ALC: Kabanata 8

53.3K 1.5K 144
                                    


ALC: Kabanata 8

"No, h'wag kang matakot sa akin. I promise, pagkatapos nito titigilan ko na ang kahibangan ko sayo." Sandali kaming nabalot ng katahimikan, hinawakan niya ang baba ko para itaas ang tingin ko sa kanya pero pilit kong iniwas ang mga mata ko.

Narinig kong huminga siya ng malalim ilang sandali pa ay nagsimula siyang mag-strum ng gitara sa harapan ko. At halos magtindigan ang balahibo ko nang magsimula siyang kumanta gamit ang namamaos na boses kasabay non ang paghuli niya sa mga mata ko.

~~They read you cinderella
You hoped it would come true
That one day your prince charming would come rescue you
You like romantic movies
And you never will forget
The way it felt when romeo kissed juliette~~

Lumunok ako ng sunod sunod upang pigilan ang nagbabadiyang pagtulo ng luha ko. Ang malamlam na pagtitig niya sa akin ay mas lalong lumalim ng lumalim, sa bawat pagkanta niya ay kusang lumalabas ang dimples niya na minana niya kay Dad.

~~ I can love you like that
I would make you my world
Move heaven and earth if you were my girl
I would give you my heart
Be all that you need
Show you you're everything you're so precious to me
If you give me a chance, I can love you like that~~

Kitang kita ko sa mga mata niya na hindi lang basta isang kapatid ang tingin niya sa akin, dahil higit pa yon doon at hinding hindi ko matatanggap yon. Hinding hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari kung sakali.

Tumungo ako at hinayaan kong pumatak ng isang beses ang luha ko kasunod non ang muling pagpipigil ko.

Nang matapos siyang kumanta ay ramdam ko pa rin ang malalim na pagtitig niya sa akin. "Happy birthday, Al." Bulong niya.

Tinignan ko siya ng buong loob. "Tapos ka na ba?" Mariin na tanong ko sa kanya, isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin na para bang napapaso siya sa malamig na pananalita ko sa kanya. Umiling siya at may kinuha siya sa kanyang bulsa.

Isang eroplanong papel na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Naaalala mo pa ba noon kung paano mo ako kulitin? Madalas kang gumawa ng eroplanong papel at pilit mong pinapatama yon sa teracce ng kwarto ko." Paalala niya sa akin, hinding hindi ko makakalimutan yon, dahil noong mga bata pa lamang kami ay gumawa siya ng pader sa pagitan naming dalawa. Hindi ako pupwedeng pumasok sa kwarto niya, kaya naman sinusulat ko sa isang papel ang mga gusto kong itanong sa kanya at ginagawa kong eroplano yon para makarating sa kanya.

Sa natatandaan ko ay sampung taon ako noon nang simulan kong maisip yung paraan na yon para kausapin siya habang siya ay malapit nang mag-kinse anyos. Lumalabas ako ng bahay namin at tumatapat ako sa may terrace ng kwarto niya para kulitin siya.

"At ni minsan hindi ko sinagot ang mga tanong mo." Sabi niya, marahan niyang binuklat sa pagkakatupi ang papel at sandali siyang lumunok saka sinimulang basahin iyon.

"Sa lahat ng tanong na pinarating mo sa akin ay dalawa lang ang tumatak sa isipan ko." Patuloy niya kasabay non ang pamumula ng kanyang mga mata, muli siyang lumunok at pinagpatuloy ang pagbasa sa sulat na hawak hawak niya, ikinuyom ko naman ang kamao ko dahil sa biglaang pagpiga ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

"First, tinanong mo sa akin kung hindi ba kita mahal?" Aniya at sandali siyang huminto. Tinitigan niya ako sa mata ko at nahuli niya ang pagpatak ng luha ko kaya mabilis kong pinunasan iyon!

Hindi ko alam pero nararamdaman kong may sasabihin siyang magpapayanig sa pagkatao ko, gusto kong pigilan iyon pero alam kong hindi ko kayang pangunahan siya.

Just Because I'm A Gentleman [Published under Summit Media/Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon