Chapter Nine: Olympus

12.8K 419 43
                                    

Chapter Nine: Olympus

"This one is great"

"Ang simple nito pero maganda"

"Masyadong mahaba at wala naman akong naintindihan sa sinabi niya"

"I like this one, Vince basahin mo yung post nung Sophia Ramirez"

"Pare, may tissue ba kayo? Nakakaiyak naman 'to"

"Hashtag: MadramaItoMasyado"

"Too many capital letters"

"They're fangirls, what do you expect?"

"Ay, may SPG"

"Asan?"

"Sinong nag post? Pabasa naman!"

Summer rolled her eyes at the last comment. The players were randomly blurting out comments habang nagbabasa ng mga facebook post ng mga sumali sa A Fan's Fantasy para sa Birthday ni Leon. Nakasalampak sila sa malaking sitting room ng bahay nila Vince at bawat player ay naatasang pumili ng TOP 5 post sa mga nabasa nila then later they'll judge their favorite and also the other fans' favorite. Iyong most shared at may pinaka maraming comments. Nag trending pa nga ito, kahit na may pasok napaka active ng lahat at tuwang tuwa naman ang mga ito nang mag uwian na para sa ginanap na twitter party.

Sadly she wasn't able to join AFF but it was okay, masaya naman siya sa kung ano man ang meron siya ngayon.

Leon was slumped on her lap, nagbabasa rin ito ng mga post. Dito kasi mangagaling ang pinaka importanteng verdict according to Vince. Bago pa man mangyari ang lahat ng ito ay naka tikim muna ng earful sermon ang mga players sa kanilang Captain sa ginawang kalokohan.

"Myco bakit ka namumula?"

"Nabasa ko na yung sinasabing SPG ni Brye"

That's when Summer burst out laughing. Leon cursed at tuluyan nang binitawan ang phone.

"Don't read that" Paalala nito sa kanya.

"Wala nga akong hawak na phone" Inosente niyang sagot dito pero pag uwi niya babasahin niya iyon. Nakakatawa kasi. Namumula rin si Leon.

"Can you be my Christian Grey, Leon? Benta pre! Kasama na 'to sa Top 5 ko!"

Binato ni Leon si Vince ng throw pillow sa inis. Alam naman niya kung bakit ito ganito, it's because of her. Inimbitahan siya ni Vince sa activity nilang ito, dapat ay siya lang talaga but since Leon had been following her around four days straight hindi pwedeng hindi ito kasama kaya naisipan nilang kunin na rin ang desisyon ni Leon sa magiging winner. He was going to date the winner after all. They finally revealed the prize and it was in fact a 'date' with the Captain. Wala namang kaso iyon kay Summer.

"Too bad you didn't join, Summer. Ang dami pa namang pumusta sa'yo" sambit ni Myco.

"You guys bet on this?" Tinaasan niya ng kilay ang mga ito.

"Can you blame us?" Sabi naman ni Vince. "You're the most outspoken fangirl of Leon, alam naming hindi ka papayag na may tumalo sa'yo but we thought wrong pala"

"She's still a winner kahit na hindi siya sumali" Sabi naman ni Logan and that comment earned a round of applause na may halong pang aasar galing sa ibang players.

Natahimik naman sila nang tumayo si Ian na may dalang papel at walang abog na lumapit kay Leon at idinikit ang papel sa dibdib nito at inabot pa ang kamay para makipag shake hands. Nang masilip ni Summer ang nakalagay sa papel hindi na niya naiwasan pang tumawa. She was practically on the floor laughing.

A Fan's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon