Chapter 11 - Baby love

127K 3.1K 133
                                    

--Chloe's POV--


"Parang lalong lumaki ang katawan mo, Evo. Kailangan ko na rin talaga sigurong mabinyagan 'no? Malaking bagay talaga kapag hindi na virgin." Lahat ng mata natuon kay Enzo na ngayon ay abala sa pagkain. Nasa cafeteria kami para sa lunchbreak.

Umangat ito ng ulo at inikot ang paningin sa aming lahat na talagang natigilan sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo, Enzo? Wala pang nangyayari sa amin ni Evo 'no?" Depensa ni Cheenie.

"Oh no! Don't tell me, Evo, you..." Cheenie couldn't finish her sentence. Para namang kumabog nang todo ang dibdib ko.

"Hehe! Akala ko kasi ginawa niyo na. Sorry!" Bawi ni Enzo na mukhang tangang ngingisi-ngisi pa.

"Alam mo ikaw! Manang-mana ka talaga sa pinsan mo nang kadaldalan." Sinubuan ni Yuan si Enzo ng lumpia at sapilitang isinalaksak sa bibig nito ang buong lumpia.

"Ayan para manahimik ka! Kung kailan nanahimik si Liam, ikaw naman ang pumalit."

Tinabig ni Enzo ang kamay ni Yuan.
"Putang ina naman, Yuan!" A crunchy curse came out of Enzo's mouth.

"Pasaway ka talaga, Enzo. Akala ko talagang may ginawa ng milagro si Evo eh," said Cheenie and chuckled.

Nagkatinginan kami ni Evo na kaharap ko sa upuan. Katabi ko si Junjie at Kelly at nasa kabilang bahagi naman si Cheenie at Evo katabi si Yuan at Enzo.

Napayuko na lang ako dahil Nakakakonsensya talaga at naaawa ako kay Cheenie. Nagkausap rin kami kanina nang sarilinan habang nakaupo sa bench.

"Bakit pinaabot mo pa na magpanggap kami ni Evo kung may paraan naman palang pumayag ang parents mo?" Tanong ko kay Cheenie.

"Ewan ko ba Chloe, alam mo n'ong pagbawalan ako na makipagkita kay Evo, at hindi na nila ako papasukin pa. Nagwala talaga ako, hindi ako kumain kahit nanghihina na ako. Hindi ko rin akalain na magagawa ko 'yon, na may gan'ong ugali pala akong nakatago." Kwento niya.

"At nang malaman kong dadalhin nila ako sa China, at hindi ko na makikita si Evo. Ayon, sumabog na lang ako bigla." Pagtatapos niya sa kwento niya. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Mahal na mahal ko si Evo, at masaya ako na siya ang una kong minahal dahil alam kong hindi niya ako sasaktan." Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya.

"Ikaw, Chloe, 'wag kang susuko kahit anong mangyari. Siguradong ipaglalaban ka rin ni Junjie sa magulang niya." Obviously, tanggap na si Evo, pero hindi ako. Well, I don't care rin naman kung hindi nila ako gusto. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko mga taong hindi ako gusto.

Sino ba naman ang hindi kakainin ng konsensiya sa mga nangyayari. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"CR lang ako," sabi ko kay Junjie nang mapansin kong nakatingin siya sa 'kin.

Nagtungo ako sa CR at humarap sa malaking salamin na nandoon. Pinagmasdan ko ang sarili ko.

"Kailan kaya ako magiging masaya?" usal ko. Mula pagkabata ko pa lang may burdens na ako sa buhay hanggang ngayon meron pa rin at mas lalong lumala.

Bigla na lang bumukas ang pinto at laking gulat ko nang mapagsino ko ang pumasok.

"Evo, anong ginagawa mo dito?!" Nanlalaking matang tanong ko.

May narinig akong boses ng mga babaeng mukhang papasok na CR. Mabilis kong hinila si Evo sa loob ng cubicle.

"Anong bang ginagawa mo dito?" Pigil na pigil ang boses ko. Sasagot sana si Evo pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya ng kamay ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now