Chapter 17

20.5K 1.1K 115
                                    

Chapter 17

Raehel's POV

"Nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko makikita ang pag ibig ko Laxan." Pinilit kong hindi magalit. I maintained a blank expression. Ang tagal ko siyang hinanap at sa lahat ng lugar dito ko pa siya makikita sa impyerno. Kaya pala ang hirap niyang hagilapin.

"Ikaw ba ang nagdala ng kaluluwa niya dito?" Nakita ko ulit ang pagngiti niya.

"Hindi ako nagkamali. Gagawin mo ang lahat para sa kanya. Tatalikuran mo ang lahat para sa isang walang kwentang kaluluwa Lycus. Isa kang hangal." She shouted and her blue eyes turned red and fiery.

"Hindi ba kahangalan din ang ginawa mo Laxan? Hindi ba isang kahangalan din ang pagtalikod mo upang maging tagapagsilbi ng isang talunan na nilalang?" Lalong nag apoy ang tingin ni Laxan sa akin.

"My allegiance had always been with him. Mga hangal lang kayo dahil hindi niyo agad nalaman iyon. Pinahanap niyo pa ako! I made a fool out of you!" She laughed and I looked at her.

"Sa tingin mo? Hindi kaya ikaw ang naisahan Laxan? Tingnan mo ang sarili mo? Pag ibig ang nagdala sa'yo dito, pero nakuha mo ba ang sinasabi mong pag ibig? Isang kang seraphim sa langit, ano ka dito sa impyerno? Isang utusan? Minahal ka din ba niya katulad ng pagmamahal mo sa kanya ngayong andito ka na sa tabi niya? Hindi di ba? Alam mo kung bakit? Dahil wala siyang kakayahang magmahal ng iba. Sarili lang niya ang kaya niyang mahalin. Hindi mo ba yan nakita nung rebellion? Isang makasarili ang minahal mo." Binigyan ako ng masamang tingin ni Laxan.

"Damn you!" She shouted and unsheathed her sword but suddenly stopped. Alam niyang hindi niya ako masasaktan. She'll face the consequence to her beloved if she hurt me. Hindi siya nito patatawarin dahil mas matimbang sa kanya ang kapangyarihan na maibibigay ko kaysa kay Laxan.

"Palayain mo ang kaluluwa ni Amery Laxan. Yun ang ipinunta ko dito. Dalawang kaluluwa kapalit ko." Matigas na sabi ko at nakita ko siyang ngumisi.

"Dalawa?" Tumawa siya ng malakas.

"Kulang pa yun kapalit ng kaluluwa ko Laxan." Tiningnan niya ako ng matagal bago ikinumpas ang kamay. May lumabas na maliit na vial. Amery's soul essence. Ang part ng kaluluwa ni Amery na nakulong nung pumirma siya ng registration form. It like selling your soul to the devil and most of the souls in hell are doing it without any idea what they're into.

Kinuha niya ang vial at binuksan at the essence evaporated. Napahinga ako ng maluwag.

"Kaninong kaluluwa ang isa?" Nakataas ang noo na tanong niya.

"Xiclav." Napasinghap si Laxan.

"He's a demon. You cannot free a demon's soul!"

"A low level demon. Ano ba naman yun kapalit ng kaluluwa ko Laxan. Alam mong pupwede." Masama ang tingin na kumumpas ulit si Laxan ang lumabas na naman ang isang vial na may pulang soul essense. Mabuti na lang at hindi itim. Kung itim, wala nang pag asang mailabas ko pa. She uncorked the second vial and the essence evaporated.

"Are you ready?" Nakangising sabi ni Laxan sa akin. Alam ko ang mangyayari. They will burn my wings. Pero hindi tuluyang masusunog ang mga pakpak ko. Katulad ng kay Laxan, magiging kulay itim ito. It's a painless and easy process. Walang sakit. Ganun kadali ang maging demonyo. Ganun kadali ang magpakasama.

Sa isang bahagi ng kwarto lumitaw ang isang maliit na lawa ng apoy. On top of it is a mini falls where fire instead of water flows. Naglakad si Laxan palapit sa lawa at sumunod ako sa kanya. Tumigil siya nung makarating siya sa gilid ng lawa at tumingin sa akin.

"Just dip the tip of your wings. Hindi ka masasaktan Lycus. Not even a prick." Sabi niya at binigyan ako ng daan para makalapit lalo sa lawa.

Naglakad na ako palapit at tumigil sa gilid. Nangangamoy ng sulfur ang lawa. Nangangamoy kasalanan.

"Kaluluguran ka ng ibang demonyo Lycus. Luluhod sila sa'yo. Sasambahin ka nila. Pagsambang hindi mo naranasan sa langit. Everything is at your disposal." Alam ko. Ang mga anghel na katulad ko ay magkakaroon ng mataas na posisyon sa impyerno. We will be revered and worshipped. Yan ang pinangako niya sa mga anghel sa sumama sa kanya. Mga anghel na katulad niya ay ganid sa kapangyarihan.

"Wala kang pagsisisihan. Maluwag ka niyang tatanggapin. Matutuwa siya kapag nakita ka niya. Matagal kayong nagsama, alam niya kung ano ang kakayahan mo. He would welcome you with open arms." Excited na sabi ni Laxan. I can almost see her salivating at the prospect of me becoming one of them.

Tiningnan ko si Laxan at sinalubong ang nagbabaga niyang titig.

"Iisa lang ang kaya kong sambahin Laxan." I frimly said and I suddenly unsheathed my sword and cut off my wings.

The pain is excruciating. Parang mawawalan ako ng malay dahil sa sakit. Biglang nanlabo ang paningin ko at halos hindi ko na marinig ang sigaw ni Laxan.

Nakita ko paglamon ng apoy sa pakpak ko na nahulog sa lawa ng apoy. The embers of bluish white flew around the room.

"What the hell did you do?" Laxan shouted at me.

"Kaluluguran pa din ba niya ang pagdating ko Laxan?" I smiled at her despite the pain that I'm feeling.

"Lapastangan!" Nag aapoy ang mga mata ni Laxan dahil sa galit. She unsheathed her sword and pointed it at me.

"Alam mong hindi mo kayang saktan ang kaluluwa ng isang tao Laxan." Yes, Isa na akong tao. I smiled again at her, ignoring the pain. This is killing me.

"Pero kaya kitang ikulong dito habangbuhay. Magiging katulad ka ng pinakamamahal mong tao." She shouted and conjured something. Pero bago pa niya magamit sa akin, pinindot ko ang susi na kanina ko pa hawak at bigla akong bumalik sa kawalan sa labas ng pinto ng impyerno.

Gumapang ako palapit kay Thesia. Ang isang kaluluwa ng tao ay hindi pwedeng magtagal sa kawalan. Pero kailangan kong makausap si Thesia bago pa mahuli ang lahat.

"Thesia!" I shouted when I saw her. Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Seraphim!" Agad siyang tumakbo palapit sa akin at nagulat sa itsura ko.

"Wala ka nang pakpak. Nasaan ang pakpak mo Seraphim? Hindi ka na isang anghel? Isa ka nang...ordinaryong kaluluwa." She said almost breathless. Hindi ko na pinansin o sinagot ang mga sinasabi niya dahil alam kung kulang na ako sa oras.

Hinawakan ko ang kamay niya at ibinigay sa kanya ang susi. Susi na ginamit ko kanina para makalabas sa impyerno.

"Bago mo gamitin, may isa akong kahilingan kapalit ng susi na yan." Nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin si Thesia at sa susing ibinigay ko. Halos hindi makapaniwala na binigyan ko siya ng isang susi para lang sa mga anghel. The key given to angels, in case demons defeat them. It's an emergency key. Ang susi na yun na lang ang siguradong paraan para kapag namatay ako bilang tao, ay didiretso ako sa langit. For creatures like Thesia, the key is their key to freedom, susi para makaalis siya sa kawalan. Alam kong pangarap niya ang makaalis sa kawalan. No one would like to stay in this place.

Pero kahit mawala man si Thesia sa kawalan, may agad na papalit sa kanya. For as long as humans believe, fate or destiny will never cease to exists.

"Sabihin mo seraphim. Ano ang kahilingan mo?" Nakayuko si Thesia sa akin at mahigpit na hawak ang susi.

"Let me die when she dies." I said before something pulls me out. Out of nothingness and towards the uncertainty.

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now