Chapter 7

23.6K 1K 78
                                    

Chapter 7

"Nakikita niya ako! Nakikita niya ako!" I said pacing back and forth in his office. Napatingin ako kay Raehel na nakaupo pa din sa executive chair niya na para bang walang kaluluwa na nagpi –freak out sa harapan niya. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap ng table niya.

"Nakikita mo ako?" Tanong ko sa kanya pero walang reaction mula sa kanya. Nakaharap siya sa computer at seryoso na may binabasa.

"Hindi? Hindi mo ako nakikita o naririnig?" Wala pa ding reaction. Doon na ako nakahinga ng maluwag.

"Mabuti naman! Ano na lang ang sasabihin mo kung nakikita mo akong patay na? Siguro pagtatawanan mo ako kasi namatay akong bitter sa'yo. Mabuti na lang talaga. Thank God! Awww!" Sigaw ko dahil biglang parang pinagsasampal ako ng invisible hand.

"Ouch! What the hell!" Sigaw ko habang umaatras hanggang sa mapaupo ako sa sofa sa loob ng opisina ni Raehel. Doon lang tumigil ang parang kamay na sumasampal sa akin. Napahawak ako sa pisngi kong invisible. It stings! Damn! Ang sakit!

"Anong nangyari sa'yo?" Napalingon ako sa anghel na nasa tabi ko na. Nakikita ko ang concern sa mga mata niya.

"Para kasing may sumampal sa akin ng ilang beses. Ang sakit sa pisngi. Hindi ko naman nakikita ang sumasampal sa akin." Tumango tango ang anghel.

"Sinabi mo ang name ni God ano?" Napaisip ako. Sinabi ko nga ba? Oo nga! Nagpasalamat ako.

"Yes."

"Yan kasi ang parusa sa mga demonyo pag nirerecognize pa ang existence Niya."

"Ganun?"

"Yeah." Napasimangot ako. Kahit kailan hindi pa ako nasampal. Nasabunutan oo, pero nasampal, hindi pa. Kung kelan pa ako naging kaluluwa, tsaka pa ako nasampal. At hindi lang isang sampal. Mag asawang sampal at may kasama pang ilang kabit. Siguro kung hindi ako kaluluwa, tumalsik na ang utak ko sa lakas ng pagkakasampal sa akin.

"Bakit mo ba ginagawa ang ginagawa mo? I mean, bakit mo tinetempt si Lycus? Gumaganti ka ba sa kanya dahil iniwan ka niya pagkatapos ng..." She trailed off at nanlaki ang mga mata ko sa kanya. She knows? The hell!

"Alam mong...andun ka? Binosohan mo kami!?" Pahisteryang sabi ko. Nakita ako ang biglang pamumula ng pisngi ng anghel.

"Hindi ah! Wala ako dun. Nalaman ko lang, dahil siyempre tagabantay niya ako."

"Sinungaling!" Akusa ko sa kanya. Naisip ko pa lang na may nanonood sa amin nung ginawa namin yun ni Raehel, napupuno na ako ng kahihiyan.

"Hindi ako sinungaling. Hindi nagsisinungaling ang mga anghel. Nasusunog ang bahagi ng pakpak namin kapag nagsisinungaling kami!" She said at napatingin ako sa pakpak niyang maliit na ang puti puti. Oo nga! Sayang kapag masunog.

"Pero mabalik tayo, bakit mo nga tinietempt si Lycus?" Nakaharap na siya sa akin habang lumulutang at nakapangalumbaba. She's so adorable and cute.

"Bakit ba Lycus ka ng Lycus? Raehel ang tawag ng lahat sa kanya. Kahit family niya di ginagamit ang first name niya na Lycus."

"Bakit ba? Walang pakialaman ng tawag sa kanya." Aba!

"Eh di wala ka ding paki sa rason ko. Echosera kang bata ka!"

"Kasi naaawa ako sa'yo. Mahihirapan ka lang sa ginagawa ko. Isa pa, hindi mo alam ang ginagawa mo." Tumaas ang kilay ko.

"Sure ka?" Puno ng sarcasm na tanong ko sa kanya. Hindi kesyo anghel siya, alam na niya ang lahat. Chura niya!

"Sure na sure. Kaya bakit mo ginagawa ito? Malay mo di ba, matulungan kita." Nakangiti nang sabi niya and who could resist her smile? Napabuntonghininga ako at sumandal sa sofa.

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now