngumiti si Lorenz sa kabila nang pagluha. Pinunasan niyo ito gamit ang likod ng kanyang kanang kamay.

"I'm so sorry Lorenz." Hindi na rin mapigilan ni Ginny na maluha. "I'm sorry kung hindi ko mabibigay sa'yo ang gusto mo, ang mga pangarap mo."

"O-okay lang siguro Ginny. Malay mo sa susunod na lifetime tayo na ulit? Sana lang sa susunod na lifetime, hindi na ako tatanga tanga. Sana sa susunod na lifetime, magkamali man ako ay papatawarin mo pa rin ako, tapos tayong dalawa pa rin." Hinawakan ni Lorenz ang dalawang kamay ni Ginny at nanginginig na pinisil ito nang mahigpit. "I-promise mo sa akin na ipapakilala mo si baby sa akin, na sasabihin mo sa kanya na ako ang istupidong ama niya na pinakawalan ang isang kagaya mo." Tumango lang si Ginny sa narinig habang sunod sunod ang patak ng luha mula sa kanyang mga mata. "May I ask you one thing? I just want to confirm kung minahal mo talaga ako."

"Minahal kita Lorenz, alam mo 'yan at alam kong naramdaman mo rin. Pero kailangan mo na mag-move on, dahil hindi ako ang nararapat para sa'yo." Lalong napahagulhol si Lorenz sa narinig, mukhang ito na nga ang finale na hinihintay niya. Kumuha si Ginny ng panyo at saka pinahid ito sa mukha ni Lorenz. 

"Gusto ko kasi ikaw lang, Ginny! Ikaw at ang magiging baby natin. I'm sorry but it will take me forever bago makapag-move on."

"Sinasabi mo lang 'yan, ano ka ba? Sa kaguwapuhan mong 'yan ay maraming mahuhumaling sa'yo," sabi ni Ginny. "At please lang, na 'pag nakita mo na siya ulit, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo sa akin. Mahalin mo siya nang tapat, sabihin mo kung sino ka talaga, ipakita mo ang tunay mong pagkatao at higit sa lahat ay 'wag na 'wag mo siyang iiwan." Nagyakap ang dalawa ng matagal at mahigpit. Nanatili sila sa ganoong ayos hanggang sa humupa ang ulan at humupa na rin ang naguumapaw na mga luha sa kanilang mga mata. God, how Lorenz want to stay that way forever. 


"May surpresa nga pala ako sa'yo," sabi ni Lorenz habang naglalakad na sila patungo sa sasakyan. Sa pagkakataong ito ay humupa kahit papaano ang bagyo sa kanilang mga damdamin.

"Ano 'yon?"

Binuksan ni Lorenz ang trunk ng kotse at doon nakita ni Ginny ang iba't ibang gamit para sa bata: mga damit, bote, pampers, gatas at marami pang iba. "A-ano 'to? Ang dami naman nito!"

"Para 'yan sa baby natin, at simula pa lang 'yan. Susustentuhan ko siya hanggang nabubuhay ako."

"Hindi mo na ito kailangan gawin Lorenz at naipaliwanag ko na sa'yo kung bakit."

"Please, tanggapin mo na Ginny. He's from me too," nakangiting tugon ni Lorenz. "Let's go. Ihahatid na kita, mukhang bubuhos na naman ang ulan."


Nagliwanag ang mukha ni Jordan nang matanaw niyang pumasok ang sasakayan na nagsundo kay Ginny kanina sa tarangkahan ng hacienda. Sabik siyang pumunta sa may pintuan para salubungin ang nobya. Hindi pa humihinto ang sasakyan ay nakahanda na siya para buksan ang pintuan ng sasakyan. Nakangiti si Ginny nang pagbuksan niya ito ng pintuan at nagkatinginan sila, inalalayan niya itong makababa. "I'm glad you're back sweet heart." bulong niya sa tainga nito. "Salamat at inuwi mo siya nang ligtas." aniya kay Lorenz. 

"Walang anuman, salamat din sa pagpayag mo." walang emosyong tugon ni Lorenz. "May mga gamit dito para sa baby-"

"Sige, ipapakuha ko na lang sa mga kasambahay, tatawagin ko lang sila." 

"Sandali lang, may gusto pa akong sabihin sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Ingatan mo si Ginny," sabi ni Lorenz na pilit na nagpapakatatag nang mga oras na iyon. Alam niya na sa oras na pumasok silang dalawa sa loob ng bahay, hindi na rin siya sigurado kung kailan niya ulit makikita ang minamahal. "Mahalin mo siya nang tapat. Masuwerte ka dahil ikaw ang pinili niya, huwag mo sanang sayangin ang pagkakataon na meron ka." Hindi umimik si Jordan, sa halip ay tumango at kumaway lang ito sa kanya, saka tumalikod at inakbayan si Ginny. 

Naiwan si Lorenz sa tapat ng bahay, nababalot ng matinding depresyon at desperasyon. Ginawa na niya ang lahat ng makakaya niya, pero hindi siya nagwagi. At muli, ay nagsimula na namang pumatak ang ulan...


Author's Note: Maraming salamat sa pagbabasa ng Sakit ng Kahapon. Huwag kalimutang bumoto at mag comment. New Year's resolution ko na ngayon ang mag-update as often as possible (at least twice a week). Advance Happy New Year na rin! :) 


Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now