Chapter 14

22K 1.1K 86
                                    

Chapter 14

"Hindi ako patay!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Raehel. Nakatulala din siya habang nakatingin kay Manang Cynthia. Mukhang nagulat din siya sa kanyang nalaman. Sino ang hindi magugulat? Hindi ako patay! Holy Shit!

"Let's go." Biglang sabi ni Raehel. Mukhang nakalimutan niya na hindi kami nakikita ni Manang Cynthia. Tuloy, nalilitong nakatingin lang sa kanya si Manang.

"Po? Sir?"

"Ibig kong sabihin Manang, aalis na po ako. Saan palang hospital si Amery?" Sinabi ni Manang ang pangalan ng hospital.

"Naku Sir, sana magising na siya pag narinig ka niya. Kasi nung naghiwalay kayo para umalis na din ang katinuan ni Ma'am Amery. Naging wild na siya, naging pasaway. Pinilit sina Mommy niya na bilhan siya ng sariling condo para kahit hindi siya umuwi magdamag, walang magagalit sa kanya. Ikaw lang ang nagpapatino kay Ma'am Amery Sir. Kayang tuwang tuwa ako na bumalik ka na." Walang preno na sabi ni Manang at kung may kakayahan lang ako, mabusalan ko na ang bibig niya dahil sa kadaldalan. Di bali, pag nagising na ako pagsasabihan ko si Manang.

"Salamat Manang. Aalis na po ako." Bumalik na siya sa kotse at sumunod kami ni Afarin. Pagkasakay niya hindi agad niya pinaandar ang kotse at tumingin kay Afarin.

"Alam mong hindi pa siya patay?"

"Hindi. Nagulat din ako.!" Tumingin si Afarin sa akin at ang laki ng ngisi niya.

"Hindi ka patay Amery! Hindi ka demonyo!" She flung herself to me at nagyakapan kaming dalawa. Nagtitili kami ni Afarin sa kasiyahan dahil sa nalaman namin. Kami lang ata ang natuwa sa kaalaman na comatose ako.

"Rae, hindi ako patay!" I said excitedly and threw myself at him forgetting that I am a ghost. Lumusot lang ako sa driver's seat sa tuwa ni Afarin.

"Hmp! Di bali pag nagising na ako mula sa coma, mayayakap na din kita in flesh, hindi lang in spirit." Ngumiti siya sa akin pero maya-maya lang tumingin ulit siya kay Afarin na nakakunot ang noo.

"Afarin, bakit napunta siya sa impyerno? Hindi dapat siya nakalusot sa barrier." Lumipad si Afarin mula sa backseat at lumipad lipad sa harap ni Raehel habang nakakunot din ang noo.

"Hindi ko din alam Lycus. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa barrier. Maliban na lang kung may sumundo sa kanya." Nagkatinginan sila at hindi na ako makatiis dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Anong barrier ang pinagsasabi niyo at anong sundo?"

"Hindi ka dapat napunta sa impyerno Amery. Souls like you just hovered above your body or on earth. Habang pumipintig pa ang puso ng isang tao, hindi pwedeng lumayo ang kanyang kaluluwa. You wouldn't be able to pass the realm of hell or heaven because your soul is still incomplete. Maliban na nga lang kung may sumundo sa'yo. May naalala ka ba bago ka makarating sa impyerno? Do you remember your travel to hell? May kasama ka ba?" Lalo akong naguluhan sa sinabi ni Afarin.

"Wala akong maalala na nagtravel ang kaluluwa ko. Basta pagkagising ko nasa impyerno na ako. Akala ko nga nananaginip lang ako." Nagkatinginan ulit sina Raehel at Afarin at parang nag usap pero hindi ko maintindihan.

"Bakit masama ba na sa impyerno ako dumiretso, Rae?"

"Alam kong gala ka nung nabubuhay ka, pero pati pala kaluluwa mo gala din." Nakangiting sabi niya pero napansin ko ang pag iwas niya sa tanong ko. Para bang may ayaw siyang sabihin sa akin.

"Rae..." My voice quivered and he might have sense my agitation.

"Everything will be alright Amery. Sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama sa'yo." He assured me and I felt instantly calm. Katulad ng nangyayari sa akin kapag nasi-stress ako dati. Isang salita lang niya, humihinahon na ako.

The Death and Life of AmeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon