Riding Solo

280 9 9
                                    

The Old Demetria Corrine is gone. 

Armed with nothing but a bag full of clothes and stacks of bills to survive -- I ventured out to another place inside the country. Kinakabahan ako sa mga kahihinatnan ng mga desisyon ko but at the same time, I'm happy.

Happy about my new life and my freedom.

Pumasok muna ako sa isang fast food chain para kumain. Hindi naman ako ignorante para hindi malaman kung ano ang mga kinakainan ng mga tao sa siyudad. Naramdaman kong kumalam ang tiyan ko. Dala siguro ng gutom, dahil hindi pa kasi ako kumakain ng breakfast. Kapag nalaman siguro 'to ng trainor ko, magagalit 'yun sa'kin. Ayaw na ayaw niya na kakain ako ng nakakataba. I follow a strict diet. Kaya sigurado akong magaalsabalutan 'yon at magagalit kapag nalaman niya.

Well, wala ng trainor na magagalit sa'kin ngayon. Although I kinda miss her, I need to stick with my plan and that is -- a new life.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob McDonald's -- a lot of eyes are on me. Hindi ko alam kung bakit? Feeling ko tuloy may mali sa'kin. Hanggang sa makarating na ako sa counter, ganoon pa rin ang mga tingin nila. Nakilalala kaya nila ako? Alam kaya nilang isa akong prinsesa? Pero wala naman akong suot na pangmayaman ah? Naka-simpleng jeans lang ako at blouse na kulay pink. Walang extraordinary sa akin ngayon.

Pati yung naghihingi ng order sa counter, hindi pinalampas ang pagtitig sa'kin. Hindi ko napigilan at tinanong ko  na siya.

"Umm... May problema po ba?" tanong ko.

"Miss, ikaw ba si Demetria Corrine?" napa-laki ang mata ko. Muntikan ko ng sabihin oo, buti na lang napigilan ko ang bibig ko.

"Demetria Corrine? Naku, hindi po. Baka kamukha ko lang po." pag-tanggi ko.

"Hindi! Ikaw yun eh!" sabi niya with matching duro pa sa'kin. Napa-lunok ako. Kailangan ko mag-isip ng alibi!

"Ay! Nagkakamali po kayo! Darcy Corrine po ang name ko eh." pagpapalusot ko naman. Mukhang bumenta naman sa kanya. Pero nandoon pa rin sa mga mata niya ang pagdududa. Hindi ko na lang pinansin at binigay ko na ang order ko sa kanya.

Doon ako pumwesto sa pinaka-sulok na bahagi ng fast food chain para walang makapansin sa'kin. Nagsuot pa ako ng sumbrero para hindi ako makilala.

Kailangan ko na nga yatang mag-bagong anyo. Madali akong makilala kung ganito lang ang ayos ko eh.

Tama, bukas, magpapa-kulay ako ng buhok, gagawin ko ng itim. At siguro magsusuot din ako ng glasses? Pero wag na. Sagabal lang yun. Papaiklian ko na lang ang buhok ko. Tama! Siguro naman di na ako makilala noon.

Basta, simula ngayon... Hindi na ako si Demetria Corrine.

Ako na si Darcy Corrine del Fuega. A mere commoner from a town named nowhere.

~~~

Prodigal PrincessWhere stories live. Discover now