ALC: Kabanata 38

37K 1K 101
                                    

Dedicated ito kay @Mglenj  thank you so much sa pagbabasa ng mga stories ko. Natuwa ako kasi sabi mo silent reader ka at napa comment ka dun sa Chapter 36! Hahaha. Salamat! 


At sa inyo ulit, sorry kasi natagal na naman ang update ko ng ilang araw. May mga inasikaso lang ang Ate niyo. So, eto na hehe. Malapit na talaga tayong matapos dito sa JBIAG at sobrang mamimiss ko ito. Hindi ko pa sure kung anong isusunod ko dito, kung yung Pinagtagpo ng Tadhana ba? Mistakes and Chances? O Tunay na Mahal ng first Abrego series ko. O, Ngayong Gabi ni Sebastian? Naguguluhan na ako. Kasi sabay sabay silang nang iinis sa isip ko at syempre hindi ko naman sila kakayanin ng sabay sabay huhuhu.

Salamat sa suporta, Sweethearts! <3


ALC: Kabanata 38

Panay ang tawanan namin ngayon ni Monet nang makalabas na kami ng building, matapos kasi naming humingi ng kapatawaran sa isa't isa ay hindi na kami nahinto sa pag ku-kwentuhan. Masaya ako dahil tanggap niya ang desisyon ko kung sino ang gusto kong mahalin at dahil naiintindihan niya rin ako.

Biglang huminto sa paglalakad si Monet at siniko niya ako, napansin kong may tinitignan siya do'n sa may parking kaya naman bumaling ako do'n. Napalunok ako ng sunod sunod nang makita kong nakatayo si Tyler do'n sa may gilid ng sasakyan niya habang nakapamulsa na titig na titig sa akin.

Humarap ako kay Monet at isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Sige na, lapitan mo na at mukhang kanina ka pa niya hinihintay." Ngisi niya sa akin na siyang ginantihan ko naman ng isang ngiti, niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, Monet." Bulong ko bago pa ako humiwalay sa kanya.

Natatawang ipinagtulakan niya pa ako para lang mabilis akong makalakad, kumaway na muna siya kay Tyler na ginantihan din naman ni Tyler ng kaway.

Nang makalapit na ako sa kanya ay napakunot ang noo ko dahil napansin ko ang mga pasa sa mukha niya. "What happened?" Punong puno ng pag aalala ang boses ko, hinawakan ko ang pasa do'n sa may gilid ng labi niya at sandali pa siyang napadaing kaya mabilis ko ding binitawan.

"Wala 'to," aniya saka nginitian ako dahilan para lumabas ang dimples niya.

"Tyler? Dahil ba kay Dad? Dahil sa akin na naman?" Buntong hininga ko.

Napansin ko ang magkahalong lungkot at saya sa mga mata niya. Bigla akong napapitlag nang hapitin niya ako sa bewang ko at tumungo siya sa balikat ko saka mahigpit akong niyakap.

"Like what I've said, handa akong saluhin lahat ng suntok ni Dad para mapatawad niya tayo. Para matanggap na niya tayo." Bulong niya na nagpakalabog sa puso ko ng sobra.

"N..napatawad na tayo ni Dad?" Punong puno ng pag asa ang boses ko dahilan para mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Hindi pa buong buo ang kapatawaran na ibinigay ni Dad, pero ramdam kong unti unti niya tayong mapapatawad at matatanggap. Para akong gago sa mga sinabi niya sa akin kanina, dahil naramdaman kong ibinigay na niya sa akin ng tuluyan ang mga kamay mo." Litanya niya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, humiwalay ako sa pagkakayakap niya saka tumingala upang pagmasdan ang gwapo niyang mukha na ngayon ay kinahahabagan ko dahil sa mga pasang natamo niya.

"Thank you, Tyler, for not giving up on me kahit pa ilang beses kitang nasaktan." Kuminang ang mga mata niya dahil sa sinambit ko at 'yon ang naghatid ng saya sa puso ko.

"I will never give up on my dreams, Sweetheart. Ikaw yung nag iisang pangarap ko sa buhay na hinding hindi ko kakayanin kapag hindi ko naabot. No matter what happen, I won't give up on you, I won't give up on us. Matindi ang pananalig ko sa Diyos na maaabot kita." Nanginginig ang boses niya na sinasabi sa akin 'yon habang nakahawak ang kanang kamay niya sa pisngi ko at ang kaliwa naman ay marahang pinipisil ang kaliwang kamay ko.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon