Chapter 4

121K 2.9K 46
                                    

-Evo's POV-

"Cheenie, have you heard yourself? That was ridiculous! Bakit hindi na lang natin sabihin sa parents mo ang totoo?" sumasakit ang ulo ko sa pinapagawa ni Cheenie.

Nasa resort kami ngayon at ang gusto niya ay maging sweet kami ni Chloe dahil nakakahalata raw ang parents niya at mga pinsan. Her cousin caught Chloe and Junjie hugging each other a while ago. Nagpalusot na lang na may ginawa lang pabor si Chloe at nagpasalamat si Junjie kaya niyakap si Chloe.

"Evo naman! You have no idea kung ano ang pwedeng gawin ni dad and mom, once na malaman nila ito," ginagap ni Cheenie ang mga kamay ko at kinulong sa sariling mga kamay niya.

"Evo, siguradong ipapadala nila ako sa malayong lugar at ilalayo sa 'yo. O baka ipakasal ako kay Junjie. Ginawa na niya iyon kay ate. Noong malaman nilang may boyfriend si ate, kinabukasan din naganap ang kasalan sa lalaking hindi niya mahal. At ngayon, ate is an unhappily married woman," hinawakan niya ang mukha ko.

"Evo, please! Ayaw kong mangyari iyon sa 'kin. I love you so much and I don't wanna lose you. I'd rather die than lose you," napabuntong hininga ako at hinawakan ang mga kamay niya.

"Cheenie, hindi mo ba naisip kung ano ang mangyayari sa atin dahil ayaw sa 'kin ng parents mo. Pakiramdam ko wala—"

"No!" Cheenie interrupted.

"Sa ngayon kailangan kung sumunod. But in time. Kapag tapos na tayo sa studies natin. Ipaglalaban kita Evo. For now please, just do it for me," she begged desperately. Gan'on ba kalupit ang mga magulang niya para matakot siya ng ganito.

"Cheenie, kung sa 'kin kasi ayos lang. Pero si Chloe ang iniisip ko. Babae siya at mababastos siya sa ganun," ngumiti si Cheenie at bigla akong hinalikan sa labi ng mabilis.

"I'm so lucky to have you. Ang bait-bait at sobrang gentleman mo. Kakausapin ko si Chloe, hindi lang naman ito para sa atin. Para sa kanila naman 'to ni Junjie. Holding hands, akbay, 'yon lang naman e. Kapag nand'yan lang naman ang mga pinsan and sila mommy." Sabay kaming napalingon ni Cheenie ng may marinig kaming tumikhim.

"God Chloe! You scared me! Akala ko kung sino na," napahawak pa si Cheenie sa sariling dibdib. Umikot si Chloe at pumasok ng cottage. Open round cottage ito at paikot din ang upuang bato.

"Nasaan si Junjie?" tanong ni Cheenie.

"Kinakausap ng parents niya. Parang nakakahalata kasi. Parang mali ang idea na sumama pa kami dito," umupo si Chloe sa kabilang upuang bato.

"Chlow, can we talk?"

"Kung tungkol 'to sa pinag-usapan niyo, ayos lang naman sa 'kin. I'm sorry, I didn't mean to eavesdrop, hindi ko sinasadya," napangiti at kumapit sa 'kin si Cheenie sa braso.

"See, Evo, Okay lang kay Chloe. Kaming mga babae gagawin namin ang lahat para sa mahal na—" napatili si Cheenie nang bigla na lang siyang hilain ni Chloe na halos mapasubsob pa. Nagulat naman ako nang bigla na lang kamandong si Chloe sa 'kin. Kinawit pa niya ang isang braso sa batok ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang siya ay mukhang balisa na nakatingin sa kung saan.

"This is so ridiculous! Parang laging may babaril sa 'kin at kailangan alerto lagi," wika niya na nakapako pa rin ang mga mata sa bahaging likuran ko.

"Hi guys!" doon ako napalingon. Si Junjie at ang pinsan ni Cheenie'ng si Kristel. Umikot sila at pumasok ng cottage.

"Aaw! So sweet!" nakita ko kung paano mapatiim ng bagang si Junjie dahil sa itsura namin ni Chloe. Ako naman biglang na-tense. Tumayo si Chloe at umupo sa tabi ko. Mukha siyang nahihiya. Nataranta siguro siya kaya biglang napaupo sa 'kin.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now