Peter

109 4 1
                                    

Naka-uwi na ako sa bahay. Alas-singko na ng hapon at wala pa rin si Marikit. Wala rin si Joseph. Baka kasama girlfriend niya. Hay. Ang boring naman dito sa bahay. Sana pala sumama na lang ako kay Dani. Niyaya niya kasi ako mag-mall. At oo, alam niyang ako ay isang royalty. Naku! Napaka chismoso pala nun. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Tatanungin ko dapat pero unfortunately nag-ring na ang bell, hudyat ng pagtatapos ng lunch break. Bukas ko na lang itatanong sa kanya kung paano niya nalaman.

Bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga ng maalala ko ang sinabi sa'kin ni Peter kanina. Party daw. At iniimbitahan niya ako. Kinapa ko ang bulsa ko, nandoon pa rin ang papel na binigay niya sa'kin kanina. Pupunta ba ako o hindi? Hindi ko alam kung bakit option ko pa ang pagpunta at pagpayag sa kanya.. Pagkatapos niya akong pahiyain. Pero inisip ko rin, paano naman kung kailangan nga niya talaga ako? Ay ewan! Kung kailangan niya talaga ako, dapat kinocontact na niya ako ngayon. Napahiga na lang ulit ako sa kama ko.

Naalala ko sila mama, siguro nagwawala na sila ngayon dahil sa pagkawala ko. Pero siguro naman, alam nila na may tendencies akong ganito. Lalo na't alam nila ang pagtatrato nila sa'kin. 'Yung tipong, parang alagang aso. Hay, ang sakit isipin na walang sabi ang gusto ng puso ko sa pagdedesisyon nila. Kahit anong angulo ko tignan, ganun ang dating. Sila ang may hawak sa buhay ko. Namimiss ko din naman sila, pero nangingibabaw sa puso ko ang pagkasabik sa kalayaan. 'Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Napaka iyakin ko talaga. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko these past few days kaya siguro normal lang ang pag-iyak ko ngayon. Wala akong naramdamang pagsisisi kaya hindi ako babalik ng palasyo. Paninindigan ko ang desisyon ko.

Nawala ang lahat ng pinag-iisipan ko ng may marinig akong busina sa labas ng bahay. Mukhang galit at urgent. Sumilip ako sa bintana at nandoon nga ang isang kotseng itim. Pero hindi ko alam kung sino. Agad akong bumaba para malaman kung sino iyon. Baka kaibigan ni Marikit o ano.

Lumabas naman sa kotse ang isang lalaking naka-suit. Eh? Chaffeur, ganun? Pero hindi. Nagulat ako ng makitang si Peter ito. Ang gwapo niya at bagay sa kanya 'yung suot niyang suit. Napataas ang kilay ko ng bigla siyang lumapit sa'kin. Pinitik niya ang noo ko.

"Aray." napasapo ako sa noo ko at tinignan siya ng masama. Nakatitig lang siya sa'kin.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing wala siyang balak na magsalita.

"Ikaw nga, diba? Nakalimutan mo na ba ang usapan natin kanina?" syempre hindi ko nakalimutan 'yon. Pero iniba ko ang mukha ko, 'yung kunwaring nag-iisip.

"May usapan ba tayo?" tanong ko sa kanya

"Tss. Kunwari pang hindi naalala. Tara na kasi. Nagsisimula na 'yung party." inip niyang sabi.

"Eh bakit mo ba kasi ako dadalhin doon? Di naman tayo close o ano. Saka malay ko ba kung sinong nag throw ng party na 'yun. Is that a school party or what? Hindi naman ako invited." paghuhuramentado ako. May point naman kasi ako. Baka mamaya, hingian ako ng invitation upon entering at wala akong maipakita.

"It's Matthew's birthday party. I know you know him. Wala akong date kaya kita niyaya." agad siyang tumingin sa malayo pagkasabi niya noon.

"Eh bakit nga ako?" pangungulit ko. Madami naman kasing ibang babae diyan na pwede niyang ayain so why me?

"Because... you don't suck that much." nakatingin lang siya sa kotse niya habang sinabi niya 'yun. Should that flatter me? Hay nako, mukhang mapapa oo yata ako.

"What should I wear then?"

"Something nice. Para hindi mukhang basura date ko. Tss. Bilisan mo, sa kotse na lang ako mag-antay. Bagal eh."

Prodigal PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat