Difficulties

149 4 1
                                    

"Bakit ka nakikipag-usap dun? Close ba kayo?" tanong ni Joseph sa'kin nung tumigil siya, sa wakas, tumigil na rin. Kanina niya pa ako hila hila na para akong aso. Ganitong ganito ang ginagawa nila sa'kin sa palasyo. Hihilain ako doon, para ipakilala sa mga kaibigan at kasyosyo ng magulang ko. Hihilain doon para turuan ng kung anu ano tungkol sa pamamahala sa kinasasakupan namin. Pero ang totoo, wala naman talaga akong interes sa mga pinagsasabi nila.

"No. I don't know him." 

"Eh ba't ka nga nakikipag-usap?! Hindi ba tinuro sa'yo ng nanay mo 'yung 'don't talk to strangers'?" tanong niya na para akong isang inosenteng bata. Napa-irap ako bigla ng di ko sinasadya.

"I know. But I don't want any trouble so I talked. I tried to get away but he stopped me. What would I do? Ignore him?" sunud sunod kong tanong sa kanya.

"Tanga ka pala eh. Paano pag rapist 'yun? Kakausapin mo pa rin? Gamitin mo nga utak mo!" bigla niyang sigaw sa'kin. Napamaang ako. No one... No one even dared to talk to me like that. No one talked to me like that in public! I was a respected person! Kahit na hindi niya alam na isa akong prinsesa, kailangan niya pa rin akong respetuhin bilang isang normal na tao. Is he even sane? Unti-unti kong naramdaman na parang papatak na ang luha ko. Sensitive akong tao kaya nung sinabi niya 'yung mga 'yun, feeling ko totoo lahat. I'm not stupid. Rinerespeto ko lang 'yung lalaki kanina kaya ko kinausap. Natatakot din ako sa mga pwedeng gawin nung lalaking 'yun.

"Tas ngayon iiyak ka? Tss. Bahala ka nga dyan." at tuluyan na siyang umalis. Tama 'yan. Umalis ka na. Tumulo na ng tuluyan 'yung luhang pinipigilan ko kanina pa. Pinunasan ko agad 'yun ng tissue na hawak ko. Agad akong umupo sa isang bench na malapit dun. 

Tama ba 'tong mga pinaggagawa ko sa buhay ko? Tama bang umalis ako sa palasyo? I brushed the thought away. Eto 'yung gusto ko diba? Ang mabuhay ng independent. 'Yung ako lang ang gagawa at magdedesisyon sa bawat pangyayari sa buhay ko. Sure, magkakaroon ng mga ganitong malungkot na pangyayari. I may have doubts about my decisions. Pero I'm sure, worth it ito, dahil ako mismo ang nagdesisyon nito.

Inayos ko na lamang ang sarili ko. Tinanggal ko ang natitirang bad vibes ng Joseph na 'yun. Bahala siya kung ganoon talaga siya. Mag-aaral na lang ako ng mabuti. Agad kong tinungo ang Principal's office para makuha ang section ko. 

---

Pagkadating ko sa classroom ng Section C, nagsisimula na sila ng lesson. Late ako. Eh ang tagal kasi nung Principal eh. Dami pang papers na pinapirmahan. Medyo kinabahan pa nga ako kasi parang nagdududa 'yung registrar sa papers ko. Halata bang galing Recto? Di naman ah. 

Lahat sila napatingin sa'kin nung buksan ko ang pinto. 

"Good morning Ma'am." bati ko sa teacher na tumigil sa pagtuturo. Agad niya akong tinignan. Inayos pa nga niya 'yung salamin niya para yata makita ako ng mas malinaw.

"Take a seat. Miss?" 

"Darcy Corrine Del Fuego po." sagot ko sa kanya. Muntik ko na masabing Demetria.

"Okay Corrine, by any chance, kilala ba kita?" tanong ng teacher ko. 

Oh God...

"Ma'am?" tanong ko sa kanya na kinakabahan. Nahalata niya ba? Nakikilala niya ba ako?!

"Oh nothing, kamukha mo kasi 'yung anak ko. You may take the seat beside Peter." at agad niya namang itinuro 'yung upuan na bakante sa tabi nung Peter daw.

Anak niya? Phew. Akala ko pa naman. Buti na lang. Hehe.

Tinanggal naman nung Peter 'yung bag niya doon sa upuan kasi nga uupo ako. Tinignan ko si Peter, gwapo siya. Pero ang taray ng mukha. Parang nairita nga siya nung tinanggal niya 'yung bag niya eh. Adik lang. Alangang paupuin niya 'yung bag at ako 'yung tumayo.

Napansin niya namang nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti ako at nagpakilala..

"Hi. I'm Corrine." at inextend ko ang kamay para makipag shake hands.

"And I'm not interested." at iniba na niya ang direksyon ng ulo niya. What? Tinarayan niya ba ako?

Nakarinig naman ako ng hagikgikan sa tabi. Mga babae. Kumpol ng mga babae. Hindi ako ignorante kaya alam kong ako 'yung tinawanan nila. Halatang... mga bitch sila. Sorry sa term pero ganoon 'yung palagay ko eh. 

Si Peter naman parang walang pakialam. Oh well. Note to self: wag kausapin si Peter kasi andropausal na siya.

Napatawa naman ako sa naisip ko.

"Baliw ka ba?" tanong ng katabi ko, si Peter.

"Excuse me?" narinig ko naman, pero di ako sigurado kung 'yun nga ang sinabi niya.

"Baliw na nga, bingi pa. 'Yung totoo, tao ka ba?" tanong niya. Nakataas pa ang kilay niya para sa taray effect niya. Grabe.

"Sorry. Hindi ko lang kasi narinig eh. Hindi po ako baliw, hindi rin po ako bingi." maintain your calmness Corrine. Itinuro sa'yo ng mentor mo na 'wag na 'wag papasok sa stupid arguments. Baka mapaaway ka pa. Ngitian ko pa siya. Pero 'yung hindi nakakaloko.

"'Wag mo nga akong kausapin. Di ako kumakausap sa tanga." sabay irap niya sa'kin.

Aba't---! Pigilan mo ang sarili mo Corrine. Pigilan mo. Pigilan mo sabi! Huminga ka ng malalim! Kung maaari pati si Peter singhutin mo na din! Langya! You're a princess. You're trained to deal with people with respect. Respect even if they don't respect you. 'Yan 'yung tinuro ng mentor mo sa'yo diba? 

Ano ba. Kinakausap ko na sarili ko. Argh. I must be crazy.

"Okay." I replied with a smile. Para naman siyang nagulat sa reaction ko.

"Kakaiba.. Tss." bulong niya pero narinig ko naman.

Ano naman kayang ibig sabihin niya noon? 

---

Si Corrine po nung siya ay nasa palasyo pa. Tignan niyo sa multimedia :)

Thank you sa pagbabasa~

Prodigal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon