Chapter Five: A Fan's Dream

11.8K 398 56
                                    

Chapter Five: A Fan's Dream

"Wala na pala tayong stock..." Ani Autumn nang tinignan ang kanilang ref.

Tiningala ni Summer ang kaibigan galing sa pag ba-brush ng dahon para sa kanilang skeleton leaves.

Alas tres na at naisipan nitong mag merienda muna sila dahil kanina pa pagod ang kanilang kamay sa pag ba-brush. Skeletonizing leaves are no joke.

"S, kailangan natin mag grocery. Wala na rin palang iluluto dito for dinner and bukas din."

"Ngayon na?" Ibinaba ni Summer ang brush.

"I'm hungry na," ngumuso si Autumn at pinatay ang pinakapukulang mga dahon sa washing soda. "Ituloy nalang natin to mamaya. May bukas rin naman."

Limang dahon na ang nagagawa nila. Pwede naman nilang ituloy na ito bukas dahil nasa kalahati naman na sila.

"Saan tayo mag go-grocery?" Tanong ni Summer at tinanggal ang gloves. Ang dumi na ng kanilang kitchen na nagsilbi ring work area.

Nagkalat ang mga dahon at mga sangkap para sa pag gawa ng skeleton leaves. Kaninang umaga pa nag tatatalak si Autumn dahil sa hirap ng gagawin, buti ngayon ay nanahimik na ito dahil nagutom.

"Sa SM nalang, may bibilhin rin ako sa Parisian."

Nag hugas ng kamay si Summer at kinuha naman ni Autumn ang susi ng kanyang sasakyan habang may binabasa sa phone. Ngayon lang ulit ito nakapag check ng messages dahil pinatuonan talaga nila ng pansin ang kanilang ginagawa.

"Nag text pala si Belle"

"Anong sabi?"

"Kung pwede daw ba makisama dito sa'tin, hindi ko naman nareplyan kasi ngayon ko lang nabasa. Doon nalang ata sila kayla Joy gumawa. Okay na rin yon, lalong kakalat lang pag dito pa sila." Tikhim ni Autumn na nagpa iling naman kay Summer.

"Tara na!"

Pinunasan ni Summer ang kanyang kamay at kinuha ang susi ng front door. Siniguro niyang patay na ang gas bago lumabas ay ini-lock ang pinto.

Nag aabang na si Autumn sa harap ng elevator. Sakto namang bumukas na ito pag dating ni Summer.

Tahimik lang sila sa loob. Naka tuon lang ang atensyon ni Autumn sa phone nito, tuloy tuloy sa pag tipa na para bang may kaaway sa text dahil naka kunot pa ang noo nito. Tinignan naman ni Summer ang sarili sa salamin. Hindi na siya nakapag palit man lang ng damit. Sabagay, SM lang naman ang pupuntahan nila at mamimili ng pagkain. Okay na ang shorts at t-shirt. Parehas lang sila ni Autumn.

Bumukas ang pinto sa 6th floor, sunod na pumasok ang dalawang babae na nagpa urong kay Summer sa kanyang kinatatayuan. Napa dikit siya kay Autumn ng wala sa oras dahil sa presensya ni Calliope Santos at Chloe De Vera.

Nag uusap ang dalawa. Katulad ni Summer ay naka shorts at t-shirt lang si Calliope, naka tsinelas nga lang rin ito. Summer thought it looked so good on her. Samantala, si Chloe naman ay naka pants at sheer top. Kahit ang sandals nito at sumisigaw na sikat na brand.

Sinulyapan naman ni Summer si Autumn, walang paki alam ang kanyang kaibigan sa presensya ng dalawa nilang kasabay.

Naalala na naman niya ang sinabi ni Dancel. Kung elite na si Autumn, mas elite pa sila.

Naalala rin niya na ito ang pinunta ni Leon sa Delevinge Tower kagabi. Calliope was with Leon last night.

Palihim namang tinignan ni Summer ang dalawa. Buti nalang at lumayo siya ng kaonti dahil kung dumikit pa siya ay magmumukha siyang midget. Ang tangkad kasi ng dalawa, lalo na si Calliope.

A Fan's FantasyWhere stories live. Discover now