CHAPTER 6

120K 3K 82
                                    

Namention ko ba ang name ng mommy ni Chloe sa mga past chapters? Tinatamad kasi akong mag back read. Baka nagkamali ako ng name.. Pasabi na lang po kung mali ako. Thanks!!

-------


-Chloe's POV-


I CAN'T believe that I could do such a thing. I'm a disgrace. I'm ashamed of myself! I'm beginning to hate myself! Bakit ba kasi ako lumabas pa? Bakit pa ako uminom? Sana hindi nangyari 'yon. Ano pa ang mukhang maihaharap ko kay Junjie? Ni hindi ko siya magawang tignan nang ihatid niya ako. I cheated on him. Ang sama-sama ko. At si Cheenie! Oh my God!

I thought I was just dreaming, but when I woke up, I saw Evo lying beside me and we both naked.

Niyakap ko ang mga binti ko habang umiiyak. Nakaupo lang ako sa kama. Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto kahapon pagkahatid sa 'kin ni Junjie at ngayon ay hindi ako pumasok sa school. Parang ayaw ko nang pumasok. I heard three consecutive knocks on the door and it slowly opened. Nana Selia's head popped out on the opened door- our house helper.

"Chloe, nasa baba si Evo." Parang tinambol ang dibdib ko sa narinig ko. Anong ginagawa niya dito?

"Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ni Nana Selia.

"Please tell him na tulog ako or masama ang pakiramdam. Please, Nana Selia!"

Medyo nangunot ang noo ni Nana Selia dahil kahit kailan naman hindi ako nag-i-excuse sa tuwing pupunta si Evo dito. Sa halip ay nagmamadali akong labasin si Evo hindi pa man tapos magsalita si Nana Selia. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa mga tuhod ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto at muli na naman akong naiyak.

Mga ilang sandali lang ay muli kong narinig ang pagbukas ng pinto. Hindi ako nag-angat ng mukha. Naramdaman ko na lang ang paglubog ng kama sa may harapan ko. Doon ako napaangat ng mukha.

"Evo! Anong ginagawa mo dito?" Agad akong umayos ng pagkakaupo.

"Chloe, let's talk."

"Wala tayong pag-uusapan!" Tumayo ako at hinila ko siya palabas ng kwarto.

"Chloe, please! Kailangan natin pag-usapan ang nangyari." Binitawan ko ang braso niya at hinarap siya.

"Wala. Tayong. Dapat. pag-usapan!" I said firmly.

"There is, Chloe. May nangyari sa atin at hindi ko pwedeng baliwalain 'yon."

"Ano bang pwedeng gawin, Evo? Maibabalik ba natin ang pagkakamali natin? Kalimutan natin. Iyon ang pwede at pinakamagandang gawin."

"At hayaan kitang nagkakaganyan. Hayaan kitang umiiyak." This man is a really good person. At kasalanan ko ang lahat kung bakit nasira ang pagiging mabuti niya. Niloko niya ang girlfriend niyang hindi sinasadya.

"I'm okay. Kakalimutan ko ang nangyari, Evo." Humina ang tinig ko.

"I can't, Chloe. Kailangan natin pag-usapan. Siguro kailangan ko na rin makipaghiwalay kay Che-"

"NO!" Napasigaw na ako. He's crazy.

"You're crazy! At anong sasabihin mo? Na Cheenie, I'm sorry! Makikipag hiwalay na ako 'coz I cheated on you. I slept with Chloe! Nababaliw ka na Evo! Forget everything! Isipin mong walang nangyari!"

"What did you say!?" Parang tinulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni mommy.

"Anong sinabi mo, Chloe!?" Muling tanong ni mommy at sa boses pa lang niya ramdam ko na ang galit. Gulat na gulat din si Evo. I slowly turn to face my mom. Bakit ang aga niyang umuwi.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Onde histórias criam vida. Descubra agora