Chapter 19

26.1K 1.1K 218
                                    

Chapter 19

Amery's POV

I should be weak after waking up from a 6-month coma pero pagkakita ko kay Raehel kaagad na nabuhay ang dugo ko at parang nagka adrenaline rush ako. No...it's not because I missed him so. It's the exact opposite. Nabuhay at kumulo ang dugo ko pagkakita ko sa kanya dahil anong karapatan niyang magpakita sa akin pagkatapos ng limang taon?

Paanong niyang nagawang magpakita sa akin pagkatapos ng lahat and still looked so...so handsome? Ang unfair! Parang hindi man lang siya naapektuhan ng mga nangyari samantalang ako, pagkatapos ng ginawa niya, nag iba na ang buhay ko. My life took a 360 degrees turn. Naging wild ako, naging pakawala, nanlandi ako at ang naging resulta, na-coma ako dahil sa paglalandi.

"Palabasin niyo siya Mommy! Ayaw ko siyang makita!" I shrieked. Mabuti na lang at inalis na kanina ang IV ko kaya kahit na magwala ako, okay lang.

"Amery..." Nilapitan ako ni Mommy at pinakalma.

"Mabuti pang mag usap kayong dalawa Amery." Matigas naman na sabi ni Daddy. Niyaya na din niya si Mommy na lumabas sa room ko. Pagkasara nila ng pinto, galit na tumingin ako kay Raehel na kalmado pa din na nakatayo sa dulo ng hospital bed ko.

"Anong ginagawa mo dito? You're checking if I'm dead? Too bad, hindi pa ako patay." Matigas na sabi ko sabay taas ng noo.

"Let's talk Amie." Naglakad siya palapit sa akin at tumayo sa gilid ng bed ko.

"Wala na tayong dapat na pag usapan. Natapos na sa atin ang lahat 5 years ago. You left me and that's it. We're done, we're over. Get out!" I shouted again but he remained calm. Nakatingin lang siya sa akin. Yan ang nakakainis kay Raehel. Palagi siyang kalmado kahit na naghuhuramentado na ako. No one could break his calm. Dati I find it comforting. Sino ang aayaw sa lalaking kalmado palagi at pwedeng sandalan sa lahat ng oras? Pero ngayon, I find it irritating. Bakit hindi ako maiinis, halos pumutok na ang mga ugat ko sa galit pero siya parang wala lang. parang hindi ko siya sinisigawan.

"You didn't even give me a chance to explain." Mahinahon pa ding sabi niya.

"Wala ka nang dapat pang e-explain. Your action says it all. Pinakita ng ginawa mo kung anong klaseng tao ka. Jerk! Asshole! User! Paasa! Get out! Out! Now! Ayaw kong makipag usap sa'yo! Ayaw kong makita kahit ang dulo ng buhok mo. Ayaw kong maamoy kahit ang pabango kaya lumayas ka na!" Sigaw ko sabay turo sa pinto.

Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya pero hindi ako nagpaapekto. Nagdadrama lang siya I'm sure.

"Ano pa ang hinihintay mo? Labas!" I shouted at him again pero bigla akong napatingin nung bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor.

"Time for meds." Nakangiting sabi ng doctor. Natigil ako sa pagwawala at pinilit na kinalma ang sarili ko. Nakangiting tumingin sa akin ang doctor. Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha tapos pinakiramdaman ang vitals ko. Ibinaba niya ang hawak niyang chart at humarap sa akin.

Then her eyes narrowed and she slapped me hard. Nagpanting ata ang tenga ko sa pagsampal sa akin ng doktor. Napahiga ako sa kama dahil sa pinaghalong impact ng sampal at gulat sa nangyari.

"Amery!" Agad na lumapit sa akin si Raehel para alalayan ako. Gusto ko sanang itulak siya pero nagulat ako sa ginawa ng doctor. What the hell! Bakit niya ako sinampal?

Napatingin ako ulit sa doktor at ganun na lang ang panggigilalas ko nung hindi na doktor ang nasa harap namin kundi isang...isang taong may pulang balat at may antlers na sungay. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapagsalita. Umalis ako sa kama at pumunta sa kabila palayo sa doktora na naging monster.

"Rae..." Bigla akong kumapit ng mahigpit sa braso ni Raehel. Shit! Sino siya? No...mali ata ang tanong ko. Ano siya? Bakit ganyan ang itsura niya?

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now