Dani

145 4 1
                                    

Hinihintay kong magsimula ang Trigonometry class namin. Hindi pa dumadating 'yung teacher namin kaya lahat kami ay may sari-sariling mundo. 'Yung iba, nagdadaldalan, 'yung katabi kong si Peter, ayun mataray pa rin. Andropausal nga kasi. Haha. Naka-earphones lang siya at nakatungo sa table. Ako naman, wala. Naka tunganga lang. Ang hirap pala 'pag wala kang masyadong kilala. Wala kang kausap.

"Hi Corrine." nagulat ako ng may biglang lumapit sa'kin. 'Yung mukha niya, few inches na lang ang layo mula sa'kin. Kaya agad naman akong napaatras.

"Uhm.. Hello?" nginitian ko siya kasi nakangiti siya sa'kin. Inabot niya 'yung kamay niya sa'kin.

"I'm Dani. Short for Daniel. Nice meeting you! By any chance, kilala ba kita? Are you a model or something? Parang nakita na kasi kita sa isang magazine eh. I'm not sure kung anong magazine nga lang 'yun." dere-deretso niyang sabi. Agad na napalaki ang mata ko. Masyado bang obvious?

"Nice meeting you too." sagot ko na lamang. Dumadami na ang kasalanan ko sa Diyos kakasinungaling. Naman kasi.

"So tell me, artista ka ba or model?" hindi niya ako tinigilan. Huhu. Akala ko aalis na siya after kong magsabi na nice meeting you, pero hindi. Kumuha pa siya ng upuan at tinabihan ako. Ang lapit talaga ng mukha niya sa'kin. Para na niya akong hahalikan!

"None of the above? Hehe." kinamot ko ang ulo ko for effect. Gumagaling na yata ako sa pagsisinungaling ah. Lord, sorry!

"Ah! Endorser ka siguro ng beauty products noh? Hala. Ang ganda mo talaga. Crush na yata kita." sabi niya tapos 'yung mata niya kulang na lang kumislap. Napalunok ako, hindi ko alam kung paano lulusutan 'to.

"Hehe?" 'yun na lang ang naging tugon ko. Kasi wala talaga akong masabi sa kanya. Huhuhu.

"Ay anyway, may kasabay ka ba mag-lunch?" tanong niya. Nako, mukhang alam ko na kung saan 'to pupunta. 

"Uhm, wala e-eh." 

"Good! Let's eat together later? Napansin ko kasing wala kang kasama eh. Masyado kang maganda para hindi samahan. So pwede? Hehe." hala, pwede mag comment sandali? Isa lang po talaga. Isa lang. Hehe.

Ang kapal ng mukha niya. Hehe. Though he's sweet.

"S-sure." I nodded para umalis na siya sa harapan ko. Hindi kasi ako makahinga ng maayos sa sobrang lapit ng mukha niya. Nakakatakot baka masinghot ko siya.

"Ang landi." komento ng isang nilalang sa tabi ko. Agad ko siyang tinignan ng masama. How dare he?

"What did you say?" kalmado kong sabi sa kanya. Sobrang kalmado ko sa tingin ko nga naiinis na siya kasi di niya ako naiinis.

"Malandi ka. Slut. Whore." sabi niya sabay smirk. Bumagsak ang mukha ko. Ewan ko kung bakit pero parang ang sakit nung sinabi niya. Ganito na ba talaga ngayon? Niyaya ka lang ng taong mag-lunch, malandi ka na? Ganito na ba talaga ang pag-iisip ng mga tao ngayon?

"Okay." I sighed at tumayo. Parang naiiyak ako. Ewan ko kung bakit. Naapektuhan siguro ako sa sinabi niya kahit hindi naman ako malandi, slut, at whore. I guess, hindi pa rin talaga ako sanay sa mga masasamang sinasabi ng mga tao sa'kin. Agad kong tinungo ang C.R. pero nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Peter sa may wrist at siya na mismo ang naghila sa'kin palabas ng classroom.

Dinala niya ako sa bahagi ng corridor kung saan walang masyadong tao. Ewan ko ba kung bakit, pero naiinis ako sa kanya. Or sa sarili ko. Kasi kahit ang sama ng ugali niya sa'kin, sinasamahan ko pa rin siya. 

"Are you crazy?" I uttered in disbelief. Kanina lang sinabihan niya akong malandi ah!

"About you? Of course not." tumawa siya tapos bumelat pa sa'kin. Langyang ito!

"What do you need? Babalik na ako sa klase." nagsimula na akong maglakad pero hinarang niya ang daanan ko.

"What do I need? You. I need you. May party mamaya sa bahay and I need you to attend it. Wear something nice. Eto address, puntahan mo na lang? Thanks." umalis na siya at iniwan akong mag-isa na nakatulala. What was that all about?

~~~

Nakaupo na ako sa isang table dito sa canteen kasi si Dani na ang nag-order para sa'kin. Ang kulit nga niya eh. Sabi ko ako na oorder pero tinulak niya lang ako paupo at muntikan na akong mahulog buti na lang nahawakan niya ako.

"Ayan, carbonara at garlic bread! Masarap 'yan! Favorite kong luto ng canteen 'yan dito!" napangiti ako sa inabot niya. Mas lalo akong napangiti ng makita ang tissue ng Sbarro. Haha.

"Really, Dani? Really? Magkano ang binabayad ng canteen sa'yo para ipromote mo sila?" napangiti ako ng malaki. Ang fail niya lang kasi. Naalala ko 'yung kaibigan kong si Jamie sa kanya. Girl version ni Jamie. She's a goofy princess too, pero sa ibang bansa nga lang. We barely see each other though. Nagrurule na kasi siya sa kanila so wala na siyang time para bumisita. I miss her.

"Too much for the school spirit. Anyway, kamusta naman dito sa school? Oks ba? May kaaaway ka ba?" agad niyang tinaas ang 'biceps' kuno niya at flinex ito. I crinkled my nose.

"Wala akong kaaway, baliw. Pero wala din akong kaibigan." sagot ko habang nakangiti sa kanya. 'Di ko maiwasang di mapangiti sa mga facial expressions niya. Nakaka-aliw kasi.

"I'm your friend." proud niyang sabi. Jamie na Jamie talaga siya. Para silang kambal.

"Oh yeah?" tinaas ko ang kilay ko habang nakangiti.

"Yes, Princess Demetria Corrine." and then he smiled. My eyes widened.

~~~

mua!

Prodigal PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora