ALC: Kabanata 18

51.1K 1.6K 271
                                    


ALC: Kabanata 18

From: Althea

Happy birthday, Kuya! Kahit na hindi mo pinansin yung binake kong cake for you, okay lang. Merry Christmas na rin. I love you, Kuya!

Napalunok ako nang mabasa ko ang isa sa mga text message ko sa lumang cellphone ni Tyler. Pinaglipasan na ng panahon ang ilang text messages ko doon at masasabi kong isa iyon sa nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Alam kong noon ay baliwala lang ang mga text kong iyon para sa akin, pero ngayong nababasa ko ang mga ito ay tumataas ang balahibo sa batok ko dahil alam kong ang bawat pagbigkas ko ng salitang mahal ko siya bilang kapatid noon ay iba na ngayon.

Inilipat ko ang tingin ko doon sa papel na may sulat kamay niya.

- Sa bahay. Zambales. Tonight. 9pm.

Mariin at matigas ang pagkakasulat niya sa bawat letra ng mga salitang iyon. Nanunuyo ang lalamunan ko at kasabay non ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko.

Tinignan ko ang oras at napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita kong lagpas alas nuebe na ng gabi. Nawala ako sa pag iisip nang sumilip si Reah doon sa pintuan ng opisina ko.

"Ma'am, una na po ako?" Paalam niya sa akin, kumunot ang noo ko at pinilit kong ayusin ang boses ko. "Five o'clock ang out mo hindi ba? Bakit ngayon ka lang lalabas?" Usisa ko sa kanya.

Umayos siya ng tayo at kita ko kung paano niya pisilin ang sariling kamay niya na mukhang hindi mapakali. "Ah, eh kasi po Ma'am, sinabihan po ako ni Mr.Cortezano na h'wag umuwi hangga't hindi kayo lumalabas ng opisina niyo." Aniya na nagpaawang sa bibig ko.

"W-what?"

"Eh tinatawagan na po ako sa bahay namin dahil birthday ng Mama ko." Kagat labing aniya. Nasapo ko ang noo ko at mariin kong ipinikit ang aking mata.

"Go home, Reah. Sigurado akong nag aalala na ang Mama mo." Sambit ko, nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya at magkakasunod na pasasalamat ang sinabi niya bago siya tuluyang umalis ng opisina ko.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako nagpasiyang bumaba na rin at maghintay ng taxi pauwi. Mahigpit ang hawak ko sa lumang cellphone ni Tyler, hindi ko kasi maiwasang isipin kung nandoon pa ba siya sa Zambales?

"Hangga't kaya, pipigilan." Bulong ko sa sarili at kinagat ang ibabang labi.

Hindi ko masisikmurang sirain ang pamilyang nakagisnan ko na noon pa man. Hindi ko makakayang masira ang isang pamilyang pinagkaloob sa akin ng Diyos dahil lamang sa umuusbong damdaming nararamdaman ko ngayon para kay Tyler.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nakasakay na ako ng taxi at sinabi ko ang daan pauwi sa condo unit ko.

Nasa kamay ko pa rin ang cellphone at papel na iniwan niya kanina sa mesa ko at tuwing mapapatingin ako sa wrist watch ko ay hindi ako makapakali. Lumunok ako at hindi napigilang sabihin sa taxi driver na.

"Manong, sa Zambales po tayo." Kinakabahang sambit ko.

"Po?!"

"Manong please, iliko mo papuntang Zambales. Ako na ang bahala. Kahit magkano babayaran ko po, basta sa pinaka madaling daan papuntang Zambales." Pakiusap ko at mariin kong ipinikit ang aking mata kasabay ng paglukot ko sa papel na hawak ko.

Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon na gagawin ko. Tanaw ko na siya sa pampang ng beach na ngayon ay nakatalikod sa akin. Ang bilis bilis ng kabog ng puso ko at alam kong kahit anong oras ay sasabog ang damdamin ko para sa kanya, para sa lalaking natutunan kong mahalin sa matagal na panahon.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon