Chapter 11

25.1K 1.3K 95
                                    


Chapter 11

Ito yun eh! Ito yun! Ganito pala ang feeling ng magpapaalam. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang katotohanan na may pagkakataon pa ako para magpaalam sa kanya o malulungkot ako kasi ito na ang huli kong pagkakataon. Ito na ang huli naming pagkikita. Pagkatapos nito hindi ko na siya makikita, hindi ko na makakausap.

Isipin pa lang yun naluluha na ako o baka nga umiyak na ako kung may luha lang na lumalabas sa mga mata ko. Ang sakit! Ramdam na ramdam ko ang bigat sa puso ko. Pero mas mabuti pa ang ganito kesa patagalin pa.

Pinindot ko na ang tracking device ko para makapagteleport ako kay Raehel. Ibabalik ko ang tracking device sa impyerno kapag pinaalam ko na hindi ko na itetempt si Raehel. Kung bibigyan nila ako ng bagong assignment, bibigyan ako ng panibagong tracking device. The Tracking device is our only ticket to get in and out of hell. Without it, we cannot go anywhere. Yun nga lang, exclusive ang tracking device sa taong nakaassign sa'yo kaya automatic doon nagteteleport kapag lumabas ng hell. Pero siyempre, pagnakalabas na ng impyerno pwede nang gumala kahit saan sa lupa. Kaya siguro ang mga ibang demonyo, nakakakolekta ng souls. Nagsa-sideline ng ibang matetempt. Ngayong naisip ko, ang bilis lang makapasok sa impyerno pero ang hirap lumabas. Ang dali lang gumawa ng mga kasalanan, it was even fun at first pero sa huli, doon ka pagbabayarin sa lahat ng mga kasalanan mo. If only humans were given a glimpse or a taste of hell upon birth. If only they were oriented on what will happen if they're in hell, then maybe, there will be world peace. Kung sa simula pa lang itinanim na na puso at isip ng mga tao ang mangyayari sa kanila.

But then, maybe, the world is really created with balance. Balance even with the good and evil. and souls are given a chance to choose. Hence, the human freewill. Every decision is a choice, a choice between good and evil, a choice of salvation. I was also given that choice. I once owned that decision but now it's too late to retract everything. Pero kahit na huli na ang lahat para sa akin, naniniwala akong may kakayahan pa din akong magdesisyon ng tama.

Yes, nakapagdesisyon na akong hindi na itutuloy ang balak kong pangdedemonyo sa kanya. Hindi ko kaya. Bahala nang mabulok ako sa impyerno. Bahala na kung litsunin man ako ng mga demonyo o kaya ipansabong. Hindi ko kaya isakripisyo ang ang napakaraming kaluluwa para lang sa kaluluwa ko.

I pressed the tracking device and I was teleported to Raehel's bedroom at nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan sa veranda at nakatingin sa itaas. Para bang minememorize niya ang bawat bituin.

Hindi niya napansin ang pagdating ko kaya nagkaroon pa ako ng pagkakataon na panoorin siya. For the past five years, his physical features didn't change. Pogi pa din siya. Nakatalikod man, nakatagilid o nakaharap.

Dati natanong ko siya kung bakit niya ako nagustuhan. He was an accomplished man at age 23 and I was just a careless graduating college student. Nagkakilala lang kami dahil tinulungan niya ako nung muntik na akong masagasaan nung patawid ako sa kalsada. Ngumiti lang siya sa akin nung panahon na yun but I was captivated. He have this certain aura within him and now I know why.

Nung umagang nagising ako na wala na siya sa tabi ko, naisip ko kaya siguro hindi niya sinagot ang tanong ko dahil hindi naman talaga niya ako nagustuhan. Pinaglaruan lang niya ako.

Pero ngayong alam ko na kung sino talaga siya, bumabalik na naman ang tanong sa isip ko, bakit niya ako nagustuhan?

Bakit ako?

Am I even worthy of his love? Sabi nga ni Afarin, I am not even worthy of his glance.

Oo at tanggap ko na hindi na kami magkakatuluyan pero ang katotohanan na minahal ako ng isang anghel ay sobra sobra na. Halos hindi ko mapaniwalaan. It's overwhelming.

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now