Him

162 7 3
                                    

"Ay Joseph, si Darcy 'to. Darcy Corrine." pagpapakilala ni Marikit sa'kin. Hindi yata maganda ang timpla nung pinsan ni Marikit kasi tumango lang ito at dumeretso na sa kwarto.

"Ay... Ang taray na naman niya." napa-bulong si Marikit

"Na naman?" tanong ko. Na naman? Edi ibig sabihin nun nagalit na siya before.

"Well.. Palagi yang nagtataray kapag nag-aaway sila ng girlfriend niyang mahadera." tugon ni Marikit ng may halong inis. Na-sense ko na ayaw niya dun sa girlfriend ng pinsan niya. Bakit naman kaya?

"Mukhang ayaw mo sa girlfriend niya ah." komento ko. Biglang napa-tirik yung kilay ni Marikit.

"I don't really like her! She's clingy. Ang hilig mag-selos. Pati kaya ako na mismong pinsan ni Joseph pinag-selosan niya. Alam ko namang maganda ako, pero di ako dapat pag-selosan noh! She's a bitch.. Basta, masama ang ugali noon." naka-busangot na ng tuluyan ang mukha ni Marikit.

"Halatang halata na ayaw mo sa kanya." then I cracked.

"Ayaw talaga. Siya lang talaga ang dahilan kung bakit hindi kami nagkakasundo ni Joseph. Panira talaga yung babaeng yun."

"But how come, gusto pa rin ni Joseph yun kahit masama ang ugali?" I inquired. Kung ako man ay magkaroon ng ganoong boyfriend, hihiwalayan ko agad. Masama pala ang ugali eh.

"Joseph doesn't know. Bulag yun pag dating sa kanyang girlfriend. Well, anyway, tara sa kwarto mo." Then Marikit led me into a yellow room. May double-sized bed, may mirror na malaki at upuan, may make-up place. Parang pang-fairy tale yung dating. Parang yung kwarto ko lang sa palace. Na-miss ko bigla sila Queen kahit hindi maganda ang pakiki-tungo nila sa'kin. They're still my parents.

"After mong mag-unpack, sunod ka na lang sa kitchen ha. Magluto tayo!" then he left and closed the door. Tumalon ako sa kama ko at humiga. Nakakapagod, grabe. Pinagsabay ang lahat: pagaalinlangan, worries, pagod. Mahirap, pero sa nararamdaman ko ngayon, worth it ang paglayo ko sa palasyo. Worth it ang lahat. 

~~~

"Saan po pala yung public school na sinasabi niyo?" tanong ko kay Marikit habang nakain kaming tatlo nila Joseph ng dinner. Nagluto si Marikit ng Bulalo. Gutom na gutom din ako kasi kakaunti palang ang kain ko simula nung umalis ako.

"Oh, sa school nila Joseph yun." napatingin ako kay Joseph at nakita kong napatigil siya sa pagkain.

"Joseph, samahan mo pala si Darce na mag-enroll bukas sa school niyo. Dun na din siya mag-aaral."

"May date ako bukas." bored na sagot ni Joseph. Sus. Pwede niya namang sabihing ayaw niya eh. Halata kasing ayaw niya talaga ako samahan.

"Mabilis lang 'yun. Makakahintay naman siguro yang girlfriend mo." parang naiinis na sabi ni Marikit. Napa-taas kasi yung kilay niya eh. Tinignan ko naman si Marikit na para bang sinasabi na 'wag na, I can handle it'.

"Hindi pwede. Buong araw kaming mawawala." palaban na sagot ni Joseph.

"Ako na lang mag-isa!" napa-sigaw tuloy ako. Sasagot na naman kasi si Marikit kaya pinigilan ko na.

"Really, I can handle it. Yung directions lang ang kailangan ko." sabi ko ng tuwid. Ayaw pa sanang ma-convince ni Marikit pero napabuntong hininga na lang siya ng makita niyang galit na din si Joseph.

~~~

Madaling araw pa lang ng nag-ready na ako para magpunta sa school. Ayokong ma-late baka kasi marami ang mag-eenroll ngayon. I don't want to face a crowd today. Hindi pa ako sanay.

Mula sa di kalayuan ay napansin ko ang grupo ng mga lalaki sa isang gate. Parang magtotropa sila. Nagtatawanan at nag-aasaran. Kahit kinakabahan ako ay dumeretso na ako at pumasok na doon kahit nahihiya ako.

"Hi miss." sabi nung isang chinito at maputing lalaki sabay harang sa gate. Gwapo siya at naka-ngiti siya sa'kin kaya ngitian ko na lang din siya kahit kinakabahan na talaga ako. Hinawi ko na lang siya sa daan pero nahawakan niya bigla ang braso ko.

"Kausap pa kita." kalmado niyang sabi at naka-ngiti pa. Tinanggal ko ang kamay ko at agad na tumakbo pero sinundan niya pa rin ako. Mas lalo akong kinabahan.

"Look, wala akong masamang balak sa'yo. Matthew nga pala." tapos inabot niya yung kamay niya para makipag-shake hands. Bigla naman akong nagulat ng biglang may tumampal sa kamay ni Matthew at mas lalo akong nagulat ng makita kong si Joseph yun. Seryoso yung mukha niya kaya nakakatakot. Yung kaninang naka-ngiting si Matthew ay napasalubong na rin ang kilay.

"Layuan mo, pre." cold na sabi ni Joseph

"Ako nauna. Wag kang makielam."

"Mukha mo, nauna." tapos hinila na ako ni Joseph palayo.

"I'll get her, Joseph. Tandaan mo yan."

Lalo tuloy akong kinabahan ng tinignan ako ni Joseph na para akong isang criminal.

Napalunok na lang ako.

Prodigal PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum