ALC: Kabanata 23

34.1K 1K 96
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALC: Kabanata 23

Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin ngayon, kusang pumikit sa kawalan ang dalawang mata ko at ang labi ko ay marahan na sinundan ang mainit at masarap na halik niya. Halos mabitawan ko siya dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin pero mabilis niyang hinawakan ang isang siko ko at ang isang kamay naman niya ay humapit sa bewang ko upang alalayan ako sa pang hihina ko. Marahan niyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa pero hanggang ngayon ay nanlalambot ako sa sensasyong naging hatid ng halik na iyon. Alam kong nahalikan na niya ako noon sa labi ko ng dalawang segundo, pero ngayon ay iba. Ito ang tunay na halik na naranasan ko sa buong buhay ko.

"I love you, Al..." Kitang kita ko ang sensiridad sa kanyang mga mata, imbis na sagutin ko siya ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng nararamdaman namin ngayon para sa isa't isa.

"Ty..." Tawag ko sa kanya ngayong nakahiga kami dito sa kama ko, nakapatong ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib niya habang yakap yakap niya ako at hinahaplos haplos niya ang buhok ko.

"Hm?" Sagot niya sa akin, huminga ako ng malalim at nagtaas ako ng tingin sa kanya. Para sa akin ay napaka perpekto ng kanyang mukha, kaya naman walang duda na maraming nagkakagusto sa kanya.

"Sila Mama..." Simula ko, nanatili akong nakatitig sa kanya. Naramdaman ko bigla ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso.

"Ayokong talikuran mo sila para sa akin." Mahinahon na sabi ko sa kanya, ipinikit niya ang kanyang mata sandali pero muli niyang pinagtagpo ang tingin naming dalawa. "Naniniwala akong mahal mo ako, pero hindi sapat na dahilan iyon para sabihin mo sa akin na handa mong talikuran silang lahat." Paliwanag ko sa kanya.

"Mawawala ka sa akin, Al." Ramdam ko ang takot sa boses niya, lumunok ako at hinawakan ko ang isang kamay niya saka pinisil iyon. Napansin ko ang pagtindig ng balahibo niya dahil sa ginawa ko, hindi ko alam na ganoon kalakas ang epekto ko sa kanya.

"Hindi ako mawawala sayo, kagaya ng palagi mong sinasabi sa akin mula noon. Lalaban ka, ganun din ako. Handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Pero, hindi ko sila kayang talikuran. Siguro, sa una ay hindi nila matatanggap ito, pero naniniwala ako na pagbibigyan nila tayo kapag nakita nila na talagang mahal natin ang isa't isa." Litanya ko na nagpabasa sa gilid ng mata niya, namula iyon at napaawang ang bibig ko nang tumulo ang luha doon. Mabilis niyang pinunasan iyon.

"We both know, na hindi biro ang pinagdaanan ni Mama para sayo." Paalala ko sa kanya na mas lalong nagpaluha sa mga mata niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit na naging dahilan para tumungo ako sa dibdib niya. 

"I know, I'm sorry, masyado akong nagpapadalos dalos pagdating sayo." Namamaos na ang boses niya at alam kong pinipigilan niya ang kanyang paghikbi. "Nahihirapan lang kasi ako, sa katotohanang hindi dapat kita minamahal ng ganito. Ayokong mawala ka at the same time ayoko ring mawala sila." Pag amin niya sa akin na siyang kumurot sa puso ko.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon