ALC: Kabanata 27

28.9K 980 105
                                    

Dedicated kay @VicrisEspiritu thank you sa matiyagang paghihintay! <3 :)

At syempre sa inyong lahat, ang mga comments niyo ang nagpapakumpleto ng araw ko bago ko simulan ang pagta-type ng update. Salamat! Patuloy lamang po tayong umasa na may darating pang kasunod! Hahaha!


ALC: Kabanata 27

Tatlong araw na simula nang makilala ko si Tita Leny, hindi ko alam pero sa tatlong araw na lumipas ay para bang namimiss ko na kaagad siya. Masaya ako dahil naging mas malapit kaming dalawa, madalas kaming magkatext at kung minsan naman ay tinatawagan ko siya kapag wala akong masyadong ginagawa sa trabaho.

Maging si Tyler ay naging abala din sa trabaho dahil ilang araw din siyang hindi naka-focus sa mga paper works niya dahil sa pag sama sama niya sa akin. At dahil na rin sa mga competition niya noong nakaraang araw.

"So, ayun nga." Bigla akong natauhan sa pag iisip ng mga nangyari noong nakaraang araw nang marinig ko si Monet.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumawa siya na para bang hindi makapaniwala.

"Seriously? Kanina pa ako daldal ng daldal dito." Ngumingising sabi niya matapos lunukin ang kinakain.

"Sorry, may naalala lang ako." Paumanhin ko saka sumubo ako ng pagkain. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng company namin.

"Hay naku, ewan ko ba ha? Althea, napansin ko lang nitong mga nakaraang araw parang lumilipad na yang utak mo palagi. Alam mo yang mga ganyang natutulala eh yan ang sintomas na nalalamon ka na ng pag ibig!" Sigaw niya na nagpalaki sa mata ko.

"Anong pag ibig?! Sira ka." Suway ko sa kanya saka uminom ako ng tubig dahil dinapuan ako ng kaba.

"Sus, eh para ka naman kasing bato jan na nakatunganga. Hindi ba ikaw itong nagsasabi sa akin na i-a-adjust mo na yung pagha-hire ng Marketing Director natin?" Paalala niya sa kaninang pinag uusapan namin.

"Ah! Yeah, like what I've said, nakausap ko si Jonathan kaninang umaga. And willing siyang maging Marketing Director natin kasama yung dalawang team niya from their department." Paliwanag ko sa kanya, nanlaki ang mata niya.

"What? Si Jonathan? As in Jonathan Purificacion?" Gulat na gulat na tanong niya, tumawa ako at tinanguan ko siya.

"Sandali nga, Althea, hindi ba siya yung binasted mo nung college tayo?" Sasagutin ko na sana siya pero nakita na ng dalawang mata ko si Jonathan na lumilinga linga at mukhang hinahanap kami ni Monet.

Itinaas ko ang kamay ko at tinawag ko siya, kaagad niya naman akong nakita. Nakangiti siyang lumapit sa amin ni Monet at mabilis niya kaming hinalikan sa pisngi. Hindi pa rin nagbabago ang isang ito, matangkad, moreno at gwapo pa rin siya kagaya noon.

"What the? Don't tell me siya yung nagpapalipad ng isip mo?!" Sigaw ni Monet dahilan para hampasin ko siya sa braso niya.

"Ano ka ba?! Hindi noh! At wala!" Depensa ko, umupo sa katabing upuan ko si Jonathan at ginulo niya ang buhok ni Monet dahil sa kaingayan nito.

Si Jonathan ay kaklase namin ni Monet noong college kami, kaming tatlo noon ang madalas na magkakasama sa school. Hanggang sa sinubukan akong ligawan ni Jonathan pero ipinaintindi ko sa kanya ng maayos na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at buong puso naman niyang tinanggap iyon. Matapos naming gumaraduate ay hindi na kami ulit nagkita kita pa dahil pare-pareho kaming abala sa trabaho.

"Ano na? Bakit lilipat ka sa amin ni, Al? Eh ang ganda ganda ng sahod mo doon sa company niyo." Usisa ni Monet ngayong kumakain na kami ulit ng sabay sabay.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon