Chapter 1

55.8K 1.5K 197
                                    

Chapter 1

Ang init! Patay ba ang aircon? Sino ang walanghiyang pumatay ng aircon? Napabalikwas ako ng bangon para lamang magulat. I was surrounded by fire. May sunog ba? Bakit walang sumisigaw? Nasusunog ang bahay ko?

"Sunog! Sunog!" I shouted asking for help.

"Tanga! Walang sunog! Nasa impyerno ka lang!" Nagulat ako nung biglang may nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko muntik na akong mapatakbo. In front of me is a man with horns. Not an ordinary horn but horns with branches. Parang horn ng isang deer. Ang mata niya pulang pula pati na din ang buong mukha niya. He looked like a demon.

"Demonyo!" I uttered. Shocked.

"Tama ka!"Tumawa ang lalaking mukhang demonyo.

"Demonyo ka nga?" Malay ko ba kung nasa costume party lang ako at kinareer ng lalaking ito ang demonic costume niya. Pero infairness, convincing ha.

"Sa tingin mo fake itong antlers ko?" Napatingin naman ako sa sungay niya na nagkasanga sanga na.

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Tumingin ako sa paligid and I noticed that I am on top of a hill. Mapula na mangitim mgitim ang kalangitan and down the hill in hell is one hell of a fire. May mga taong o baka kaluluwa na  inihahagis sa apoy and they would come out laughing na parang sa swimming pool lang sila inihagis. Napatigin ako sa katabi namin at nakita ko ang dalawang tao or maybe demonyo na nag totong-its sa isang maliit na mesa at ang pustahan nila...what was that? Did he just cut off his finger nung nanalo ang kalaban niya? Gross! Panigurado, hindi totoo ang lahat ng ito at nananaginip lang ako. This is all too bizarre to be true.

"Baliw! Di ka nananaginip. Totoong nasa impyerno ka at ang kinakausap mo ngayon ay ang isang high level demon." Inilabas pa niya lalo ang dibdib niya na parang proud na proud sa sarili. Tumaas bigla ang kilay ko. May ganun!?

"Wag ka nang magtaka. Sa candy crush nga may level dito pa kaya sa impyerno?" Hindi matino itong kausap ko. Teka nga! Bakit ang tagal kong gumising? Ayaw ko na ng panaginip na ganito. Mamaya bangungutin pa ako at tuluyan pa akong mamatay. At saka ayaw ko na kausap tong katabi ko, hindi matino kausap.

"Eh di wow! Ikaw na ang matino kausap. Hoy, wag ka nang mag ilusyon, ito na ang realidad mo. Patay ka na, isa ka nang kaluluwa at nasa impyerno ka!" Tumawa siya na parang demonyo. Napapansin ko, lahat ng naiisip ko sinasagot niya. May powers ba siya? Pero teka patay na ba talaga ako?

Truelalu ba ito at hindi lang panaginip?

"Yes! This is the real life, this is not fanstasy. Caught in a landslide, no escape from reality. Open your eyes, look up to the skies and see..." Sabi niya sa tono ng Bohemian Rhapsody. Siyempre papatalo ba ako sa isang demonyo? Favorite song ko ata ang Bohemian Rhapsody.

"I'm just poor boy, I need no sympathy, because I'm easy come, easy go. Little high, little low. Anyway the wind blows doesn't really matter to me..." Dugtong ko sa kanta niya at ginamit ko na ang kamay ko at ginawang mic.

"Mama, just killed a man. Put a gun against his head. Pulled a trigger, now he's dead. Mama life has just begun but now I've gone and thrown it all away. " Feel na feel na niya ang pagkanta. May pakumpas kumpas pa siya ng kamay at nag babody wave pa. Wow ha! Papasa nang macho dancer.

"Mamaaaa...oooohhhh. " Sabay na kaming kumanta pero tumigil ako.

"Teka nga! Teka nga! Stahhp it! Stop!" Tumigil nga siya sa pagkanta at napatingin sa akin.

"Totoo nga bang patay na ako at hindi ito panaginip at nasa impyerno ako?"

"Corrected by." Nakangising sagot niya.

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now