Chapter 9- Sukob na

129K 3K 70
                                    

ANG sarap nang tulog ko. Unti-unti akong dumilat at tumihaya ng higa. I stretched my arms.

"Good morning wifey," natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Evo. Marahan kong ibinaba ang kamay ko habang paulit-ulit ako nang napapalunok.

Sa kwarto nga pala niya ako natulog kagabi. Bakit ba naisip kong mauuna akong magigising sa kanya. Hay! Pambihira naman, nakakahiya. Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa gawi niya. Again, I gulp repeatedly. Kakalabas lang niya mula banyo and he almost naked. He was shirtless-only had a small white towel tied loosely around his waist. Basa pa ang katawan niya at dumadaloy ang mga butil ng tubig sa katawan niya pababa hanggang sa mawala ang mga iyon kapag in-absorb na ng puting twalya.

Did I mention before that he has broad shoulders, chiseled chest and impressive stomach. He's only eighteen- okay, malapit ng mag-nineteen. Pero taglay na niya ang katawan ng isang mid-twenties age. Ang tangkad niya kasi.

"Masarap ba tulog mo?" para akong binatukan ng marinig ko uli ang boses niya at umangat ang mata ko sa mukha niya. Pilyo ang mga ngiti niya na ngayon ko lang nakita sa isang Evo Aragon. Nakakahiya, masyado 'yata akong nag-focus sa pagtitig sa katawan niya.

"Hey!" he snapped his fingers in front of my face. Nakalapit na pala siya sa 'kin. Mabilis akong bumangon at umupo sa gilid ng kama sa kabilang gilid patalikod sa kanya. Ano bang nangyayari sa 'kin.

"Sorry, Evo, kasi.. um.. ano e-"

"It's okay, Chlow. Kung ako naman kasi ang tatanungin mo mas gusto ko namang magkatabi tayong matulog. Mag-asawa na naman tayo diba?" I turned back to look at him pero muli akong nag-iwas ng tingin nang makita kong papalapit na siya sa 'kin.

"Evo, alam mo naman kung ano tayo. Mag-bihis ka nga muna, maliligo na rin ako," naiilang talaga ako sa itsura niya.

Iyong cellphone ko nga pala, baka tumawag si mommy. Nilingon ko ang likuran ko para kunin ang cellphone. Inalis ko ang kumot. Oh no! Agad kung kinuha ang cellphone. Nabasag ang screen. Nakatulugan ko palang hawak ko kagabi. Kainis naman!

"What happened?" Evo asked. Kinuha niya ang cellphone sa kamay ko. Umuklo siya para medyo pumantay sa 'kin.

"Palitan na lang natin. Mamaya pagkatapos ng klase natin alis tayong dalawa," hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa mukha niya at bigla ay sumeryos ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin. Marahang umangat ang kamay niya hinawakan niya ang baba ko at marahang inangat ang mukha ko nang bahagya kong iyuko ang ulo ko.

"Kahit bagong gising ka ang ganda-ganda mo pa rin," halos pabulong niyang wika at marahan niyang dinama ang baba ko ng thumb finger niya.

Nahigit ko ang hininga ko. Parang may kiliting hatid ang haplos niyang 'yon sa buo kong katawan. Ang bango-bango niya sobra, tagos pa siyang tumitig na talagang mangangailangan ka ng oxygen. Binitawan niya ako bigla at biglang umayos ng tayo. Napahaplos siya sa batok niya at tumalikod sa 'kin.

"Mag-aayos na rin ako," tumayo ako at mabilis na lumabas ng kwarto niya at tumuloy ako sa silid ko. Napasandal ako sa dahon ng pinto at marahan kung hinaplos ang baba ko. Nararamdaman ko pa rin ang haplos niya sa baba ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Chloe stop it! Hindi tama! 'Wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo. You can't.. ugh!" I shook my head to snap myself out of it.

Pagkatapos kung maligo at magbihis ay nagtungo ako sa kitchen to prepare some breakfast- just an oatmeal.

"Para kanino 'yan, anak?" Nana Selia asked me.

"Para po sa asawa ko," I replied with a smile. Hawak ko ang isang bowl ng oatmeal na may strawberry. I turned back to exit the kitchen but I almost gasped when I saw Evo in front of me with a big smile.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Kde žijí příběhy. Začni objevovat