This Girl...

138 6 7
                                    

Lunch. At wala akong balak pumunta ng canteen sana, pero kanina pa tumutunog ang sikmura ko. Ilang weeks na ako sa school na ito pero wala pa rin akong kaibigan. Well, I have Dani. I'm sure he's a friend pero kaibigan na babae? I have none. Mukha ba akong hindi palakaibigan? I shrugged the thought away at naglakad na papunta sa canteen.

Ang daming tao sa canteen at alam kong wala na naman akong mauupuan. Nagderetso na lang ako sa counter para bumili ng pagkain. Sa mga benches ko na lang kakainin ang mga bibilhin ko. Ako na sana ang susunod na oorder ng biglang sumingit ang hinihingal na si Joseph. I looked at him.

"What's up with you?" I asked. Mukha kasi siyang hinihingal.

"I'm... Nauuhaw ako. Pwedeng sumingit?" tanong niya sa'kin. At dahil mukha naman siyang hinihingal talaga, pinagbigyan ko na. Bumili siya agad ng isang litrong tubig at umalis na sa pila. Nag-order naman ako ng pagkain ko pagkatapos niya. Akala ko nga ay aalis na siya pero nagulat ako ng nakitang nandoon lang siya sa tabi at mukhang hinihintay ako. Nilapitan niya ako.

"Saan ka uupo?" tanong niya.

"I don't know. Sa benches na lang siguro." sagot ko naman sa kanya.

"Sa table ka na lang namin." sabi niya sabay turo sa isang table sa di kalayuan. Tumango na lang ako kasi ayaw ko siyang tanggihan, nagmamabuting loob lang naman siguro siya. Umupo siya sa tapat ko at tinignan ako ng mabuti. Akala ko magsasalita siya pero tinikom niya lang ang bibig niya at pinagmasdan ako.

"Is there something wrong?" I asked ng hindi siya matigil sa pagtitig niya sa'kin. Ang ganda talaga ng mata niya. Hazel brown.

"No. May gusto sana akong sabihin pero nahihiya ako." Nahihiya? Hindi siya mukhang nahihiya kasi naka ngiti siya. Napansin ko na lamang na namumula siya. Tagaktak pa rin ang pawis niya. Mukhang kinakabahan.

"Oh. What is it?" 

"It's just..." hindi ako nagsalita para matapos niya ang gusto niyang sabihin.

"I'm just... sorry for not treating you right nung dumating ka sa bahay namin. Badtrip lang talaga ako nung time na iyon. So wrong timing." sabi niya naman. Napataas ang kilay ko. Mukha namang sincere siya sa mga sinasabi niya.

"Oh, it's okay." medyo maingat pa ako sa mga pinagsasabi ko kasi mukhang enigma 'tong lalaking 'to. One time he's okay, the next he's not. I just wish na tuloy tuloy na 'to.

"Are you sure? Babawi na lang ako kung hindi." sabi niya naman sa'kin. Napa nga nga na lang ako kasi bakit ang bait niya?

"It's fine. Promise. You don't owe me anything." sagot ko naman. Pinaka safest ko yatang sagot.

"I do. Bilang pambawi, i tour na lang kita sa school na 'to? Tas we'll eat dinner mamaya ng sabay?" I gasped. Is he kidding? Akala ko ba may girlfriend siya? Diba nga in love na in love daw siya dun sabi ni Marikit?

"I'm okay. You don't need to. Baka magalit pa ang girlfriend mo." tumawa pa ako. Pero parang hindi naman yata tawa yung lumabas sa bibig ko.

"We broke up, you know. Bago ka pa dumating sa bahay namin." mas lalo akong nagulat. Eh ano 'yung pinagsasabi ni Marikit sa'kin?

"But... Marikit told me--" 

"Oh I didn't tell him. Napaka chismoso 'nun at tinamad akong ikwento sa kanya kaya ayun. Wala siyang idea." he shrugged

"Pero.. bakit kayo nag break?" minsan talaga, hindi ko mapigilan ang bunganga ko. I know it's not good to mind other people's business. But I can't help it.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Apr 28, 2014 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Prodigal PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum