CHAPTER 5

123K 3.1K 95
                                    

-Chloe's POV-

"So, paano nag-start ang love story niyo?" Yin asked us, rubbing her chin with the tip of her index finger.

Kanina pa naka-krus ang daliri ko at taimtim na nagdarasal na sana ay 'wag samin ni Evo matapat ang bote. We currently play spin the bottle at the seashore. Gumawa din sila ng bonfire.  At ngayon nga ay natapat sa 'kin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala naman kaming love story ni Evo. Parang gusto ko nang tumayo at tumakbo na lang.

I opened my mouth to say something but it close again.

"Love at first sight," Evo catches me.

"When I first saw her nagkagusto na ako sa kanya," he looks at me.

"Three years ago, nung bagong lipat sila sa village namin. My mind uttered, she's the most beautiful girl I've ever seen." Napangiti at napailing ako.

Siguro kung hindi ko alam na palabas lang ang lahat ng 'to. Kikiligin ako. Convincing, but that scene was happened naman talaga. Natatandaan ko pa ang una naming pagkikita. Nag-ba-bike siya no'n, tapos huminto siya sa tapat ng bahay namin na parang nakikiusyoso. Ngumiti siya sa 'kin at kumaway. I slightly smiled back at him. Dumating naman ang grupo no'n-- sila Liam.

"Chloe, get inside!" My mom  called me and I followed her.

"Bye, Chloe!" I heard someone. So, I turned to look  at the person who's mentioning my name. I saw Liam and Evo waved at me. Pero hindi ko alam kung sino ang tumawag sa 'kin..

"Aw! Love at first sight is real!" Parang kinikilig na sabi ng isang pinsan ni Junjie. Ito ang pinakabata sa lahat. She's Lien.

Again, Yin spinned the bottle and it pointed to Evo. Evo let out an audible sigh.

"Okay, truth or dare?" Yin asked.

"Dare," mabilis na sagot ni Evo. Maybe he chose it para makaiwas sa mga maaari pang itanong tungkol sa amin. Yin's lips form into a playful grin as if something naughty thoughts  running in her mind.

"Okay. You have to this. But don't worry, this is just a simple thing that every couple does." Napalunok ako sa sinabi ni Yin. Oh no! May ipapagawa kaya sa amin ni Evo.

"Kiss, Chloe, on her lips," Yin declared. Halos kaming apat ay na-shock sa sinabi niya.

"Yin! Pwede ba? Bakit ganun ang pinapagawa mo!?" Angil ni Junjie. Hindi na nito na itago ang inis na nararamdaman.

"Oh c'mon! They're couple. Natural lang 'yon! Unless hindi talaga sila mag boyfriend?" Tumaas ang isang kilay nito.

Tumingin ako kay Junjie at Cheenie na kasalukuyang magkatabing nakaupo. Kami naman ni Evo nasa tapat nila habang pabilog kaming nakaupo sa buhanginan. Tatlong babae at dalawang lalaking relatives nila Junjie at Cheenie ang kasama namin. Including Junjie's sister--  Yin.

Evo looked at Cheenie. I could tell by the way  Evo glanced at Cheenie that there was a hidden message. I have no idea what it is but it seems, Evo's  asking Cheenie to do something but Cheenie didn't react.

"So, hindi nga kayo--" hindi na natapos ang sasabihin ni Yin at nagulat naman ako sa ginawa ni Evo. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.

Nilapit niya ang mukha sa 'kin hanggang sa maramdaman ko ang pagdikit ng ilong niya sa ilong ko. Tumingin siya sa mata ko.

"I'm sorry, Chlow," bulong niya. Amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya. At muli ay bumababa ang tingin niya na para bang titinignan ang labi ko, hindi ko sigurado.
My heart is beating so fast inside my chest.

Your Boyfriend is My Husband (LEGACY#2) #Wattys2016Where stories live. Discover now