Chapter 21

120K 2.9K 132
                                    



--CHLOE's  POV--


"LOLO, 'wag mo naman pong kawawain ang asawa ko!" Pakiusap ko kay lolo. Pagkatapos naming mag-almusal ay nagtungo kami sa likod bahay kasama si lolo, lola at tita. Pagsisibakin niya talaga ng kahoy ang asawa ko. May tatlong malalaking log, 'yong dalawa nasa gilid at ang isa naman ay nasa may ilalim ng puno ng mangga kung saan nakapuwesto na si Evo para magsibak.

"Hindi ko siya kinakawawa. Alam mo ba noong ako'y aakyat pa lamang ng ligaw sa iyong lola, hindi lang 'yan ang ginawa ko. Nagsalok ako ng tubig mula pa sa balon na nasa gitna ng kagubatan at pupunuin ko ang isang nakapalaking sementadong banyera. Dalawang linggo kong ginawa 'yon bago ako nakaakyat ng ligaw sa lola mo."

"Grabe naman 'yon! Masyado na po 'yong OA," reklmo ko. Nilingon ako ni lolo, nag-isang linya ang kilay niya. Binigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti.

"Go baby love! Kaya mo 'yan!" Sigaw ko na lang kay Evo, just to cheer him up. Hinubad ni Evo ang shirt niya at itinapon sa upuang kawayan na nakadikit sa puno ng mangga. Kinuha niya ang palakol, tumingin siya sa kung saan kami nakapuwesto. Kinindatan niya at kinikilig naman akong napangiti. Siniko ako tita na katabi kong nakaupo sa mahabang kahoy na upuan.

"Ang gwapo-gwapo ng asawa mo at ang bait-bait pa." Kinikilig din sabi ni tita.

"Mabuti na rin pa lang sa Maynila ka dinala ni ate, kung 'di baka maging katulad kita rito," bulong ni Tita Raquel. Wala kasing asawa si tita. Nang mabuntis kasi si mommy lalong naging mahigpit si lolo sa kanya. Dalawa lang na magkapatid si Tita Raquel at mommy.

"Wala bang tito 'yan si Evo?" tita suddenly asked that made me guffaw.

"Marami po siyang ninong at lahat guwapo pero 'yon nga lang taken na lahat." Tita sighed hopelessly. Napangiti na lang ako.

Hay! Hirap na hirap si Evo na biyakan ang malaking katawan ng punong kahoy. Tagaktak na agad ang pawis niya kahit nagsisimula pa lang siya. Tumayo ako at nagsalin ng tubig sa baso mula sa pitsel. Lumapit ako kay Evo.

"Water break," I said as I handed him the glass of water. Inisang lagok niya ang tubig na parang uhaw na uhaw. Kinuha ko ang baso mula sa kanya at pinunasan ko ang pawis niya sa mukha, sa leeg at sa dibdib ng face towel na nakasabit sa balikat ko. Nilingon ko ang kanaroroonan nila lolo at muling binalingan si Evo sabay halik sa labi ng mabilis na mabilis. Halatang nagulat si Evo sa ginawa ko.

"I hope it would help to diminish your tiredness."

"Hindi lang nabawasan, binigyan mo pa ako ng extra strength," he said and mildy shot me a mischievous wink, making my knees turned jell-o. Arggh!

"Stop winking at me!" Mahinang saway ko sa kanya.

"Why? Kinikilig ka 'no?" nakakaloko siyang ngumiti, inismiran ko siya saka tinalikuran. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso habang pabalik sa puwesto ko kanina. Sa baso ko ibinuhos ang kilig ko.

"Mababasag na ang baso. Itong batang 'to!" Puna ni lolo sa 'kin na ikinatawa ni Lola Mercides at tita. Muli akong umupo at pinanood si Evo na itinuloy na ang pagsisibak.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now