ALC: Kabanata 6

54.8K 1.5K 131
                                    



ALC: Kabanata 6

Nang kinaumagahan dahan dahan pa akong maglakad dahil sa takot na baka marinig ako ni Kuya na ngayon ay nakatungo doon sa gilid ng kama. Hindi na nga ako kumain kagabi dahil hindi rin siya umalis sa tabi ko hanggang sa doon na siya makatulog, ayoko naman siyang kausapin o harapin matapos ang mga nalaman ko.

Pero bigo ako dahil nagising siya at napahinto ako sa paglalakad nang magsalita siya. "How are you feeling?" Namamaos ang kanyang boses dahil bagong gising pa lamang siya, kinagat ko ang ibabang labi ko at ibinagsak ko ang balikat ko nang marinig kong naglakad siya papalapit sa akin.

Halos magtayuan ang balahibo ko nang hawakan niya ako sa balikat ko at hinarap sa kanya saka hinawakan ang noo ko. Laking pasasalamat ko na lamang dahil matangkad si Kuya at dibdib lang niya ang kapantay ng mga mata ko, hindi ko pipiliting matitigan siya dahil baka hindi kayanin ng takot kong pagkatao dahil sa mga narinig ko kagabi.

"Are you feeling better now? May masakit pa ba sayo?" Sunod sunod na tanong niya gamit ang nag aalalang boses habang nakalapat pa rin ang kanyang palad sa aking noo , mabilis kong hinawi iyon at tinalikuran siya!

"O..okay lang ako!" Sabi ko at nagmadali na akong lumabas ng kwarto ko. Pero narinig kong sumunod pa rin siya sa akin.

Hinila niya ako sa braso ko. "Al, I'm sorry. Sorry kagabi, di ko sinasadiya. Nag alala lang ako sayo dahil gabing gabi na." Paumanhin niya at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang malamlam na pagtitig niya, hindi ko na alam kung paano pa ako aasta sa harapan niya gayong parang alam ko na kung anong dahilan ng ikinagagalit niya sa akin kagabi.

Alam kong imposible, pero bakit nakakaramdam ako ng takot? Bakit sa ikinilos at mga sinabi niya ay takot na takot ako.

"Are you sure?" Mangiyak ngiyak ang boses ni Mama nang itanong sa akin iyon, buo na ang pasya ko, pupunta ako ng Japan kung saan noon pa ako pinagbabakasyon ni Lola doon, Mama ni Daddy.

Tumango ako. "G..gusto ko po munang uniwas sa away namin ni Kuya, nakakapagod na rin pala Ma." Pagsisinungaling ko gayong ang nararamdaman ng puso ko ay puro takot.

Hinaplos ni Dad ang buhok ko, "Alright, mabuti na rin siguro na kahit tatlong buwan ay lumayo ka sa Kuya mo para naman maisip niya na mali ang pagtrato niya sayo." Suhestiyon ni Dad, tumango ako at lumunok ng sunod sunod.

"Mamaya ipapa-book kita ng flight sa secretary ko." Ani Dad, bumaling ako sa kanya at nakakahiya man ang hihilingin ko ay nilakasan ko na ang loob ko.

"Sana Dad kahit bukas na kaagad ang flight, gusto ko na talagang umalis." Sabi ko, kita ko ang pag aalala kay Mama.

Kung hindi ako lalayo, kailan pa? Siguro sa tatlong buwan na ititigil ko sa Japan ay maiisip ni Kuya na mali yung mga ginawa at sinabi niya nung gabing iyon.

Nang makarating na ako sa Japan ay nabalitaan ko kela Mama na panay ang pagdadala ni Kuya ng mga babae doon sa isang villa namin na madalas pag away nila ni Dad. Na sa tingin ko ay mas tama naman para tuluyan nang liparin ang damdaming palihim niyang sinabi sa akin.

Sa tingin ko naman ay hindi siya mahihirapang magkaroon ng nobya dahil kung tutuusin ay maraming naghahabol sa kanyang mga babae na hindi naman niya pinapansin noon. Marami siyang kaibigan oo, at puro babae yon, masyado kasing gentleman si Kuya na kahit magaan na bagay ay tutulungan niya ito na nagiging dahilan para mahulog sa kanya ang mga ito, pero sa akin ay hindi siya ganon, kahit makita niya pang nahihirapan ako ay hindi niya ako tutulungan.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon