Chapter 10

26.5K 1.2K 122
                                    

Chapter 10

Pagdating ko sa impyerno, wala akong ginawa kundi ngumawa sa iyak. Kahit na kaluluwa na lang ako, ramdam na ramdam ko ang sakit at pighatidahil sa mga nalaman ko. Ang masama pa, todo ngawa na nga ako pero kahit isang luha walang pumapatak sa pisngi ko.

Madami na din ang mga demonyong napapatingin sa akin at siguro nagtataka kung bakit ganito ako ngumawa. Yung iba nga nginitian pa ako at tinawanan, Mga walang awa, walang puso! Mga demonyo!

Siguro kung sa langit ako napunta, hindi ko mararanasan ang ganitong sakit, ang ganitong sama ng loob. Maybe, kung sa langit ako napunta, may pagkakataon kami ni Raehel. May pag asa ang pag ibig namin. Pero ngayon, malabo pa sa uling ng impyerno na magkaroon kami ng happy ending. Yun ang masakit. Kasi mula simula pa lang parang itinakda na hindi kami magkakatuluyan at masasaktan lang kami. Pero bakit pa kami pinagtagpo at pinaibig sa isa't isa kung sa ganito kami hahantong? Bakit?

Ano ba ang napakalaking kasalanan ko?

"Amery! I missed you!" Napatingin ako bigla kay Xiclav na slow-mo na tumatakbo palapit sa akin. Feeling niya ata nasa isang low budget movie siya.

Ang laki ng ngiti niya nung makalapit na sa akin. Hindi ako nag react. Wala ako sa mood na makipag usap kahit kanino. I wanted to be alone. Gusto kong namnamin ang kabiguan ko.

"Pero siyempre alam mong hindi kita namimiss at ginagago lang talaga kita. Sinubukan ko lang kung bagay sa akin ang kaartehan mo last time." Daldal pa din niya pero hindi ko siya pinansin kahit na kakaiba ang sigla ngayon ni Xiclav.

Nung napansin ata niyang deadma ako sa kanya tiningnan niya akong mabuti.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit parang namatayan ka?" Tumawa siya ng malakas kaya umirap ako sa kanya.

"Xiclav, mukhang hindi na ako makakaalis dito sa impyerno." Malungkot na sabi ko. The loneliness is overwhelming. Nitong mga huling araw, punong puno pa ako ng pag asa na makakaalis ako dito pero ngayon, lahat ng pag asa ko nadurog. Paano ko dedemonyohin ang isang anghel? Paano ko magagawang demonyohin ang taong...ahmmm anghel na nagkaroon ng malaking puwang sa puso ko?

Kung pagbibigyan man ako ni Raehel, makakaya kaya ng kaluluwa ko ang guilt dahil nagawa ko siyang gawing masama? Ahhh..ang hirap! Gusto ko na lang magpakamatay! Sadly, I am already dead. Sino ba ang nagsabing matatapos ang lahat sa kamatayan ng tao?

Sa kamatayan pala ng tao magsisimula pa lang totoong buhay. Kung buhay ngang matatawag ito! Real existence started upon death because that existence would last till eternity. Walang oras, walang araw, walang taon. The concept of time is non-existent.

"Bakit mo naman nasabi yan? Naglelevel up ka naman ah." Nagpalabas si Xiclav ng isang mesa at may tatlong upuan. Umupo siya sa isang upuan at umupo din ako. Tapos hinatak niya ang isang dumaang kaluluwa at pina upo.

May inilabas siyang baraha at nagsimulang mag deal. Gusto niya atang maglaro ng tong its. Nagsimula na silang maglaro.

"Nalaman ko kanina lang na anghel pala si Raehel. Kung ikaw nag-give up kasi Pope ang assignment mo, mas lalo na ako! Anghel siya Xiclav! Anghel! Paano ko dedemonyohin ang isang anghel? nakikita niya ako, naririnig. Alam niyang dinedemonyo ko siya!"

"Hindi mo alam na anghel siya?" Kumuha siya ng isang baraha sa nakafold na baraha at pinalitan ang hawak niyang card. Nandadaya siya ng harapan at walang pakialam ang kalaro niya.

"Alam mo?" Nanlalaking mga mata na tumingin ako sa kanya.

"Aba'y matagal na. Simula nung na assign siya sa'yo." Baliwalang sabi niya. What the hell! Alam din ni Xiclav. Ako lang ata ang hindi nakakaalam. Ang tanga ko naman.

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now