Chapter 31

104K 2.8K 219
                                    

—CHLOE's POV—

HINDI ko 'to dapat ginagawa pero hindi ko mapigilan. Gusto kong malaman kung nagsasabi ng totoo si Evo sa 'kin. Ang sabi niya kahapon pupunta siya sa office ng daddy at mommy niya pero tumawag sa 'kin si mommy at tinatanong sa 'kin si Evo. Nang sabihin kong pumunta si Evo sa office wala naman raw roon. Pero sinabi ni mommy baka nasa office ni Tito Brian dahil wala naman daw sa office ni daddy.

Pero iba talaga ang kutob ko lalo na kanina nang makausap ko ang kaibigan ni Caroline na si Vicky.

"Alam mo ba ang ginagawa ng asawa mo, Chloe? Oh, I'm sorry.. please sana 'wag kang magsumbong sa kanya, baka kasi mamaya makick-out din ako katulad ng ginawa kay Caroline. I'm just concern about you." Napakunot-noo ako, agad kong nakuha na mukhang siya ang nagpadala ng picture sa 'kin.

"Ikaw ba ang nagpadala ng photograph nila?"

"No, si Caroline. We accidently saw them at the romantic spot somewhere in Makati and Caroline took a picture."

"It doesn't matter. May pinag-usapan lang sila." I said, but my heart pounding hard.

"I saw him yesterday sa isang restaurant malapit sa village nila Cheenie. My boyfriend live in summer village too. Alam mo 'yon?" My palms balled. Parang libo-libong karayom ang tumusok sa puso ko. Pero kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako nagtitiwala sa iba. Dapat kay Evo lang.

"Manong, please keep your eyes on the car. 'Wag mong hayaan mawala sa paningin mo." Sabi ko sa driver ng taxi na sinakyan ko.

"Sige, miss."

Nagpaalam si Evo sa 'kin na pupunta siya ng office. Ang sabi niya sabay na lang ako sa grupo. Sasaglit lang daw siya. Hindi ko mapigilang hindi siya sundan.

Napaawang ang labi ko nang makita kong papasok ang sasakyan ni Evo sa village kung saan nakatira sina Junjie at Cheenie.

"Miss, susunod pa ba tayo?"

"Yes, just go." Nang nasa tapat na kami ng guard house ay agad kong ibinaba ang salaming bintana ng sasakyan.

"Kasama po ako ng naunang sasakyan. Evo Aragon." Sabi ko sa guard.

"Ay gan'on po ba, sige po, ma'am, pasok na kayo." Agad kung sinabi kay manong na sundan uli ang sasakyan ni Evo. Pigil ang hininga ko. I squeezed my own hands. My heartbeat doesn't normal anymore. Parang lalabas na iyon sa dibidb ko sa sobrang pagkabog.

"Manong ihinto mo." Agad namang inihimpil ni manong ang sasakyan sa tabi ng daan hindi kalayuan sa sasakyan ni Evo na huminto sa isang malaking bahay. Hindi pa ako nakakarating sa bahay ni Cheenie kaya hindi ako sure kung bahay nga nila ito. God sana hindi. Please please please!! Napahawak ako sa pisngi ko sa biglang pagtulo ng luha ko. I took a deep breath to calm myself but it's useless. Hindi iyon nakabawas sa nararamdaman ko.

Napangiwi ako nang maramdaman kong parang nagtwist ang tiyan ko. It's painful. Hinaplos ko ang tiyan ko.

"Sorry, baby, if mommy makes you stress. Sandali lang 'to, promise."

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now