Friend

205 8 5
                                    

Nandito ako ngayon sa parlor. Pinag-iisipan ko pa kung ano ang gusto kong gawin sa buhok ko. Yung talagang hindi na ako makikilala. Mahirap na pag nangyari uli yung insidente sa Mcdo.. 

"Mam, kulayan na lang po natin at lagyan ng loud curls. Sayang kasi kung puputulin natin. Ang ganda pa naman ng tubo." suggestion nung baklang hairstylist ko.

"Okay." pumayag na lang ako, tutal mas marunong naman siya sa'kin at alam niya naman siguro kung ano ang bagay.

After 2 hours of sitting, waiting and thinking -- natapos din. 

"Madam, you look so dazzling!" sabi nung bakla habang naka harap pa rin ako sa salamin -- examining my new look. Hindi ko na masyadong kamukha yung dating ako. Halatang proud na proud sa masterpiece niya. I thanked him and paid my bill sa counter. Ayoko munang makipag-interact sa mga tao dahil baka mamukhaan nila ako.

I'm famous. I've been on some magazine covers before so hindi malabong hindi ako makilala ng mga tao.

Palabas na sana ako ng parlor pero nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa braso ko.

"Teh, parang pamilyar ka!" nagulat na lang ako dahil sa baklang hairstylist ko. Kitang paalis na ako, eh hinarang pa ako.

"Ha? What do you mean?" tanong ko. Medyo kinakabahan na tuloy ako ngayon.

He held up a magazine -- a magazine where I was featured. Napa-laki tuloy yung mata ko.

"Ikaw si Princess Corrine noh?" tanong nung bakla sa'kin, pero he whispered it. A very silent whisper. Parang nag-mouth na nga lang siya eh.

"H-huh? Corrine? Darcy po ang name ko. And the l-last time I checked I wasn't a princess." kinakabahan ako sa baklang ito. Dudang duda yung mga tingin niya sa'kin eh.

"It's okay Madam, aminin mo na sa'kin. Hindi ko naman ipagkakalat eh. I know you have your own problems kaya mo ginawang maglayas ano? It's okay. I know you have your own reasons." nagderederetso na siya sa pagsasalita. Makaka-tanggi pa kaya ako? Tutal, mukhang mapapagkatiwalaan naman siya kahit na -- ehem -- bakla siya.

"Yeah, you're right. Please don't tell anyone!" I gave up. Kailangan ko din ng isang friend siguro, I think I need to make one kung gusto ko maka-survive. No man is an island.

"Of course! Time off ko na ngayon, wanna chat?" sabi niya. Ang taray. Parang hindi siya poor na tipo ng bakla eh. Pero mapilantik siya. 

"Umm... Kailangan ko pa pong mag-enroll eh." sabi ko naman. Bigla niya na kasi akong kinaladkad palabas ng parlor.

"Ay, ganoon? Saang school mo ba balak mag-aral?" I think he/she was someone I could trust. Parang wala siyang masamang balak sa'kin. So I felt relieved.

"Sa public school po sana. Para wala masyadong gulo. Besides, wala po akong masyadong dinalang pera eh." pagpapaliwanag ko.

"Oh! I know one!" tapos he waved his hands in the air. Nakakatuwa tignan 'tong baklang ito.

"Talaga po?" I asked. Para hindi na ako mahirapan maghanap.

"Yes girl! Pero may matitirahan ka na ba?" tanong niya.

"Umm. Wala pa po. That's one of my problems din." wala pa akong nahahanap na matitirhan. Nahihirapan ako maghanap for a safe and affordable place.

"Omigod! You can stay with me!" sabi niya pa.

"Hala? Wag na po. Makakahanap naman po siguro ako."

"It's okay! Wala akong kasama sa bahay! Except for my -- err-- cousin! Pero mabait yun, promise! You can stay with me."

"Nakakahiya po."

"We can share the bills naman. And besides, mahirap na diba? Baka may makakilala sa'yo?" 

I think it isn't a good choice. Pero what can I do? Tatanggi pa ba ako sa grasyang binibigay niya?

So I agreed... But that was I guess -- the first mistake I made in my petty new life.

~~~

Prodigal PrincessWhere stories live. Discover now