Chapter 27

104K 3K 128
                                    

Hindi ko na po na-edit to. Sa CP lang ako gumawa. Write and update na agad.

-CHLOE's POV-

Evo took my hand, intertwining our fingers. He brought my hand up into his mouth and planted a tender kiss at the back of my hand.

"Stop worrying, okay?" He said.

Kinakabahan ako sa unang pasukan sa school. Natatakot ako sa mga mapanghusgang tao.

Bumababa si Evo ng sasakyan at umikot sa gawi ko saka ako pinagbuksan. Kinuha niya ang gamit ko. Muli niyang kinuha ang kamay ko hustong makababa ako at muling pinagkawing ang mga daliri namin at nagsimula kaming maglakad.

Nang marating namin ang hallway ng building kung saan ang magiging classroom ko ay napayuko ako. Hindi ko kinakakaya ang mga mapanghusgang titig ng mga taong nadadaanan namin. Naramdaman kong pinisil ni Evo ang kamay ko.

"Here's your classroom." Umangat ako ng mukha at parang gusto kong maiyak.

"Hey." Agad na sinapo ni Evo ang mukha ko gamit ang isang kamay. Doon ay tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Bakit ba kasi hindi kami classmate eh. Pakiramdam ko I-bu-bully nila ako.

"I'm sorry, ang hina-hina ng loob ko." I wiped my tears with the back of my palm but my chin and lips kept wiggling, trying to fight back a tear.

"Mamaya naman sa next subject classmate na tayo, 'di ba? And don't worry, aayusin ko agad ito para maging classmate tayo sa lahat ng subjects. 'Wag ka nang umiyak. Or if you want naman, I'll sit with you na lang muna."

"No! I'll be fine." Tutol ko.

Para akong bata, nakakainis. Hindi naman ako nagkaganito nung kindergarten ako tapos ngayong college na ako saka pa ako mag-iinarte.

"Papasok na ako. Pumasok ka na rin," I dismissed him.

"Susunduin kita after my class, okay?" Tumango ako.

Hinalikan niya ako sa noo. Kinuha ko ang gamit ko sa kanya saka nagpaalam. As I entered the room everyone's gaze flew over me, giving me such a judgmental look. Naghanap ako ng seat. Pinili ko ang nasa pinakagilid sa my bintana sa may bandang gitna. Doon kasi wala pang nakaupo.

Maya-maya lang ay nagsipasukan na ang iba pa.

"Such a slut," I heard someone uttered. Sinulyapan ko ang babae through the corner of my eyes. She sat next to me and I saw how she glared at me. Dalawa silang umupo sa tabi ko. I snapped my head to the window, avoiding them.

"Aww!" Muli akong napatingin sa katabi ko na tila nasaktan.

Ang upuan niya ay nausog sa unahan na parang may sumipa. Lumingon ang babae sa likod niya. Ang iritasyon sa mukha nito ay napalitan ng takot. My curiosity raised so I turned at my back, only to see Liam who's sitting behind me as he darted the girl a death glare.

Liam folded his arms behind him and rested his head against on it. Ipinikit niya ang mata niya at hindi man lang ako tinapunan ng sulyap.

"Gaga ka kasi. Liam came early in the morning and he warned us. Malalagot raw ang sino man ang magsasabing hindi maganda tungkol kay Chloe. So you better to zip your mouth if you don't want to kick out in this school." Bulong ng isang babae sa katabi kong babae.

I couldn't contain a small smile on my lips. He still cares for me. Medyo napayapa ang loob ko dahil nandito siya. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita at totoong namiss ko siya. Sana lang ay hindi ko na lang siya pinilit na ipaglaban ang nararamdaman niya para sa mahal niya na ako pala. Sana hindi nagulo ang lahat. Sana mabalik ang pagkakaibigan namin, lalo na nila ni Evo.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now