CHAPTER 2

147K 3.3K 143
                                    

"Chlow, ang ganda-ganda mo talaga," hay! Here we go again. Bolahan time  with makulit na Liam.  Nasa bahay ako nila Evo ngayon. Ginagawa ang project sa Chemistry para sa gaganaping Science Fair.  Kasalukuyang ginagawa namin ang step by step procedure ng experiment namin. Kailangan talaga naming maperfect ito para hindi kami pumalpak sa araw ng fair. Isang Candy Molecules ang gagawin namin.  We have to create fun, colorful, and delicious molecule structures  out of candy, such as H2O and C02 molecules.  

"Bakit hindi ka gumagawa ng project, Liam?" I ask him.

"Tapos na siguro 'yon."

"Sino ba ang partner mo?"

"Si Caroline." Hmm! Now I know. For sure mag-isang ginagawa ni Caroline ang project.

"Nauto mo naman si Caroline," I say and smile.

"Ewan ko nga ba, Chlow, kung bakit ikaw lang ang dume-dead-ma sa 'kin ng ganito," mapanuri ko siyang tinignan. Parang bigla kasing sumeryuso ang boses niya.

"Because Chloe is too smart para magpauto lang sa'yo," si Evo ang sumagot na abala sa paggawa ng project namin. Liam just looked at him through the corner of his eyes at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Bakit nga ba Chloe, hindi mo ako mapansin? Gwapo naman ako ah, charming!" Patuloy ni Liam, at bumalik na ang sigla sa tinig nito. Ang kanyang malanding boses. Hehe!

"If I don't know you, I think,  napagbigyan na kita. But thanks God! Kasi kilang-kila ko ang isang Liam Montemayor. A man who has done nothing  but just play around." Muli kong ibinalik ang aking pansin sa aking ginagawa.

Hinawi  ni Liam ang hibla ng aking buhok na nakatakip sa aking kabilang pisngi. Sinabit nito sa likod ng aking tainga.

"I can change, Chlow," Aniya. Nagulat kaming parehas ng biglang kalampagin ni Evo ang wood center table kung saan kaming tatlo nakapaikot.

"Utang na loob Liam! Pwede bang umalis-alis ka nga muna. Paano namin 'to matatapos kung nanggugulo ka?!" Angil ni Evo kay Liam. Anong problema niya? Ngayon ko lang siya nakitang magsungit ng todo.

"Ang sungit naman ni manong," pagbibiro ni Liam na sinundan pa ng tawa. Kumuha si Liam ng cookies sa halip na umalis.

"Chlow, snack ka muna," pilit akong sinusubuan ni Liam. Tatanggi sana ako pero nagpa-cute ang loko! Napangiti na lang ako at kakagatin na sana ang cookie ng bigla naman agawin ni Evo at sinubo ng isang buo.

"Aalis ka o tatadyakan kita palabas!?" Pagbabanta ni Evo. Napailing na lang ako.

"Ang sungit mo! Kaya  hindi ka pa rin sinasagot ni Cheenie dahil ang seryoso at ang boring mo," sabi ni Liam.

"Paano siya sasagutin, e ang torpe naman," I joked and he looks at me. Gosh! Napikon ata, seryoso niya akong tinitigan.

"Biro lang po manong," I joked again. Me and Liam burst out laughing. Lalong sumama ang mukha niya.

"Joke lang Evo. Ikaw naman kasi ang seryoso mo masyado," I apologize. Hindi siya nag-salita at tinuon na lang ang sarili sa ginagawa.

"Alis na nga muna ako, Chlow, baka matadyakan ako ni manong," biro uli ni Liam at pailalim siyang tinignan ni Evo. Kaya mabilis na umalis si Liam. Nilingon ko sila Kelly na abala din sa ginagawa ng marinig kong pilit nitong pinapaalis si Dyllan.

"Doon, ka na muna Dyllan, tatapusin lang namin 'to," ani Kelly.  Nandito din si Rex at Agatha. Nakahilig si Agatha sa balikat ni Rex at si Dyllan naman ay panay ang amoy sa buhok ni Kelly habang nakaupo ang apat sa sahig.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now