DTC-ALC: Kabanata 5

58.7K 1.6K 167
                                    

DTC-ALC: Kabanata 5

Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya ang lahat ng iyon. Muli siyang tumayo at akmang lalabas ng kwarto ko pero hinila ko siya sa braso niya at niyakap ng sobrang higpit!

Wala sa sariling tumulo ang luha ko, pero di ko pinarinig sa kanya ang nagbabantang paghikbi ko. Tumungo ako sa balikat niya at mas lalo kong dinama ang pakiramdam na nakakulong sa yakap ng babaeng kinababaliwan ko noon pa man.

"Let me go." Matigas na pahayag niya na di ko naman pinakinggan.

Alam kong mababaw na dahilan nanaman ang pag aaway naming dalawa. But bullshit, big deal sa akin kung sino ang pipiliin niya. Big deal yon sa nararamdaman ko para sa kanya.

Nang maramdaman kong makakawala na siya sa mga yakap ko ay marahan kong pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Isang mahigpit na pagyakap pa ang binigay ko sa kanya. "Alright, Cash Rylie will be your escort. But, I'll be taking your last dance. Please. Kahit yun nalang." Pakiusap ko sa kanya, saka pinakawalan ko na siya. Hindi ko makuhang tignan ang mga mata niya, dahil alam kong kapag tumingin ako hindi ko mapipigilang isigaw sa kanya ang nararamdaman ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad dinaluhan ni Mama si Al.

__

Malakas ang alon sa dagat habang nakaupo ako sa pampang at tinutungga ko ang alak.

"Tayong dalawa nanaman ang magkasama. Buti ka pa di mo ako iniiwan." Ngisi ko patukoy sa alak at muling tumungga doon.

Hirap huminga, higit sa lahat hirap magpigil sa damdaming mayroon ako.

"Ang tanga mo, muntikan ka nang magpadala at umamin." Para akong baliw na kinakausap ang sarili habang titig na titig sa bote ng alak na madalas kong kasama kapag ganitong pagkakataon.

"Althea Lauren Cortezano. Gamit mo nga ang apelyido ko, pero di naman kita asawa." Ngisi ko at inubos ang laman ng isang bote.

"Kung hindi ko ba naiwan sa Manila ang cellphone ko nung araw na yon, ganito pa rin ba katindi ang galit mo sa akin? Hindi siguro, siguro ay inaamo amo mo pa rin ako para maging isang mabuting kapatid mo. Pero, kahit kailan hindi ako papayag na maging isang kapatid lang sa buhay mo." Bulong ko, naalala ko nalang bigla ang huling pag aaway namin na naging dahilan para magpasiya siyang umalis sa bahay.

Hindi ko sinasadiyang magbitaw ng mga salitang masasakit dahil sa sobrang pag aalala. Damn.

"Bro." Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Axel. Umupo siya sa tabi ko at binigyan pa ako ng isa pang bote ng alak kahit pa nakita na niya ang case sa tabi ko.

"Kanina ka pa diyan?" Baliwalang tanong ko at tinungga ang inabot niyang alak.

"Kakarating ko lang." Aniya.

College kami nagkakila-kilala ni Axel at Rylie. Sa Manila na yon, pero nag elementary at high school kami ni Al dito sa Zambales.

Madalas kong isama ang barkada dito. At may dalawang villa kalapit ng bahay namin na pinatayo nila Dad para sa mga bisita kung saan nandoon ngayon sa isang villa si Kate at Ry.

"Sabi ni Tita, madalas daw talaga kayong mag away ni Althea." Simula niya na hindi ko na binigyang pansin pa.

"I feel you, bro. Ganun din ako sa kapatid ko nung nag debut siya. Gusto ko ako ang escort, pero anong laban ko sa boyfriend ng kapatid ko diba? Mukhang tinamaan yata yung kapatid mo kay Ry." Biro niya na nagpabaling sa akin sa kanya, tumawa siya at tumungga ng alak. "Kidding, bro." Bawi niya.

"So, sa susunod na araw na kaagad ang debut niya. Pero, naalala ko lang, laban mo yun ng surfing sa Baler ah." Paalala niya, hindi ko naman nakakalimutan yon dahil importante ang laban na yon. Pwedeng yon ang maging stepping stone ko patungo sa susunod na tournament sa Superbank, Gold Coast, Australia. Kung tutuusin kaya kong pumunta don at mag-direct register sa competition, pero mas gusto kong pinag hihirapan ang mga bagay bagay.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon