Prologue

25.3K 491 25
                                    

A Fan's Fantasy
Prologue

"Grabe! Nakakatuyo ng utak yung quiz na yon!" Anang iritableng si Autumn.

Tinignan naman ni Summer ang reklamadorang kaibigan habang sabay silang naglalakad palayo sa Bio Laboratory kung saan ang Lab time nila every Friday.

"Hindi talaga makatarungan ang ginagawa ni Sir Castro sa'tin! Nag bibigay siya ng schedule tapos hindi rin niya susundin! Yan tuloy hindi ako nakapag review para sa quiz na yon. Sabi niya kasi discussion tayo ngayon! Roller Coaster ata ang utak non eh." Patuloy na pagsasalita nito hanggang sa makalayo na sila.

"Tsk. Autumn naman, mamaya may makarinig sa'yo nyan eh!" Sita ni Summer sa kaibigan. Nilingon naman niya ang Bio Lab kung saan sila galing at nakitang palabas na ang kinaayawan nilang prof.

Umirap naman si Autumn bago buksan ang locker. Binalik nito ang Bio book na hindi naman nila nagamit.

"Kainis! Dala dala pa ko ng libro tapos hindi naman pala gagamitin! Alam ba niya kung gaano kabigat ang Bio book na 'to?! Pag ako talaga nakuba nako sinasabi ko sa'yo Summer. Kukulamin ko talaga yung magaling na Prof nating 'yon!"

"Autumn!" Sita ulit ni Summer dahil napansin niyang nakukuha na ni Autumn ang atensyon ng ibang students na dumadaan. Well, kahit naman siguro hindi dumadaldal ng ganito si Autumn ay nakakakuha parin ito ng atensyon.

Kahit na Freshman palang sila ay kakaibigan atensyon na ang binigay ng mga students ng DMU kay Autumn. Hindi naman ma-deny ni Summer ang ganda na tinataglay ng kaibigan. Natural na maganda talaga ito at mabait pa, reklamadora nga lang.

"Diba nga sabi sa'tin ni Ma'am Tolentino, pag wala kang pasensya hindi ka talaga papasa sa subject ni Sir Castro."

"He's the devil incarnate. I'm telling you. Kahit na dalawang buwan palang ongoing ang klase ubos na agad ang pasensya ko sa kanya." Umirap si Autumn bago padabog na sinarado ang locker.

Napapailing nalang si Summer dahil sa patuloy na pagsasalita ni Autumn tungkol sa kanilang Bio Professor na kakaiba ang trip sa buhay. Alam naman niyang may pagka masochist si Sir Castro, pansin na niya agad iyon unang buwan palang nila sa klase. Paiba iba ito ng isip at kasiyahan talaga nito pag nahihirapan sila. Ngayon may mga naka linya na naman silang gagawin. Mamaya ay ipo-post na naman sa kanilang group sa Facebook ang schedule nila na puro Bio lang ang laman. Ang Bio subject nila ang totoong feeling major.

Ang totoong major subject nila ay halos wala silang ginagawa. Walang pressure. Chill lang palagi.

"Alam ko kung bakit hindi ka nagrereklamo kasabay ko," nakahalukikip na sabi ni Autumn. Tamad namang nilingon ni Summer ang nakangusong si Autumn. Naka direkta ang mata nito sa naka dikit na picture ng isang lalaki sa pintuan ng kanyang locker.

"Dahil sa kanya!" Dinuro na ni Autumn ang picture ng basketball player na si Leon Felizardo.

"Ano ba! Wag mo ngang hawakan! Pag yan napunit!" Mabilis na hinawi ni Summer ang kamay ni Autumn at hinimas pa ang picture Leon bago sinara ang locker.

"Ano ngayon kung hindi ako nag rereklamo? Masaya kasi ako! Kaya ikaw, ikain mo nalang iyang inis mo!"

"Kung miserable ako dapat ikaw din!" Sinabunutan ni Autumn si Summer.

"Aray naman! Wag mo na akong idamay sa kamalasan mo! Kailangan positive ang energy ko para sa game bukas! Autumn naman eh!" Hinila niya rin ang buhok ng walang hiyang malditang best friend na kakaiba rin ang trip sa buhay.

"Kain na nga tayo!" Aya ni Autumn matapos ang hilahan session nila. Summer just stuck her tongue out to her best friend bago inayos ang nagulo niyang braid.

"Nako Summer Aguirre, kung hindi lang talaga kita best friend matagal na kitang hinatak palayo d'yan sa obsession mo!"

Ngumiti nalang si Summer at hindi nagpa apekto sa sinabi ni Autumn.


A Fan's FantasyOn viuen les histories. Descobreix ara