The Boys

156 5 1
                                    

Agad namang natapos 'yung klase. Umalis na agad si Peter pagkadismiss sa'min ni Ma'am. Ang taray taray na lalaki. Nakakapanibago. Hindi kasi ito tulad ng trato ng mga lalaki sa'kin sa palace at sa lugar namin. Oh well, kailangan ko ng masanay sa mga ganito.

Nagpunta ako ng canteen kasi bigla akong nakaramdam ng gutom. Buti na lang 1 hour ang lunch break ko kaya medyo matagal. Pagpasok ko sa canteen, ang dami ko agad nakitang tao. Lahat sila may sari-sariling grupo samantalang ako, ni isang kaibigan or kasama ay wala. Medyo nakakalungkot. Tinungo ko na ang counter at nag-order. Kaharap ko ang buong canteen at kitang kita kong wala na talaga akong mauupuan. Nakita ko si Joseph na nakatingin sa'kin, pero may kaharap siyang babae. Siguro 'yun 'yung girlfriend niya. Nilibot ko naman ang tingin ko at nakita ang magtotropang humarang sa'kin kanina. Kumindat sa'kin si Matthew pero di ko siya pinansin. Instead, lumapit ako kay Peter na nag-iisa lang sa upuan niya at kumakain ng burger. Wala siyang kasama kaya nilapitan ko na siya.

"Pwedeng maki-upo?" tanong ko sa kanya

"Hindi." sagot naman niya. Aba. Tinanong ko siya ng ayos tapos di pa rin siya pumayag? Baka siguro may uupo dun. Aalis na sana ako at lalapit sa counter para ipatake- out 'yung pagkain ko ng bigla akong lapitan ni Matthew.

"Hello." naka-ngiti niyang bati sa'kin. Nginitian ko naman siya kahit naweweirdohan ako sa kanya at inabot na kay ate sa counter 'yung ipapatake-out ko.

"Anong section mo?" tanong niya ulit. Hindi niya yata ako titigilan.

"1B." simple kong sagot. Hindi ko siya tinitignan kasi nahihiya ako.

"Ay, sayang. 1D ako eh." nakangiti niyang sagot. Nginitian ko na lang siya kasi wala akongmasabi. 'Di ko namalayan na may nakahawak na pala sa balikat ko. Tinignan ko kung sino ito at nakita kong si Peter ito.

"Bakit?" tanong ko. Kanina lang ayaw niya ako paupuin dun sa upuan niya tas hahawak hawakan niya ang balikat ko. Baliw kaya siya?

"Tara na. Pinalinis ko na 'yung upuan?" napalingon ako kay Matthew at nakita kong nataas ang kilay niya kay Peter. Tinignan din siya ni Peter.

"Pero... ayaw mo akong paupuin dun kanina?" naguguluhan kong sagot sa kanya. Napaface palm siya.

"Oo nga. Pero ngayon pwede na, kaya tara na." hinila niya ako mula kay Matthew pero hinawakan naman ni Matthew 'yung kabila kong braso. Anong nangyayari? Tug of war ba ito? Mula sa peripheral vision ko, napansin kong parang natigil ang commotion sa loob ng canteen. Siguro pati sila natatakot sa stare off ng dalawang ito. Para kasi nilang kakainin ang isa't isa. Sakto naman na nakita kong papatayo si Joseph kaya tinawag ko siya.

"Joseph!" sigaw ko. Napatingin sa'kin ang dalawa. Tinanggal ko ang kamay nila sa mga braso ko.

"Excuse me. Joseph!" sigaw ko ulit. Ayoko ng mastuck dun. Katakot sila eh. Hinintay naman ako ni Joseph. Pagkalapit ko sa kanya ay tinignan niya ang dalawang lalaki na nandun pa din kung saan ko sila iniwanan. Tahimik pa din ang buong canteen. Umiling si Joseph habang tumatawa at inakbayan ako habang palabas ng canteen. Ano bang problema nito? 

~~~

Naglalakad lakad lang kami ni Joseph sa buong school. Ang laki pala ng school na 'to. Hindi ako nakapaglibot nung enrollment eh. Umupo si Joseph sa isang bench sa ilalim ng puno kaya umupo din ako. Ang lamig dito kaya niyakap ko ang sarili ko.

"Ano ngang pangalan mo?" tanong sa'kin ni Joseph. Hindi siya nakatingin sa'kin ngunit nakatingin siya sa kalangitan.

"Uhh.. Corrine." sagot ko naman. Nanahimik kami sandali.

"Saan ka galing?" tanong niya sa'kin. Napalunok ako. Bakit ko nga ba sinasagot 'tong kumag na 'to eh kanina lang pinaiyak ako niyan. 

"Tss." napa-tss ako ng hindi sinasadya. Kaya naman bigla niyang nilipat ang tingin niya sa'kin mula sa kalangitan.

"Oh bakit?" tanong niya naman. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay. Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala talaga ng mata niya. Brown na brown eh.

"Don't act as if nothing happened." kalmado kong sabi. 'Di ko siya tinitignan kasi naaawkwardan ako.

"Ah... 'Yung kanina ba." tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Well, sorry. Gusto lang kitang bantayan kasi 'yun ang bilin sa'kin ni Marikit." wika niya

Ah, kaya naman pala niya ako kinaladkad at sinigawan. Psh.

"Matthew seems like a nice guy. I don't think he's trouble. Do you?" tanong ko. Maaaring medyo makapal nga ang mukha ni Matthew pero sa tingin ko naman ay mabait siya at wala naman yata siyang gagawing masama sa'kin.

"Mabait 'yun. Pero maloko. Kaya 'wag ka ng lalapit dun. Pati kay Peter, masama ugali nung Peter na 'yun." sagot niya sa tanong ko. Grabe naman siyang manira. Kilala niya ba talaga silang dalawa at ganyan na siya kung magsalita tungkol sa kanila? Well, hindi ako nagtataka masyado kung bakit ganoon ang tingin niya kay Peter.. Medyo sour nga ang ugali nito, pero hindi naman siguro 'yung pagka demonyong way. Sa palasyo, tinuruan ako ng mentor ko na 'wag basta magjujudge ng tao lalo na't hindi mo naman sila kilala. Agad napakunot ang noo ko.

"How can you say things like that when you don't even know them?" napataas ang tono ng boses ko ng hindi inaaasahan.

"Kilala ko sila. Tss. Hindi ako katulad ng ibang tao diyan na basta lang may masabi eh sasabihin na. Hindi ko naman sasabihin sa'yo kung hindi totoo." tinitigan niya ako ng matagal at di nagtagal ay tumayo na din siya at umalis. Iniwan na naman ako doon na nag-iisa. Kanina pa 'tong lalaking 'to ah.

Tatayo na sana ako ng bigla namang may humawak sa balikat ko. May humawak na naman sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita kong si Peter ito. Si Peter na naman. Tinulak niya ako ng bahagya pabalik dun sa may bench. Siya din ay umupo. Ano ba yan? Kailangan talaga itulak pa ako? Hindi pwedeng sabihan na lang ako na umupo? Aish, kakaiba! 'Pag nakita siguro 'to ng mga guards sa'min, agad siyang aambahan nung mga 'yun. Nakakamiss din pala ang mga gwardiya ko.

"Why are you here?" tanong ko

"Ako dapat ang magtatanong sa'yo niyan. Why are you here?" tanong niya

"Kasi masarap ang hangin dito. Hindi naman 'to private property noh?" tinignan niya ako ng masama.

"'Di naman. So magkakilala pala kayo ni Joseph." nakatitig siya sa mga mata ko kaya agad kong inilayo ang tingin ko. May something kasi sa mata niya. Ang ganda din ng mata niya tulad ng kay Joseph. Pero pagdating sa kanya, nahiya bigla ako at naconscious. Psh. Ano ba 'to. At saka ba't niya ba tinatanong ang tungkol kay Joseph?

"Why do you ask?" 

"Masamang magtanong?" tinaasan niya ako ng kilay. Parang bakla itong lalaking ito. Kundi lang siguro siya lalaki kumilos at kung di lang rin siya gwapo, aaakalain kong bakla ito.

"Magkaibigan kami ng Tita este Tito niya." sagot ko ng tipid. Baka madulas ako. Kailangan kong mag-ingat sa mga sinasabi ko.

"Ah..." 'yun lang ang sagot niya. Tas tinitigan niya na naman ako. Hala. Kinakabahan ako sa titig niya. Lumalapit kasi ng lumalapit 'yung mukha niya. Lalong lumalakas 'yung tibok ng puso ko. Feeling ko lalabas na ito sa dibdib ko. Lumapit pa sya lalo kaya ako naman ay napapaurong.

"Ang ganda mo pala kahit malapitan." sabi niya sabay ngisi. Napatakip naman ako ng bunganga ko sa gulat.

"Pero syempre, joke lang." agad niyang pagbabawi. Tumayo na agad siya at pumunta sa susunod niyang klase siguro.

Argh! Naku! Kakaunting pasensya na lang talaga ang natitira sa'kin! Ramdam ko pa rin ang pag-iinit sa mukha ko! Grabeng lalaki 'yon! May balak yata akong patayin sa heart attack!

~~~

Sarreh tagal update. Busy sa school. Huhu :( 

si Matthew nga pala sa gilid. Omo, ang gwapo. :----)

mua mua! xx LJ

Prodigal PrincessWhere stories live. Discover now