Chapter 5

25.4K 1K 52
                                    

Chapter 5

"I give up!" Sabi ko sabay pangalumbaba. Why? Bakit sa lahat ng taong pwedeng demonyohin, bakit si Raehel pa ang na assign sa akin? Ang hirap, hirap, hirap, hirap niyang demonyohin. Oo nga at nag level up ako pero dahil sa tsamba. Kung hindi siya lumingon, hindi ko nagawa ang una kong pandedemonyo sa kanya.

Sino ang nagsabing madaling mandemonyo? Ang hirap kaya lalo na at hindi niya ako naririnig o nakikita. Isa pa, I know Raehel to be a righteous guy. Well, not so righteous, kasi nagawa nga niyang ako iwan di ba?

But still, sa duration ng relasyon namin wala akong natatandaan na pagkakamali niya. He's an ideal boyfriend. He's sweet, caring and everything a girl could ask for. But still, he's an asshole. Baka nga pakitang tao lang ang lahat na pinakita niya sa akin para makuha ang virginity ko. Ang totoo, he's an asshole, a jerk, a jackass through and through.

Pero ang hirap talaga niyang demonyohin!

Kung palaging ganun ang progress ko sa pandedemonyo sa kanya baka abutin na ako ng pagguho ng lahat lahat, nasa impyerno pa din ako. Uhh, this is really frustrating. Paano ako aabot sa level 50? Isa pa, kailangan ko ding maging top scorer palagi para magkaroon ako ng power bonus na magagamit ko para mas mapabilis ang pag level up ko.

Napatingin ako sa paligid ko at napangiwi ako nung makita ko ang dalawang demonyong may nililitson na kaluluwa. Gusto kong mapaiyak.

No! I cannot stay in this place. Hindi maaari! Hindi ako nababagay sa lugar na ito.

"Bagay ka kaya dito. It's like, this place is made for you." Napatingin ako bigla sa nagsalita at nakita ko ang panget na mukha ni Xiclav. Nangangati ang kamay kong putulin ang antlers niya.

"Will you stop reading what's on my mind?" Singhal ko sa kanya at ngumuso.

"Hindi ko binasa ang isip mo, dinig na dinig hanggang kabilang dimension ang sigaw mo." Nakangising sabi niya at tumabi sa akin. Umusog ako palayo.

"Wag kang dumikit sa akin, ang init init! Dikit ka pa ng dikit!"

"Ang arte nito. Ihawin kita sa apoy, makita mo." Inismiran ko lang siya.

"Bakit nga pala andito ka? Bakit hindi ka nangdedemonyo? Alam mo bang time is gold because patience is a virtue?" Ngumisi ulit siya like a demon pero hindi ako natawa sa joke niya. How could I laugh when I'm in hell?

"Paano kasi, ang hirap hirap naman ng assignment ko. Ang hirap demonyohin ni Raehel!" reklamo ko.

"Siyempre mahirap, tanga! Alangan naman na bigyan ka ng assignment para demonyohin ang isang criminal? Saan ang challenge doon? Kung hindi mo pa narerealize, maarteng babae, nangdedemonyo ka para gawing masama ang mga mabubuting tao para ang mundo ay mapuno ng mga masasama at maging extension ng impyerno ang lupa. Naiintindihan mo na?" nanlilisik ang mga mata niya. Muntik na akong matakot kung hindi ko lang narealize na patay na pala ako.

May patay bang natatakot sa isang patay na din? Kaloka! Gusto ko na lang tuloy magpakamatay. Huminga ako ng malalim at nilayasan si Xiclav. Nagsisiklab ang inis ko kapag kasama ko siya. Pinapaalala lang sa akin ng antlers niya kung gaano pa kalayo ang lalakbayin ko.

Bumalik ako sa lupa at natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Raehel. Nasa kalagitnaan kami ng EDSA at bumper to bumper na traffic. Whew! Namatay na ako't lahat, hindi pa din nagbago ang traffic sa EDSA.

I automatically touched the car stereo to change ng station pero lumusot lang ang kamay ko. Saglit akong natulala. It was an automatic response. Yun na kasi ang nakasanayan kong gawin tuwing nakasakay ako sa kotse niya.

I wanted to hit myself.

I should stop being bitter. I have to focus on how I could tempt Raehel. Tama! Mas mabilis ko siyang mademonyo mas maganda. Para sa ikakabuti ng kaluluwa kong nagdudusa.

I smiled at my realization. Napatingin ako kay Raehel habang nakangiti. Nagkasubong ang tingin namin at nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata niya. But of course, guni guni ko lang na malungkot siya dahil nakita niya ako. He can't see me. I'm already dead, I'm just a soul.

Nag isip ako kung paano ko siya dedemonyohon. Napatingin ako sa daan at nakuha ng attention ko ang isang kotse na nag-overtake sa sasakyan ni Raehel. Talaga namang sumingit pa siya! Ang sikip sikip na nga! Muntik na tuloy magpang abot ang mga sasakyan nila. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kotse. Naku! Kung may shards of Kuldra lang ako, lumipat na ako sa kabilang kotse at minulto siya! Pwedeng akong mag transform bilang blacklady na putol ang ulo. Tingnan ko lang kung di siya mabaliw!

Napatingin ako kay Raehel na nakatingin din sa kotseng sumingit. Nailing na lang siya at parang resigned na sa nangyari. Lalong naningkit ang mga mata ko.

"What? Iiling ka na lang? Hindi mo ba nakita ang ginawa niya? He cut you off. He acted as if he owned the whole stretch of EDSA! That asshole! C'mon! Ipakita mo sa kanya na mas malaki ang tax na binabayaran mo sa gobyerno kaya mas may karapatan ka sa EDSA! Bigyan mo siya ng leksiyon para di mamihasa! Banggain mo ang kotse niya!" pandedemonyo ko sa kanya.

Nakita kong kumuyom ang mga kamay niya sa steering wheel at lihim akong napangiti.

"Babanggain na niyan! Babanggain na!" I coaxed him further. Hindi na din maalis ang ngisi sa mukha ko. I can almost atste victory in my mouth.

Then, narinig ko ang pagbangga ng bakal sa bakal at ang bigla niyang pagpreno. Nagulat ako kaya lumusot ang kaluluwa ko sa windshield. Damn! Wala bang seatbelt para sa kaluluwa? Bumalik ako sa loob ng kotse at nakita ko si raehel na sinusuklay ng kamay niya ang kanyang buhok. Nakikita ang frustration sa buong mukha niya. I grinned widely.

"Shit!" Dinig kong mura ni Raehel kasabay ng busina ng mga sasakyan. Lalong lumaki ang ngisi ko at nung marinig ako ang level up sound, I laughed like a demon on steroids. Oh, what a wonderful day!

Tumigil ang sasakyan na binangga ni Raehel at bumaba ang lalaking driver. Galit na galit at namumula ang mukha sa galit. Galit na galit na din ang busina ng ibang assakyan na mas lalong natraffic. Ang EDSA ata ang Hell version 2.0.

Lumapit ang galit na driver sa sasakyan ni Raehel at hinampas ang hood. Kulang na lang umusok ang tenga sa galit.

"Aba aba nakita mo yan? Ang yabang ah! Akala mo kung sinong pogi! Mas pogi ka naman sa kanya. Suntukin mo na! Gamitan mo ng martial arts. Di ba black belter ka? Bugbugin mo na yan! Ihampas mo sa pader, ikiskis mo ang mukha sa kahabaan ng EDSA at nang manghiram ng mukha sa aso. Akala ko kung sino! Im sure isang sipa mo lang dyan gagapang na ang hambog na palitong yan!" Talak ko habang binubuksan ni Raehel ang sasakyan. Lumapit ang panget na driver kay Raehel.

"Hoy! Anong problema mo ha! Tarantado ka pala eh!"

"Rae oh, tinatawag kang tarantado. Sipain mo na!"

"Pasensiya na boss. Hindi ako agad nakapagpreno." Mahinahong sabi ni Raehel. Nanlaki ang mga mata ko.

"What!? Anong pasensiya? Upakan mo na lang nang wlang sali-salita at nang tumigil na!" I said.

"I will shoulder the damage. Here's my card. Pasensiya na talaga." Iniabot niya ang calling card sa driver na panget.

"Sige. Sa susunod kasi, mag ingat ka na! pasalamat ka nagmamadali ako." Kinuha na ng driver na panget ang card at bumalik sa sasakyan niya. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa nangyari. Bumalik na din si Raehel sa sasakyan niya at siyempre sumunod ako. Lumusot ako sa windshield at umupo sa passenger sit.

"Ganun na lang yun? Bakit aakuin mo ang gastos? Siya naman ang sumingit. Dapat sinuntok mo na lang eh." Kapag nag away ang dalawa sa gitna ng EDSA, extra bonus points yun sa akin at may chance pa ako na maging top scorer.

Narinig ko ang ilang beses na pagbuntonghininga ni Raehel bago pinaandar ang sasakyan. Napasimangot ako.

"Kaasar naman. Bonus points na sana!" I murmured while sulking. Gusto ko siyang batukan sa inis pero naalala ko, kaluluwa na lang pala ako. Lulusot lang ang kamay ko, kapag binatukan ko siya.

The Death and Life of AmeryWhere stories live. Discover now